NEW
Font size
Worksheets1st_Assessment Araling Panlipunan 5
Total questions: 40
Worksheet time: 40mins
Sinong siyentista ang nagsabing ang hugis ng daigdig ay tila isang dalandan o Oblate spheroid?
Carles Darwin
Isaac Newton
Gregor Mendel
Nicolo Tesla
Anong tawag sa pahalang o pahigang likhang guhit sa gitna ng mapa na may sukat na 0 degree?
International Date Line
Primeridian
Equator
Grid
Ano ang kahulugan ng klima?
Ang antas ng init o lamig ng paligid.
Ito ang dami ng hamog na taglay ng hangin sa himpapawid.
Tawag sa matagal na kalagayan ng panahon sa isang lugar.
Panandaliang lagay ng atmospera na umiiral sa isang lugar at maaaring magbago bawat oras o araw.
Ano ang kahulugan ng panahon?
Ang antas ng init o lamig ng paligid.
Ito ang dami ng hamog na taglay ng hangin sa himpapawid.
Tawag sa matagal na kalagayan ng panahon sa isang lugar.
Panandaliang lagay ng atmospera na umiiral sa isang lugar at maaaring magbago bawat oras o araw.
Alin sa mga sumusunod na hayop ang hindi endemic sa Pilipinas?
Philippine Eagle
Philippine Walrus
Philippine Spotted Deer
Philippine Freshwater Crocodile
Ilan ang bilang ng dumadaang bagyosa Pilipinas taon-taon?
10
20
30
40
Ang Pilipinas ay nakararanas ng anong uri ng klima?
Klimang Temperate
Klimang Polar
Klimang Pasipik
Klimang Tropikal
Sinong Amerikanong heologo ang nagpakilala ng Teoryang Bulkanismo?
Alfred Wegener
Wilhelm Solheim II
Dr. Bailey Willis
Dr. Armand Mijares
Kailan nahukay ng pangkat ni Dr. Armand Mijares ang Callao Man?
2015
2016
2017
2018
Anong tawag sa isang malaking kontinente sa sinaunang daigdig?
Geo
Graphene
Pangea
Heologo
Anong teorya ang naniniwala na nakarating ang mga unang lahing Pilipino sa bansa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa noong Panahon ng Yelo?
Teorya ng Tulay na Lupa
Teorya ng Continental Drift
Teorya ng Bulkanismo
Teorya ng Nusantao Maritime Trading and Communication Network
Ang teoryang ito ay naniniwala na ang lahing Pilipino ay mula sa Vietnam.
Teorya ng Tulay na Lupa
Teorya ng Continental Drift
Teorya ng Bulkanismo
Teorya ng Nusantao Maritime Trading and Communication Network
Sino ang namumuno sa pamahalaang barangay?
Sultan
Qadi
Datu
Umalahukan
Siya ang namumuno sa pamahalaang sultanato?
Sultan
Qadi
Datu
Umalahukan
Alin sa mga sumusunod na uri ng mamamayan ang hindi kabilang sa pamayanang sultano?
Imam
Qadi
Timawa
Panglima
Ano ang kahulugan ng Adat?
Siya ang tagapamalita sa Barangay tungkol sa bagong batas
Ito ay talaan ng mga kaparusahang inahanda ng batas Islamiko
Sila ang gumagawa ng batas
Ito ang tawag sa batas ng Barangay.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa paraan ng pagdinig ng kaso sa barangay noong sinaunang panahon?
Pagsubok sa ilog
Pagsubok sa apoy
Pagsubok sa Kandila o sulo
Pagsubok sa kumukulong tubig sa banga
Ito ang barkong pandigma ng mga sinaunang Pilipino.
Balangay
Outrigger Canoe
Karakoa
Birey
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga industriyang pantahanan?
Paggawa ng alak
Paggawa ng tabako
Pagagawa ng lubid
Pagawa ng tela
Ano ang kahulugan ng kaingin?
Binubungkal ang lupa gamit ang araro na hila-hila ng kalabaw
Sinusunog ang bahagi ng kagubatan upang pagtaniman
Ito ang lugar na pinagmiminahan ng mga sinaunang Pilipino
Batong ibinagsak sa mga piraso ng bato na may mineral upang mahiwalay ito
Anong lahi ang nakpagkalakan sa mga ninuno natin na nagpamana sa ain ng pagsusuot ng bakya?
Tsino
Hapon
Indiano
Malayo
Bakit mahalaga ang outrigger canoe sa kasaysayan ng Pilipinas?
Mahalaga ito dahil ito ay ginamit sa paghahanap buhay ng sinaunang Pilipino
Mahalaga ito dahil ito ang kanilang pandigmang sasakyan sa dagat.
Mahalaga ito dahil ito ang katibiyan ng kahusayan ng mga sinaunang Pilipino sa pagsasaka.
Mahalaga ito dahil ito ang pinaka mahalagang ambag ng mga Pilipino sa kasaysayan ng pandaragat na siyang katibayan g kahusayan ng ating mga ninuno.
Paano ipinapakita ng ating mga ninuno ang paniniwala nila sa kabilang buhay?
Ang labi ng kanilang mahal sa buhay ay nilalagay nila sa loob ng isang tapayan na may takip na dalawang namamang ka.
Sila ay nagpapadasal sa loob ng 40 na araw para sa kaligtasan ng kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay.
