wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1st Monthly Test- AP

Total questions: 75

Worksheet time: 3hrs 51mins

Name
Class
Date
1.

Saang lalawigan matatagpuan ang Talon ng Pagsanjan?

a)

Quezon

b)

Laguna

c)

Batangas

2.

Ito ay isang man-made resort na mayroong mga puno, gulay at prutas, pati na rin ang hanging bridge.

a)

Hidden Valley

b)

Valeso Hanen

c)

Bundok ng Makiling

3.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

Hidden Valley

b)

Valeso Hanen

c)

Talon ng Pagsanjan

d)

Bundok Banahaw

4.

Anong bulkan ang sumabog noong nakaraang Enero na matatagpuan sa Batangas?

a)

Kanlaon

b)

Pinatubo

c)

Taal

5.

Anong di-aktibong bulkan ang nagbibigay ng geothermal power para sa Makiling Banahaw Geothermal Power Plant?

a)

Bundok Makiling

b)

Bundok Banahaw

c)

Bundok Maculot

6.

TAMA o MALI: Ang Bundok Banahaw ay matatagpuan sa lalawigan ng Cavite.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Anong anyong lupa ang may kalahating ektarya ng sakahan nag may iba't ibang uri ng bulaklak tulad ng cattleya, waling-waling, at anthurium?

a)

Valeso Hanen

b)

Hidden Valley

c)

Bulubundukin ng Sierra Madre

8.

Ano ang monumento ng mga bayani at makabayang Caviteño?

a)

13 Martir ng Cavite sa Trece Marteres

b)

31 Martir ng Cavite sa Trece Marteres

c)

13 Martir ng Cavita sa Trece Martins

9.

Saang lalawigan matatagpuan ang Talon ng Balite?

a)

Amadeo, Laguna

b)

Amadeo, Quezon

c)

Amadeo, Cavite

10.

Ano ang di-aktibong bulkan na hugis babaeng natutulog?

a)

Bundok Makiling

b)

Bundok Maculot

c)

Bundok Banahaw

11.

TAMA o MALI: Ang Bundok Makiling ay matatagpuan sa lalawigan ng Laguna.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Ano ang tawag sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig?

a)

distansya

b)

heograpiya

c)

lokasyon

13.

Ano ang pinakamahabang bulubundukin?

a)

Banahaw

b)

Maculot

c)

Sierra Madre

14.

Ito ang pinakamahabang kuweba sa Atimonan, Quezon. Ano ito?

a)

Kuweba ng Malusak

b)

Kuweba sa Cabag

c)

Kuweba ng Canliwan

15.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

Sierra Madre

b)

Bundok Makiling

c)

Bundok Banahaw

16.

TAMA o MALI: Iba't iba ang kalupaan sa Batangas. Mayroong bulkan, bundok, pulo, at palayan o kapatagan.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Ang tubig galing sa Look ng __________ ay dumadaloy sa ibang lugar sa Luzon, kabilang na ang mga lalawigan sa CALABARZON.

a)

Laguna

b)

Maynila

c)

Cavite

18.

Tama o Mali: Ang mga katangiang pisikal ng bawat lalawigan sa CALABARZON ay tumutukoy sa mga anyong lupa at tubig.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Tama o Mali: Lambak at bundok ang pangunahing topograpiya ng Rizal.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Ito ay isang anyong tubig na binubuo ng mga maliliit na talon na maaaring paliguan ng mga tao.

a)

Talon ng Pagsanjan

b)

Talon ng Malicbic

c)

Talon ng Balite

21.

TAMA o MALI: Sakop ng Look ng Maynila ang Cavite at Balayan sa Batangas.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Saang lalawigan matatagpuan ang Hidden Valley?

a)

Rizal

b)

Batangas

c)

Cavite

23.

Punan ang patlang: Ang Bulubundukin ng Sierra Madre ay nasa bandang __________ ng lalawigan ng Quezon.

a)

hilaga

b)

timog

c)

silangan

24.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

13 Martir sa Trece Martires

b)

Talon ng Balite

c)

Kuweba ng Malusak

25.

TAMA o MALI: Magkakaparehas ang katangiang pisikal ng mga lalawigan ng CALABARZON.

a)

Tama

b)

Mali

26.

Kilala ang lungsod ng Antipolo at ang Hinulugang Taktak dito. Anong lalawigan ito?

a)

Laguna

b)

Batangas

c)

Rizal

27.

Kilala ang lalawigan na ito dahil sa Talon ng Pagsanjan, Unibersidad ng Pilipinas, at ang mga nilililok na kahoy at Papier-mâché. Saang lalawigan ito?

a)

Laguna

b)

Quezon

c)

Cavite

28.

Anong anyong tubig ang matatagpuan sa Batangas?

a)

Lawa ng Caliraya

b)

Lawa ng Taal

c)

Lawa ng Tikub

29.

