WorksheetsMga Sinaunang Kabihasnan
Total questions: 11
Worksheet time: 7mins
Ito ang tawag sa sistema ng pagsulat na nagsimula sa Egypt.
Cuneiform
Calligraphy
Pictogram
Hieroglyphics
Sino ang nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa Mesopotamia?
Nebuchadnezzar II
Shah Jahan
Sargon I
Hammurabi
Pilosopiyang nagmula sa China na layuning magkaroon ng tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at ugnayan ng mga tao sa lipunan.
Legalism
Taoism
Confucianism
Ang mga sumusunod ay mga dakilang imperyong nabuo at bumagsak sa Mesopotamia MALIBAN SA ISA. Piliin ang HINDI kabilang.
Maurya
Assyrian
Babylonian
Chaldean
Ito ang tawag sa sistema ng paghahati ng lipunan sa mga pangkat na nilikha ng mga Aryan.
Sexagesimal Systen
Decimal System
Caste System
Bakit bumagsak ang kabihasnang Sumer?
Dahil sa pag-aagawan sa yaman
Dahil sa pagsakop ng ibang mga imperyo
Dahil pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyrian sa isang pag-aalsa
Dahil madalas ang tunggalian sa mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig
Naglalaman ito ng kalipunan ng mga batas na naging batayan ng alituntuning pampamahalaan ng imperyong Babylonia. Kilala ito sa prinsipyong “mata sa mata, ngipin sa ngipin’’.
Kodigo ni Hammurabi
Saligang Batas ng Babylonia
Magna Carta
Bakit naging mahalaga sa kasaysayan ang kabihasnang Mesopotamia, Indus at Tsino?
A. Dahil dito nagmula ang mga unang kabihasnan sa daigdig
B. Dahil sa pagkakaroon ng mga hindi mabuting pinuno ng mga imperyo
C. Dahil sa hindi matatawarang ambag nito sa pag-unlad ng kabihasnan sa daigdig
D. Tama ang A at C
Itinuturing ito na Panahong Klasikal ng India dahil naganap sa panahong ito ang pag-unlad ng panitikan, sining, agham, astronomiya, matematika at surgery (pag-oopera)
(a)
Ito ang proseso ng pag-eembalsamo na nagsimula sa Egypt noong 2600 BCE sa ilalim ng pamumuno ni Khufu. Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing.
(a)
Bakit mahalaga sa kasaysayan ang kabihasnang Mesopotamia, Indus at Tsino?
Dahil dito nagmula ang mga unang kabihasnan sa daigdig
Dahil sa pagkakaroon ng mga hindi mabuting pinuno ng mga imperyo
Dahil dito nagmula ang mga klasikal na kabihasnan na hinahangaan pa rin hanggang sa kasalukuyan
