wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

06_8TH GRADE - ARALING PANLIPUNAN 1Q [MGA SINAUNANG KABIHASNAN]

Total questions: 66

Worksheet time: 1hrs 4mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang pinuno na nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria?

(a)  

2.

Anong lungsod ang matatagpuan sa bahagi ng daluyang Indus River?

(a)  

3.

Ano ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma, sagradong ritwal, sawikain at mga salaysay ng mga Hindu?

(a)  

4.

Ano ang tawag sa isang kaisipan na humubog sa kamalayan ng mga Tsino na naglalayong magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan?

(a)  

5.

Ano ang tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at taglay ang mga lihim ng langit at lupa?

(a)  

6.

Anong bansa sa kasalukuyan ang pinagmulan ng kabihasnang naganap sa lambak-ilog ng Nile?

(a)  

7.

Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga sinaunang kabihasnan ng daigdig?

(a)  

8.

Ito ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga taga-Ehipto.

(a)  

9.

Ang tawag sa relihiyon na tinangkilik ng Dinastiyang Tang na naniniwala sa "Apat na Dakilang Katotohanan" ay (a)   .

10.

Alin sa sumusunod ang kaisipang umusbong sa Tsina na nagbigay halaga sa pagkakaroon ng isang organisadong lipunan?

(a)  

11.

Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon?

a)

Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa.

b)

Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa komunidad.

c)

Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan.

d)

Lahat ng nabanggit.

12.

Ano ang ipinapahiwatig nang pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian at hieroglyphics ng mga taga Ehipto?

a)

Ang mga sinaunang tao ay matatalino.

b)

Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat.

c)

Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sistema ng pagsulat.

d)

Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong sistema ng komunikasyon.

13.

Bakit mahalaga ang pag-unlad ng isang pamayanan?

a)

Napapaunlad nito ang ekonomiya sa paggawa at kalakalan.

b)

Natutugunan ang problema ng kakapusan sa pagkakaroon ng makabagong teknolohiya sa produksiyon.

c)

Nagkakaroon ng organisadong paninirahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamahalaan at batas, pananampalataya, sistemang edukasyon at iba pa.

d)

Lahat ng nabanggit.

14.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa kapaligiran at nakatulong sa paglinang ng mga sinaunang kabihasnan?

a)

Nagkaroon ng specialized labor batay sa kakayahan at kasanayan.

b)

Ang mga Sumer ay gumamit ng luwad o clay-tablets sa kanilang pagsusulat.

c)

Ang kabihasnang Ehipto ay nakapag-imbento ng teknolohiya para sa pagtukoy ng oras.

d)

Dahil sa sobra-sobrang produksiyon ng agrikultura napaunlad ang kalakalan o komersiyo.

15.

Bakit kinikilala ng mga sinaunang tao ang kanilang pinuno bilang Diyos?

a)

Ang mga pinuno ang nagtatakda ng buwis.

b)

Ang mga pinuno ang may responsibilidad sa kaayusan ng sinasakupan.

c)

Ang mga pinuno ang namumuno sa pagpapalawak ng teritoryo at pagpapatayo ng pook-sambahan.

d)

Ang mga pinuno ang batas at dahilan ng pagsikat ng araw, pagbaha at pagtubo ng mga pananim.

16.

Ibigay ang mga lambak-ilog na siyang pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Ehipto

(a)  

17.

Ibigay ang mga lambak-ilog na siyang pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Mesopotamia

(a)  

18.

Ibigay ang mga lambak-ilog na siyang pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

India

(a)  

19.

Ibigay ang mga lambak-ilog na siyang pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

China

(a)  

20.

Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nangyari sa kabihasnang

Mesopotamia, Tsino, Indus, at Ehipto

Ang kabihasnan na nag-ambag ng sistema ng pagsulat na tinawag na Cuneiform.

(a)  

21.

Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nangyari sa kabihasnang

Mesopotamia, Tsino, Indus, at Ehipto

Nanirahan sa kabihasnang ito ang mga Aryan na nagpatuloy sa inumpisahan ng mga Dravidian.

(a)  

22.

Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nangyari sa kabihasnang

Mesopotamia, Tsino, Indus, at Ehipto

Pinakamahalagang ambag ng kabihasnang ito ang pagpapatayo ng mga piramide na patunay sa kanilang kagalingan sa larangan ng inhenyera.

(a)  

23.

Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nangyari sa kabihasnang

Mesopotamia, Tsino, Indus, at Ehipto

Kinikilala sa kabihasnang ito ang mahalagang papel na ginampanan ng mga paraon.

(a)  

24.

Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nangyari sa kabihasnang

Mesopotamia, Tsino, Indus, at Ehipto

Sa kabihasnang ito itinayo ang Great Wall na nagsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko.

(a)  

25.

Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nangyari sa kabihasnang

Mesopotamia, Tsino, Indus, at Ehipto

Ito ang kabihasnang naniniwala sa "Mandate of Heaven."

(a)  

26.

Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nangyari sa kabihasnang

Mesopotamia, Tsino, Indus, at Ehipto

Napatanyag ng kabihasnang ito ang pagsulong ng relihiyong Zoroastrianismo.

(a)  

27.

Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nangyari sa kabihasnang

Mesopotamia, Tsino, Indus, at Ehipto

Napagwa ang Hanging Gardens na kinikilala bilang Seven Wonders of the Ancient World.

