wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP_Q2

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa isa o higit pang grupo ng mga tao na permanenting naninirahan sa isang lugar na pinakikilos na iisang layunin tungo sa pagkakamit ng kabutihang panlahat.

a)

Pakikipagkapwa-tao

b)

Pagkakapantay-pantay

c)

Lipunan

d)

Ekonomiya

2.

Ang mga sumusunod ay element ng kabutihang panlahat maliban sa:

a)

Kapayapaan

b)

Katiwasayan

c)

Paggalang sa indibidwal na tao

d)

Pagpapaunlad ng lahat ng tao

3.

Ano ang kabutihang panlahat?

a)

Kabutihan ng lahat ng tao at hayop

b)

Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan

c)

Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan

d)

Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat.

4.

Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:

a)

Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.

b)

Pagkakaroon ng pakiramdam na mas Malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.

c)

Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.

d)

Pagkakait ng tulong para sa kapwa na ngangailangan.

5.

Ano ang tunay na layunin ng lipunan?

a)

Kapayapaan

b)

Kabutihang panlahat

c)

Katiwasayan

d)

Kasaganaan

6.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng isang mapayapa na lipunan?

a)

Tahimik ang lugar ni Adam dahil kaunti lang ang mga tao dito.

b)

Mapayapa ang lugar ni Lyka dahil sa curfew tuwing gabi.

c)

Umiiral ang paggalang at katarungan sa lugar ni Melvin.

d)

May presensiya ng martial law sa aming lugar.

7.

Alam ni Bea na mahalaga sa pakikipagkapuwa ang pagmamahal. Ano ang gagawin niya?

a)

Igagalang ang mga mayamang tao

b)

Igagalang ang mga guro niya ngayon sa Baitang 9.

c)

Tulungan ang mga taong makapagbigay ng anomang kapalit.

d)

Tulungan ang mga nangangailangan na hindi naghihintay ng gantimpala

8.

Aling sitwasiyon ang hindi nagpapakita ng kabutihang panlahat?

a)

Ibinabahagi ni Art ang kaniyang mga sagot sa kaniyang katabi.

b)

Nag-aaral si Allan upang makapagsilbi sa kaniyang lipunan bilang doktor.

c)

Pina-iiral ang 4 P’s upang makatulong sa mga kababayang naghihirap sa buhay.

d)

Isinakripisyo ng mga bayani ang kanilang buhay upang makamtan ang kalayaan.

9.

Paano isasabuhay ni Rose ang pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat?

a)

Itapon ang basura sa tamang lalagyan

b)

Magdasal araw-araw para patnubayan ng Diyos

c)

Tulungan ang mga magulang sa gawaing bahay

d)

Linangin ang sarili para umunlad bilang tao at maibahagi ang sarili sa iba

10.

Bakit kailangan ng bawat isa sa atin na kumilos upang makamit ang kabutihang panlahat?

a)

Dahil may kani-kaniya tayong kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan

b)

Dahil ayaw nating magkaroon ng tamad sa lipunan

c)

Dahil hindi tayo mabubuhay na mag-isa lamang

d)

Dahil may karapatan tayong kumilos

11.

Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibiduwal ay __?

a)

Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayaan

b)

Angking talino at kakayanan

c)

Pagkapanalo sa halalan

d)

Kakayahang gumawa ng batas

12.

Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na mula sa ________.

a)

Mamamayan patungo sa namumuno

b)

Namumuno patungo sa mamamayan

c)

Namumuno para kapwa namumuno

d)

Mamamayan para sa nasa mamamayan

13.

Saan inihambing ang isang pamayanan?

a)

Pamilya

b)

Organisasyon

c)

Barkadahan

d)

Magkasintahan

14.

Paano naipakikita ang Prinsipyo ng Subsidiarity ng pamahalaan?

a)

Pagsisingil ng buwis

b)

Libreng medical check-up ng Health Centers sa mga buntis

c)

Pagbibigay ng dugo sa programang Dugong Bayani ng Red Cross

d)

Pagdaos ng feeding program ng DepEd at ng mga pribadong doktor sa paaralan

15.

Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa?

a)

Upang mabisang maisulong ang pag-unlad ng lipunan

b)

Upang mabigyang lunas ang suliranin ng lipunan

c)

Upang maisulong ang pagkakaisa ng bansa

d)

Upang makatulong sa ibang tao

16.

Bilang isang pinuno, ninananis mapangalagaan ni Mayor Ocampo ang kasaysayan ng kanilang lungsod. Ano ang nararapat niyang gawin?

a)

Siguraduhing walang impluwensiya galing sa ibang kultura

b)

Siguraduhing masaya ang mga mamamayan sa bawat araw

c)

Magkaroon ng mahigpit na programa sa pagsunod sa kultura ng lungsod

d)

Magkaroon ng programang tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan

17.

“Ang pagpapatakbo sa lipunan ay iasa sa mga pinuno.” Sang-ayon ka ba nito?

a)

Oo, dahil ang pamumuno ay isang kaloob na tiwala.

b)

Oo, dahil alam nila ang sistema tungo sa kabutihang panlahat.

c)

Hindi, dahil marami ang may kakayahang mamuno sa lipunan.

d)

Hindi, dahil may tungkulin ang mamamayan na makilahok sa gawaing panlipunan.

18.

Na-enganyo si Larry ng aralin sa EsP 9 Modyul 2 na tumulong sa mga nasunugan sa Ubaldo Laya na pansamantalang sumilong sa gym doon. Ano ang gagawin niya?

a)

Magnanais na makatulong sa mga nasunugan.

b)

Sasali sa rally para sa karapatan ng mga evacuees.

c)

Maging volunteer sa fund-raising para sa mga nasunugan.

d)

Matulog sa evacuation center upang makiisa sa mga nasunugan.

19.

Ano ang ibig sabihin ng, “Ang pamamahala ay isang kaloob ng tiwala ng mga tao”?

a)

Inaasahan ng mga tao na ang pinuno ay mahusay sa pangangasiwa sa pamayanan.

b)

Inaasahan ng mga tao na tugunan ng pinuno ang kanilang mga pangangailangan.

c)

Inaasahan ng mga tao na magawa ng pinuno ang pampulitikal na tungkulin nito.

d)

Inaasahan ng mga tao na pagsilbihan ang namumuno sa pamayanan

20.

Siya ay isang halimbawa ng mgay puso sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.

a)

Ninoy Aquino

b)

Bongbong Marcos

c)

Martin Luther King

d)

Johnlerry Masinag