Sila ay nagtutungo sa mga mosque upang ipanalangin ang kaluluwa ng kanilang kaanak para siya ay tanggapin sa kabilang buhay.
Ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay ay inilalagay nila sa balsa at panaanurin sa ilog.
Bakit mahalagang pangalagaan ng pamahalaan ang teritoryo ng Pilipinas?
Mahalaga ito upang hindi isipin ng mga dayuhan na takot ang mga Pilipino.
Mahalaga ito upang malaman ng mga Pilipino kung hanggang saan ang Pilipinas.
Mahalaga ito sapagkat ito ay pag-aari ng bansa na pinagkukunan ng hanap buhay ng mga Pilipino.
Mahalaga ito sapagkat naipapakita nito ang pagiging mabuting karatig bansa ng Pilipinas sa ibang bansa.
Kabila ng pang-aagaw ng China ng ilang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea dapat ba tayong magalit sa mga Chinese na nasa Pilipinas?
Oo, dahil inaagaw ng bansa nila ang para sa atin.
Oo, dahil sila ang mga espiya ng bansa nila dito sa bansa natin.
Hindi, dahil magagalit ang China sa Pilipinas.
Hindi, dahil wala silang kinalaman sa aksyon ng kanilang pamahalaan.
Ang polusyon ay isa sa mga sanhi ng pagbabago ng klima sa ating bansa at sa buong mundo na naginging resulta ng iba't-ibang kalamidad. Bilang mag-aaral ano ang pinakasimple mong magagawa upang makatulong sa pagsugpo nito.
Hindi ako magmimina upang hindi ko masira ang Kalikasan.
Magtatanim ako ng puno sa mga kagubatan.
Hindi ako magsusunog ng basura at magtitipid ako ng papel.
Gagamit ako ng mga dekuryenteng kagamitan upang walang usok na mabuo.
Napag-aralan ninyo sa Araling Panlipunan na ang mga negrito ay ang mga unang lahing nakarating at naninirahan sa Pilipinas. May kamag-aral kang Aeta na mula sa lahing ito na pinagtatawanan dahil sa kanyang pisikal na anyo. Ano ang gagawin mo?
Makikisali sa mga tumutawa sa kanya upang maging "cool".
Aalagaan ko siya dahil isa siyang sinaunang tao.
Pagsasabihan ko ang mga nambubuyo sa kanya na masama ang kanilang ginagawa.
Isusumbong ko sila sa aming guro upang sila ay mapagalitan at mapagtawanan din.
Si Raman ay isang muslim siya ay pinipilit ng mga kaibigan niyang kumain ng baboy kahit na bawal. Ano ang dapat gawin ni Raman?
Huwag siyang sumunod dahil iyon ay labag sa aral ng kaniyang relihiyon.
Huwag siyang pumayag dahil magagalit ang kaniyang mga magulang.
Kumain siya para hindi siya iwasan ng kaniyang mga kaibigan.
Kumain siya at huwag na lang ipaalam sa kaniyang mga magulan.
Isa sa mga pinagkakitaan ng mga sinaunang Pilipino ay ang industriyang pantahan gaya ng pagawa ng basket at palayok. Maging sa kasalukuyan ay may mga gumagawa parin nito. Bilang Pilipino paano mo ipapakita ang pagsuporta sa larangang ito?
Bibili ako ng mga imported na produkto dahil higit na matibay ito kaysa sa mga gawa sa Pilipinas.
Bibili ako ng mga produktong gawa sa Pilipinas upang maging suporta sa mga industriyang ito.
Bibili ako ng mga ito at ipagbibili ko sa mahal na halaga sa mga dayuhan.
Bibili ako ng mga nito subalit mas marami ang bibilhin kong imported na produkto.
Noong unang panahon bakit nakayuko ang mga taong may dalang sibat kapag may namatay na datu?
Ito ay sumisimbolo ng paggalang sa namayapang datu.
Ito ay nagpapakita ng pagtigil ng digmaan.
Ito ay nagpapahiwatig na handang lumaban ang namatayan.
Ito ay senyales na may bago ng datu na mamumuno sa kanila.
PHIVOLCS ang ahensya na pamahalaan na naglalabas ng opisyal na datos ng klima at lagay ng panahon.
TAMA
MALI
Si Dr. Robert Fox ay ang Amerikanong antropologo at historyador na nagpakilala ng Teorya ng Tulay na Lupa.
TAMA
MALI
Umalahukan ang tawag sa taong inatasan ng hari na magbalita ng mga bagong batas na ginawa niya.
TAMA
MALI
Ang sudsud ay isang uri ng bato na pinagkikiskisan ng batong may mineral upang mahiwalay ito.
TAMA
MALI
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa kanluran ng Vietnam.
TAMA
MALI
Taong Tabon ang itinawag sa mga labing nahukay sa kuweba ng Callao dahil sa kakaibang anyo nito.
TAMA
MALI
Ang barangay ay wala pang hukom na dumidinig ng kaso noong sinauang panahon kung kaya't ang datu ang nagsasagawa nito.
TAMA
MALI
Ang kaingin ay isang paraan ng pagmimina ng mga sinaunang Pilipino.
TAMA
MALI
Ang Pilipinas ay may sariling metolohiya.
TAMA
MALI
Ang paglakad sa apoy ay isang paraan ng paghuhukom sa sinaunang lipunang Pilipino.
TAMA
MALI
