Font size
WorksheetsWastong Pangangalaga ng Kasuotan
Total questions: 26
Worksheet time: 17mins
Ito ay isang bagay na ating isinusuot upang matakpan ang maseselang bahagi Ng isang tao at upang proteksyunan ang ating katawan.
(a)
Sa tamang pangangalaga ng damit, mapapatagal ang paggamit nito at makakatipid ang pamilya sa pera lalo na sa mahahalagang pangangailangan.
Tama
Mali
Piliin ang mga panuntunan sa pagpili ng kasuotan: (3 correct answers)
Iayon sa oras, lugar, panahon at gawaing gagampanin ang damit na isusuot.
Piliin ang damit na mamahalin kesa mumurahin sapagkat mas matibay at maganda ito
Ibagay ang kulay ng damit sa kulay ng balat.
Piliin ang disenyo at tabas na babagay sa iyo.
Ang mapupusyaw na kulay ay bagay sa mga ______.
mapuputi ang balat
morena o kayumanggi ang balat.
Ang kulay gatas at di-mapupusyaw na kulay ay bagay sa _____
mapuputi ang balat
morena o kayumanggi ang balat.
Ang disenyong patayo ay nababagay sa _______.
mga pandak o kulang sa taas at may mabibilog na pangangatawan
matatangkad at balingkinitan ang pangangatawan
Ang damit na may linya at disenyong pahalang ay nababagay sa _______.
mga pandak o kulang sa taas at may mabibilog na pangangatawan
matatangkad at balingkinitan ang pangangatawan
Pumili ng kasuotang may _____ na disenyo para sa malaking pangangatawan at ______ na disenyo para sa maliit ang katawan.
maliliit, malalaki
malalaki, maliliit
Nararapat na labahan agad ang damit na naisuot na dahil basang damit na naiimbak at nakukuyom ay maaaring kapitan ng (a) – isang mantsa o amag sa damit na mahirap alisin.
Bakit dapat tahiin agad ang nasirang kasuotan?
Upang hindi na lumaki ang sira nito
Upang di makita ang panloob na damit
Upang maging maganda lalo ang damit
Ito ang ginagawa upang ayusin ang mga natastas na laylayan ng damit.
Pagsusulsi
Pagtatahi
Paglililip
Ang mga uri na ito ng damit ay mainam na i-hanger (2 correct answers)
damit panlakad
damit panloob o underwear
damit pambahay
unipormeng pamasok
Paano dapat paghiwa-hiwalayin ang damit na lalabhan? (3 correct answers)
puting damit sa de-kolor
hindi gaanong nagamit sa damit na nagamit na
mabibigat na damit sa magagaan
maseselang tela sa di-gaanong maselan
Ilang beses dapat banlawan ang damit na nilabhan upang mawala ang sabon?
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Anu-ano ang nararapat gawin sa nilabhang damit bago isampay sa maaraw na lugar? (3 correct answers)
banlawan ng tatlong beses
pigaing mabuti
baligtarin
itupi
Piliin sa ibaba ang mga mantsang maaaring matanggal sa pamamagitan ng pagbuhos, pagbabad o pagkula sa mainit na tubig at sabon.
Nail Polish
Dugo
Mantika o langis
Amag o tagulamin
Lipstick
Piliin sa ibaba ang mga mantsang maaaring matanggal sa pamamagitan ng pagkuskos ng brush o pagiskoba. (3 correct answers)
Putik
Amag o tagulamin
Scorch o nasunog na damit
Lipstick
Piliin sa ibaba ang mga mantsang maaaring matanggal sa pamamagitan ng paglalagay ng kalamansi at asin. (3 correct answers)
Tsokolate
Amag o tagulamin
Kandila
Kalawang
Piliin ang mga pamamaraan sa pagtanggal ng mantsa ng chewing gum: (2 correct answers)
Lagyan ng yelo ang mantsa upang tumigas bago kuskusin ng mapurol na gilid ng kutsilyo.
Sabunin sa tubig na may suka hanggang maalis ito.
Kuskusin ang mantsa ng bulak na may gas upang maalis ang paninikit.
Kuskusin ng aseton ang namantsahang bahagi
Ang mantsa ng prutas ay maaaring matanggal sa pamamagitan ng ______. (2 correct answers)
pagbudbod ng asin
pagbabad sa masabong tubig
pagbanlaw ng mainit na tubig
punasan ng Vaseline o glycerine
Piliin ang mga pamamaraan sa pagtanggal ng mantsa ng kandila: (2 correct answers)
kuskusin ng mapurol na kutsilyo.
Sabunin sa tubig na may suka hanggang maalis ito.
takpan ng mamasa-masang papel at plantsahin ang lugar na may mantsa nang ilang ulit hanggang masipsip ng papel ang natunaw na mantsa.
Kuskusin ng aseton ang namantsahang bahagi
Piliin ang pamamaraan sa pagtanggal ng mantsa ng ihi:
kuskusin ng mapurol na kutsilyo.
Sabunin sa tubig na may suka hanggang maalis ito.
takpan ng mamasa-masang papel at plantsahin ang lugar na may mantsa nang ilang ulit hanggang masipsip ng papel ang natunaw na mantsa.
Kuskusin ng aseton ang namantsahang bahagi
Ang pawis ay maaaring matanggal sa pamamagitan ng ______.
pagbudbod ng asin
pagbabad sa masabong tubig
pagbanlaw ng mainit na tubig
punasan ng Vaseline o glycerine
Piliin ang pamamaraan sa pagtanggal ng mantsa ng nail polish:
kuskusin ng mapurol na kutsilyo.
Sabunin sa tubig na may suka hanggang maalis ito.
takpan ng mamasa-masang papel at plantsahin ang lugar na may mantsa nang ilang ulit hanggang masipsip ng papel ang natunaw na mantsa.
Kuskusin ng aseton ang namantsahang bahagi
Piliin ang pamamaraan sa pagtanggal ng mantsa ng kalawang: (2 correct answers)
Gumamit ng commercial stain remover para sa puting damit.
Sabunin sa tubig na may suka hanggang maalis ito.
Lagyan ng asin o katas ng kalamansi at ikula.
Kuskusin ng aseton ang namantsahang bahagi
Ang lipstick ay maaaring matanggal sa pamamagitan ng ______(2 correct answers).
pagbudbod ng asin
pagbabad sa masabong tubig
labhan sa mainit na tubig na may sabon
punasan ng Vaseline o glycerine
