wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagkonsumo

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang uri ng pagkonsumo kung saan sa pagbili o paggamit ng produkto o serbisyo ay agad na nakakamit ang kapakinabang o kasiyahan mula dito.

a)

Direkta o Tuwirang Pagkonsumo

b)

Maaksayang Pagkonsumo

c)

Mapanganib na Pagkonsumo

d)

Produktibong Pagkonsumo

2.

Ito ang uri ng pagkonsumo kung saan ang isang produkto ay maaaring magdulot ng sakit o perwisyo sa katawan ng taong gumagamit.

a)

Direkta o Tuwirang Pagkonsumo

b)

Maaksayang Pagkonsumo

c)

Mapanganib na Pagkonsumo

d)

Produktibong Pagkonsumo

3.

Ito ang uri ng pagkonsumo kung saan ang pagbili o paggamit ng produkto o serbisyo ay hindi tumutugon sa pangangailangan ng tao.

a)

Direkta o Tuwirang Pagkonsumo

b)

Maaksayang Pagkonsumo

c)

Mapanganib na Pagkonsumo

d)

Produktibong Pagkonsumo

4.

Ito ang uri ng pagkonsumo kung saan ang tao ay bumibili ng isang produkto upang gawin na panibagong produkto.

a)

Direkta o Tuwirang Pagkonsumo

b)

Maaksayang Pagkonsumo

c)

Mapanganib na Pagkonsumo

d)

Produktibong Pagkonsumo

5.

Tukuyin kung anong salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ng tao.

Mas madalas na bumili ng isda si Aling Maria dahil mas mura ito kumpara sa karne ng baboy.

a)

Kita

b)

Mga Inaasahan

c)

Panlasa

d)

Populasyon

e)

Presyo

6.

Tukuyin kung anong salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ng tao.

Napakalaki ng pagkonsumo ng Italy sa harina o flour dahil sa dami ng mamamayan sa kanilang bansa.

a)

Kita

b)

Mga Inaasahan

c)

Panlasa

d)

Populasyon

e)

Presyo

7.

Tukuyin kung anong salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ng tao.

Dumami ang nahumaling sa Ube Cheese Pandesal noong nakaraang taon.

a)

Kita

b)

Mga Inaasahan

c)

Panlasa

d)

Populasyon

e)

Presyo

8.

Tukuyin kung anong salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ng tao.

Ayon sa balita ay magkakaroon ng malakas na bagyo sa susunod na linggo, kaya marami na ang nagtungo sa pamilihan upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan.

a)

Kita

b)

Mga Inaasahan

c)

Panlasa

d)

Populasyon

e)

Presyo

9.

Tukuyin kung anong salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ng tao.

Dahil sa liit ng suweldo na natatanggap ni Mang Diego ay pinagkakasya na lang ng kaniyang pamilya ang isang kilo ng bigas para sa dalawang araw.

a)

Kita

b)

Mga Inaasahan

c)

Panlasa

d)

Populasyon

e)

Presyo

10.

Tukuyin kung anong karapatan at tungkulin ng mamimili ang binabanggit sa pahayag.

Tinitiyak ng National Food Authority na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

a)

Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan

b)

Karapatan sa kaligtasan

c)

Karapatan sa patalastasan o impormasyon

d)

Karapatang pumili

e)

Karapatan sa malinis na kapaligiran

11.

Tukuyin kung anong karapatan at tungkulin ng mamimili ang binabanggit sa pahayag.

Ang Department of Trade and Industry ay nagpapalabas ng mga video advertisement tungkol sa tamang pagkonsumo.

a)

Karapatan dinggin

b)

Karapatan bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan

c)

Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili

d)

Karapatang pumili

e)

Karapatan sa malinis na kapaligiran

12.

Tukuyin kung anong karapatan at tungkulin ng mamimili ang binabanggit sa pahayag.

Isinabatas noong 1999 ang Clean Air Act upang gumawa ng polisiya na kokontrol sa polusyon sa bansa.

a)

Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan

b)

Karapatan sa kaligtasan

c)

Karapatan sa patalastasan

d)

Karapatang pumili

e)

Karapatan sa malinis na kapaligiran

13.

Tukuyin kung anong karapatan at tungkulin ng mamimili ang binabanggit sa pahayag.

Bago bumili ng cellphone ay nagpunta muna si June sa iba't ibang tindahan upang mag-canvass.

a)

Karapatan dinggin

b)

Karapatan bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan

c)

Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili

d)

Karapatang pumili

e)

Karapatan sa malinis na kapaligiran

14.

Tukuyin kung anong karapatan at tungkulin ng mamimili ang binabanggit sa pahayag.

Nakalagay sa likod ng bote ng suka ang mga sangkap na ginamit sa paggawa ng produkto na iyon.

a)

Karapatan dinggin

b)

Karapatan bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan

c)

Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili

d)

Karapatan sa patalastasan o impormasyon

e)

Karapatan sa malinis na kapaligiran

15.

Tukuyin kung anong tungkulin ng mamimili ang binabanggit sa situwasyon.

Bago bilhin ni Shane ang nakita niyang cosmetic product ay tiningnan niyang mabuti ang mga sangkap nito.

a)

Kamalayan sa kapaligiran

b)

Mapanuring kamalayan

c)

Pagkakaisa

d)

Pagkilos

e)

Pagmamalasakit na panlipunan

16.

Tukuyin kung anong tungkulin ng mamimili ang binabanggit sa situwasyon.

Sumama ang grupo nina Alexander sa protesta laban sa kanilang kompanya na hindi sumusunod sa Safety Precautions na itinakda ng batas.

a)

Kamalayan sa kapaligiran

b)

Mapanuring kamalayan

c)

Pagkakaisa

d)

Pagkilos

e)

Pagmamalasakit na panlipunan

17.

Tukuyin kung anong tungkulin ng mamimili ang binabanggit sa situwasyon.

Nagpadala ng sulat si Cheska sa kompanya ng sabon na nakasira sa kaniyang balat.

a)

Kamalayan sa kapaligiran

b)

Mapanuring kamalayan

c)

Pagkakaisa

d)

Pagkilos

e)

Pagmamalasakit na panlipunan

18.

Tukuyin kung anong tungkulin ng mamimili ang binabanggit sa situwasyon.

Sa tuwing nagpupunta ng Tagaytay ang pamilya Cruz ay palagi silang bumibili ng buko pie.

a)

Kamalayan sa kapaligiran

b)

Mapanuring kamalayan

c)

Pagkakaisa

d)

Pagkilos

e)

Pagmamalasakit na panlipunan

19.

Tukuyin kung anong tungkulin ng mamimili ang binabanggit sa situwasyon.

Mas pinipiling bilhin Aling Marites ang mga produktong hindi gawa sa plastic.

a)

Kamalayan sa kapaligiran

b)

Mapanuring kamalayan

c)

Pagkakaisa

d)

Pagkilos

e)

Pagmamalasakit na panlipunan

20.

Ito ay tumutukoy sa pagbili o paggamit ng produkto o serbisyo.

a)

Alokasyon

b)

Pagkonsumo

c)

Produksiyon