TAMA o MALI: Mababa at patag ang kanlurang bahagi ng Rizal. Samantalang maburol at gulod naman sa silangang bahagi nito.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Punan ang patlang: Nasa __________ na bahagi ng CALABARZON ang lalawigan ng Batangas.

a)

hilaga

b)

kanluran

c)

timog

31.

TAMA o MALI: Ang bawat mamamayan ay may tungkuling pangalagaan at ingatan ang mga anyong lupa at tubig ng ating bansa.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Anong uri ng mapa na nagpapakita ng mga tiyak na panganib sa isang lugar?

a)

physical map

b)

hazard map

c)

political map

33.

Alin sa mga sumusunod na anyong lupa ang naiiba?

a)

Banahaw

b)

Makiling

c)

Sierra Madre

d)

Alabat

34.

Ang ahensya na DOST ay kilala bilang _____________________.

a)

Department of State and Town

b)

Department of Sign and Technology

c)

Department of Science and Technology

35.

Noong nakaraang linggo nanalasa ang Bagyong Karding sa ating bansa at isa sa mga napinsala ang ating lalawigan. Nabalitaan mo na maraming naapektuhan ng bagyo kabilang ang iyong mga kamag-anak. Ano ang iyong gagawin?

a)

Bibigyan ko sila ng mga bagay na kanilang kailangan tulad ng mga pagkain at mga lumang damit na maaari pang magamit.

b)

Papayuhan ko sila na manatili na lamang sila sa kanilang bahay.

c)

Sasabihin ko na huwag mag-alala dahil hindi naman totoo ang balita.

36.

Ano ang proyekto ng DOST na layon ang maagap na pagtugon sa panahon ng sakuna at kalamidad sa iba't ibang lugar sa bansa?

a)

Project NILE

b)

Project BASA

c)

Project NOAH

37.

Ano ang iyong gagawin sa sitwasyon na ito?


Ipinatutupad ang programang “Tapat ko, Linis Ko” sa inyong komunidad upang magkaroon ng maayos at malinis na kapaligiran.

a)

Hahayaan ang iba na lamang ang makiisa rito.

b)

Lilipat sa ibang lugar na walang ganitong programa.

c)

Makikiisa ako sa programang ipinapatupad.

38.

Ang simbolo na ito na galing sa portal ng Project NOAH ay ______________.

a)

Weather o panahon

b)

Sensors

c)

Baha o flood

39.

Ano ang simbolo na ito sa portal ng Project NOAH?

a)

storm surge

b)

Moses

c)

landslides

40.

TAMA o MALI: Walang lalawigan sa CALABARZON ang sensitibo sa panganib dahil sa topograpiya at lokasyon nito.

a)

Tama

b)

Mali

41.

TAMA o MALI: Ang mga lugar sa Cavite tulad ng Rosario, Noveleta, Bacoor, Imus, at Kawit ay maaaring magkaroon ng storm surge.

a)

Tama

b)

Mali

42.

Anong fault ang tinutukoy dito: Mula ito sa pulo ng Maricaban ng Mabini hanggang sa timog-silangang baybayin ng Lawa ng Laguna.

a)

Lipa Fault

b)

East Valley Fault

c)

West Valley Fault

43.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagbaha sa isang lugar?

a)

Mayroon malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan.

b)

Maraming mga puno at halaman sa kagubatan.

c)

Maling pagtapon ng mga kalat at basura.

d)

Paggawa ng mga kalsada at iba pang estruktura sa maling lugar.

44.

TAMA o MALI: Sa lalawigan ng Quezon, ang mga lugar tulad ng mga bayan sa Bondoc Peninsula, Calauag, Lopez, at Atimonan ay maaaring magkaroon ng pagguho ng lupa.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Ito ay hanging dala ng malakas na bagyo na nagbubunga ng pagtaas ng alon sa mga baybaying dagat. Ano ito?

a)

storm surge

b)

high tide

c)

low tide

46.

TAMA o MALI: Sa Kampo ng BSP ginaganap ang kamping ng mga batang iskawt.

a)

Tama

b)

Mali

47.

Ang lugar na nasa larawan (Avilon Montalban Zoological Park) ay matatagpuan sa _________________.

a)

Batangas

b)

Quezon

c)

Rizal

48.

Anong fault ang sakop ng mga bayan ng Binangonan at Taytay hanggang sa hilaga ng Rodriguez, Rizal

a)

East Valley Fault

b)

Lipa Fault

c)

West Valley Fault

49.

Ano ang HINDI dapat gawin para matugunan ang isang panganib sa lalawigan?

a)

Dapat may kaalaman tayo sa mga panganib na ito.

b)

Dapat ay matukoy ang dahilan kung bakit may panganib.

c)

Dapat ay maghanda sa oras ng panganib.

d)

Dapat ay hayaan ang mga tao sa komunidad na humanap ng solusyon sa panganib.

50.

Anong anyong tubig ang matatagpuan sa lalawigan ng Laguna?

a)

Talon ng Ilijan

b)

Talon ng Pagsanjan

c)

Talon ng Balite

51.

