Font size
WorksheetsESP Module 4: Lipunang Sibil, Media, at Simbahan
Total questions: 22
Worksheet time: 22mins
• Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng mga (a) upang matiyak nito na matutugunan ang mga pangangailangan sa lipunan
Ang kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t-isa.
(a)
Hindi ito isinusulong ng mga pulitiko o ng mga negosyante na may pansariling interes.
(a)
Ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan (business).
(a)
Ito ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pagunlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan.
(a)
5 Katangian ng iba’t-ibang Anyo ng Lipunang Sibil
(a)
Katangian ng anyo ng Lipunang Sibil na walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot
(a)
Katangian ng anyo ng Lipunang Sibil na walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin
(a)
Katangian ng anyo ng Lipunang Sibil na hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi
(a)
Katangian ng anyo ng Lipunang Sibil na sapagkat nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan
(a)
Katangian ng anyo ng Lipunang Sibil na ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes kundi kabutihang panlahat – katotohanan at espiritwalidad
(a)
Anumang bagay na “nasa pagitan” o namamagitan sa nagpadala at pinadalhan
(a)
Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa natin
(a)
Mga halimbawa nito: : diyaryo, radyo, telebisyon, pelikula o internet
(a)
Ano ang pangunahing layunin ng media?
(a)
Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong (a)
Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan, at pagtugon sa panawagan ng lahat na, “Paki lang.”
(a)
Sa pagiging mananampalataya ay naroroon pa rin ang ating pagkamamamayan. Ang
ating pananampalataya ay naisasabuhay natin sa pamamagitan ng pagtuwang o pagtulong sa
lipunan. Sa pamamagitan ng mga pinuno at iba pang mga kasapi ng Simbahan, nailalagay natin
sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga material na bagay na ating tinatamasa.
(a)
Sino ang nagsabi nito:
“Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa kundi isang pagibig na lumilikha.”
(a)
Sino ang nagsabi nito:
“Kapag naglihim tayo, doon magtatrabaho ang demonyo.”
(a)
Sino ito:
walong taong gulang nang magsimulang sumulat ng blog na naglalarawan kung gaano kadelikado ang mag-aral sa gitna ng panggigipit ng mga Taliban. Ngayon kapag may nagagawing Taliban sa kanilang bayan, hinaharap ito ng mga kabataang babae at buong tapang nilang idinedeklarang “Ako si Malala.”
(a)
Ang iyong (a) ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan.