(a)  

28.

Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nangyari sa kabihasnang

Mesopotamia, Tsino, Indus, at Ehipto

Nagpakilala ng sistemang panlipunan na naghahati sa komunidad batay sa antas ng tao gaya ng maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan.

(a)  

29.

Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nangyari sa kabihasnang

Mesopotamia, Tsino, Indus, at Ehipto

Umusbong sa kabihasnang ito ang tatlong mahalagang kaisipan ang Confucianismo, Taoismo at Legalismo.

(a)  

30.

Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.

(a)  

31.

Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus.

(a)  

32.

Kaisipang umusbong sa Tsina na tumutukoy sa mahigpit na batas at kaparusahan.

(a)  

33.

Bahay-sambahan ng mga Sumerian.

(a)  

34.

Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt.

(a)  

35.

Unang pangkat ng mga taong nanirahan sa lambak-llog ng Indus.

(a)  

36.

Tanyag na gusali sa Babylon na tinaguriang isa sa mga Seven Wonders ng daigdig.

(a)  

37.

Estruktura sa Tsina na nagsilbing pananggalang at proteksiyon laban sa mga dayuhang mananakop.

(a)  

38.

Kaisipang umusbong sa Tsina ukol sa balanseng kalagayan ng kalikasan at daigdig.

(a)  

39.

Sinaunang paniniwala ng mga Tsino na ang kapangyarihan ng kanilang pinuno ay may basbas na galing sa langit.

(a)  

40.

Sinasabi na ito ang kauna-unahang Dinastiyang umusbong sa Huang Ho.

(a)  

41.

Ang mga tao sa panahon ng dinastiyang ito ay naniwala sa

Mandate of Heaven o "Basbas ng Kalangitan."

Ayon sa kanilang paniniwala ang sinumang maging emperador

ay pinahintulutan ng langit.

(a)  

42.

Sa ilalim ng kanilang pamamahala, sa pamumuno ni Emperador Shih Huang Ti, ipinatayo ang Great Wall of China upang magsilbing-tanggulan laban sa mga mananalakay na tribong nomadiko na nakatira sa hilaga.

(a)  

43.

Ang Dinastiyang ito ang kauna-unahang yumakap ng Confucianismo.

Sa panahon ng kanilang pamamahala naitatag ang mga aklatan na naglalayon na mag-imbak ng mga mahahalagang kasulatan tungkol sa kasaysayan ng Tsina.

(a)  

44.

Sa dinastiyang ito ginawa ang Grand Canal na naglalayong mapagdugtong ang Huang Ho at Yangtze upang mapabilis ang transportasyon at mapasigla ang kalakalan ng mga karatig pook.

(a)  

45.

Sa panahon ng Dinastiyang ito , masagana ang lupain at mabilis ang mga pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya. Malawakang tinangkilik ang relihiyong Budhismo ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao. Pinagtibay ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan.

(a)  

46.

Naitayo ang Temple of Heaven at Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito na naging tirahan ng emperador.

(a)  

47.

Sa pagkatalo ng Tsina, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British.

Nagwakas ang sistema ng dinastiya sa Tsina nang maganap ang Rebolusyon noong 1911 na nagbigay- daan sa pagkatatag ng Republika ng Tsina.

(a)  

48.

Bahaging hilaga ng lupain kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterrenean.

(a)  

49.

Bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hangang sa Abu Simbel.

(a)  

50.

Noong unang panahon anong tawag sa Egypt?

(a)  

51.

Ito ang nagbigay ng elektrisidad at inayos ang suplay ng tubig.

(a)  

52.

Ang putik na dala ng ilog ay tinatawag na (a)   .

53.

Ang (a)   ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon.

54.

Malalayang pamayanan. Ang mga ito ang nagsilbing batayan ng mga binuong lalawigan ng mga sinaunang estado.

(a)  

55.

Mga pinuno ng Nomes. Unti-unting nagbuklod ang mga ito para lumikha ng isang estado sa Nile upang makabuo ng mas malaking panrelihiyon.

(a)  

56.

Sino ang pinuno ng Upper Egypt ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay daan upang mapag-isa ang lupain sa mahabang panahon.

(a)  

57.

Ang (a)   ang kabisera ng Aneb-Hetch, ang unang nome ng Lower Egypt.

58.

Tinatawag itong panahon ng pyramid. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayo ng mga pyramid sa Egypt.

(a)  

59.

Ang katagang (a)   ay nangangahulugang "mga prinsipe mula sa dayuhang lupain".

60.

Humalili sa pamumuno kay Akhetanon sa edad na siyam na taon.

(a)  

61.

Isa sa mga mahusay na pinuno ng Bagong Kaharian. Sa loob ng 20 taon kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok sa silangang Egypt.

(a)  

62.

Kahuli-hulihang reyna ng Ptolemaic Dynasty.

(a)  

63.

Ang (a)   o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa Katimugan ng El Salvador.

64.

Ang (a)   ay nangangahulugang tirahan ng Diyos, ang isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa panahong ito sa Mesoamerica.

65.

Ang pinakamahalagang Diyos ng mga taga-Mesoamerica ay si (a)   o Feathered Serpent God.

66.

Ano ang pinaka-importanteng diyos ng mga taga-Inca?

(a)