Anong ang tawag sa lugar na ito na matatagpuan sa Laguna?

a)

Hidden Valley

b)

Seven Lakes

c)

Talon Ilijan

52.

Ito ay nasa maburol na bahagi ng Bundok Makiling. Isa itong magandang pasyalan ng mga halamanan.

a)

Plantasyon ng Sampagita

b)

Harding Botanikal sa UP

c)

Sakahan sa Sta. Cruz

53.

Saang lalawigan matatagpuan ang Earth Haven?

a)

Batangas

b)

Quezon

c)

Rizal

54.

Ano ang tawag sa isang eco-community na nagbibigay ng mga programa sa pag-aaral ng ating kapaligiran, kalusugan, at espiritwal?

a)

Earth Haven

b)

Angono Forest Park

c)

Avilon Montalban Zoological Park

55.

TAMA o MALI: Ang Earth Haven ay matatagpuan sa San Mateo, Rizal.

a)

Tama

b)

Mali

56.

Dito matatagpuan ang memorabilya ng dating Pangulong Manuel L. Quezon, dating Senadro Lorenzo Tañada, at iba pang tanyag na mamamayan. Ano ito?

a)

Museo ng Manuel

b)

Museo ng Quezon

c)

Museo ng Pambata

57.

Ano ang tinutukoy ng pangungusap?

Nagdurugtong sa hilagang bahagi ito ng Quezon sa Karagatang Pasipiko.

a)

Look ng Laguna

b)

Look ng Lamon

c)

Look ng Maynila

58.

TAMA o MALI: Ang Look ng Lamon ay matatagpuan sa Atimonan, Quezon.

a)

Tama

b)

Mali

59.

TAMA o MALI: Walang paliguan at palaisdaan sa Look ng Lamon.

a)

Tama

b)

Mali

60.

TAMA o MALI: Ang Project NOAH ay binuo ng mga DOST, PAGASA, PHIVOLCS, at Unibersidad ng Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

61.

TAMA o MALI: Hindi gumawa ng web portal ang DOST, PAGASA, PHIVOLCS, at Unibersidad ng Pilipinas tungkol sa Project NOAH.

a)

Tama

b)

Mali

62.

TAMA o MALI: Hindi nakakatulong ang hazard map upang mapigilan ang malubhang sakuna.

a)

Tama

b)

Mali

63.

Anong fault ang matatagpuan sa Rodriguez, Rizal hanggang kanlurang hangganan ng Laguna. Malapit din ito sa hangganan ng Cavite, liliko ito sa Batangas - Cavite sa Tagaytay Bridge?

a)

Lipa Valley Fault

b)

East Valley Fault

c)

West Valley Fault

64.

Nanganganib ang ilan sa mga lalawigan ng CALABARZON dahil sa mga fault na nagiging sanhi ng ________.

a)

storm surge

b)

baha o flood

c)

lindol

65.

Ano ang pagtaas ng tubig sa dagat kasabay ang mabilis na pag-agos ng tubig sa ilog at sapa?

a)

high tide

b)

low tide

c)

storm surge

66.

Ano ang dapat mong gawin bilang isang mamamayan sa CALABARZON upang maiwasan ang pagbaha?

a)

Huwag tumulong sa mga proyekto ng komunidad.

b)

Magtapon ng basura kung saan-saan.

c)

Magtanim ng mga halaman at puno.

67.

TAMA o MALI: Sa oras ng sakuna, huwag makinig ng balita upang hindi tayo mangamba.

a)

Tama

b)

Mali

68.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin sa oras ng sakuna.

a)

Magdala ng first aid kit, mga damit, at flashlight.

b)

Maghanda ng malinis na tubig at sapat na pagkain.

c)

Maghanda sa paglikas sa mabababang lugar.

d)

Bago lumikas, siguraduhin na nakapatay ang main switch ng kuryente.

69.

TAMA o MALI: Sa oras ng storm surge, dapat aralin ang mga evacuation centers at pamamaraan kung paano ang ligtas na paglikas ng mga tao.

a)

Tama

b)

Mali

70.

Ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Rehiyon IV-A. Ano ito?

a)

Lawa ng Laguna

b)

Lawa ng Taal

c)

Lawa ng Maynila

71.

Anong simbolo ito sa web portal ng Project NOAH?

a)

weather o panahon

b)

boundaries o hangganan

c)

sensors

72.

Tama o Mali: Ang simbolo na ito sa web portal ng Project NOAH ay tinatawag na mapa.

a)

Tama

b)

Mali

73.

Anong simbolo ito sa web portal ng Project NOAH?

a)

apoy

b)

WebSafe

c)

Moses

74.

TAMA o MALI: Ang simbolo na ito sa web portal ng Project NOAH ay tinatawag na Moses.

a)

Tama

b)

Mali

75.

Anong kalamidad o panganib ang bunga ng malakas na ulan at pagkakalbo ng kagubatan sa bundok?

a)

high tide

b)

lindol

c)

pagguho ng lupa