wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GRADE 8 REVIEW

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ang sumusunod ay mga gabay sa sa pamumuhay na sinusunod ng mga nananalig sa Jainismo MALIBAN sa________.

a)

Ahimsa

b)

Bramacharya

c)

Li

d)

Satya

2.

Tulad ng kabihasnang Mesopotamia, ang lupain rin ng Indus ay pinag-usbungan ng mga imperyo na namayani ng mahabang panahon sa lupain ito. Isa na rito ay ang pagkakatatag ng kaharian ng Magadha na kung saan dahil sa mahusay na pamamalakad ng pinuno nito ay nagawa nitong palawakin ang teritoryo at napanatiling sentralisado ang pamahalaan. Sino ang itinuturing na tagapagtatag ng kahariang ito?

a)

Aryabhata

b)

Ashoka

c)

Bindusara

d)

Chandragupta

3.

Mababatid na halos lahat ng mga kabihasnang umusbong sa daigdig ay mayroong polytheist na paniniwala sa relihiyon na kung saan ang mga mamamayan ay naniniwala sa maraming diyos. Ngunit sa lupain ng Ehipto ay nagpalaganap ng moneteismo dahil sa kanyang paniniwala na iisa lamang ang diyos.Sinong diyos ang tinutukoy ni Akhenaton?

a)

Aten

b)

Athena

c)

Osairis

d)

Zeus

4.

Anong teksto ang lumaganap sa sinaunang Indus kung saan itinuturo ang pakikibahagi ng tao sa gawain ng lipunan at pagtupad sa mga responsibilidad ng kaniyang kinabibilangang katsa?

a)

Bhagavad Ghita

b)

Mahabharata

c)

Rig Veda

d)

Upanishad

5.

Mababatid na maraming pilosopiya ang ipinamana ng mga sinaunang kabihasnan na hanggang sa kasalukuyan ay napakikinabangan pa rin ng mga tao isa na rito ay ang katuruan ng pilosopiyang Taoism. Ano ang tinutukoy na sentro ng pag-unawa sa Taosimo na nangangahulugang “paraan ng kalikasan?” 

a)

Dao

b)

Yang

c)

Yin

d)

Zhi

6.

Isa sa mga dinastiyang umusbong sa lupain ng Tsina ay ang Dinastiyang  Han na itinuturing na  isa sa mga matagal na dinastiyag namayani sa Tsina. Ang dinastiyang ito ay pinumuan ng ilan sa mahuhusay na hari at isa nga rito ay ang hari na mas kilala bilang “Mapandigmang Emperador.” Sinong hari ang tinutukoy?

a)

Lao Tzu

b)

Liu Bang

c)

Wang Mang

d)

Wudi

7.

Malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-unald ng tao at pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa ginampanan ng heograpiya?

a)

Pag-unlad ng pamumuhay ng tao.

b)

Pagkasira ng ugnayan ng tao at kapaligiran.

c)

Paghubog ng kasaysayan mula noon hanggang sa kasalukuyan.

d)

Pagkakaroon ng pag-unlad sa kultura ng tao

8.

Matatandaan na dalawang pangkat ang naninirahan sa mga unang panahon ng kabihasnang Indus at ito ay ang mga Dravidian at Aryan na siya ring humubog sa kabihasnang ito. Hindi naglaon, ang mga kasanayan, paniniwala, at iba pang aspektong panlipunan ng dalawang pangkat na ito ay nagsama. Ano ang tawag sa pagsasama ng kulturang Aryan at Dravidian?

a)

Aryan Sintesis

b)

Dravidian- Aryan Sintesis

c)

Dravidian Sintesis

d)

Indo-Aryan Sintesis

9.

Isa sa mahirap na gawain lalo na sa mga arkeologo at mga mananalaysay ay ang pagsalin ng mga sualtin  na mula sa mga sinaung kabihasnan. Isa na rito ay pagsalin ng mga sulating nasa hieroglyphics na  na proma mula sa kabihasnang Ehipsiyo ngunit ito ay nagawang maisalin sa pamamagitan ng isang bato. Anong bato ang tinutukoy?

a)

Amethyst

b)

Granite

c)

Limestone

d)

Rosetta Stone

10.

 Isa mga mahalagang pangyayari na naganap sa pag-usbong ng mga imperyo sa sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia ay ang pagkatatag ng Hanging Gardens na ipinatayo para sa asawa ng sinong hari?

a)

Ashurbanipal

b)

Nebuchadnezzar II

c)

Tiglath Pileser

d)

Sargon I

11.

Matatandaan na isa sa mga sekondaryang katangian na dapat taglay ng isang kabihasnan ay pagkakaroon ng sistema ng pagsulat. Ang sistema ng pagsulat ay maaaring maging ebidensiya na siyang magpapatunay na ang isang kabihasnan ay totoong namayani noong sinaunang panahon. Tulad ng ibang kabihasnan, ang Kabihasnang Indus rin ay mayroong sistema ng pagsulat. Ano ang tawag sa pagsulat ng kabihasnang ito?

a)

Calligraphy

b)

Cuneiform

c)

Hieroglyphics

d)

Sanskrit

12.

Si Ashoka ay kinilala bilang isang magaling na emperador kung saan ang kanyang sakop na lupain ay mula sa kasalukuyang bahagi ng Hindu Kush sa Afghanistan. Sa anong sinaunang kabihasnan kabilang si Ashoka?

a)

Kabihasnang Ehipto

b)

Kabihasnang Indus

c)

Kabihasnang Mesopotamia

d)

Kabihasnang Tsina

13.

Sa kasaysayan ng Tsina hindi mawawaglit na ang mga sinaunang tsino ay nag iwan ng ilang mga pamana na hanggang sa kasalukuyan ay kinikilala isa na rito ay ang mga pilosopiya. Sinong pilosopo ang sinasabing nagmula sa aristokratang pamilya sa Estado ng Lu sa Hilagang Tsinan na mas nakilala dahil sa kanyang pagpapahalaga sa prinsipyo higit sa polisiya ng estado?

a)

Confucius

b)

Lao Tzu

c)

Mencius

d)

Siddharta Gautama

14.

Alin sa mga sumusunod na sinaunang kabihasnan ang itinuturing na nagkaroon ng kauna-unahang ng Sistema ng lagusan o Drainage System?

a)

Kabihasnang Ehipsiyo

b)

Kabihasnang Indus

c)

Kabihasnang ng Mesopotamia

d)

Kabihasnang ng Tsina

15.

Ang kabihasnang Ehipsiyo ay isa mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig. Ito ay pinamahayan ng iba’t ibang magagaling na mga pharaoh. Isa na rito ay ang babaeng pharaoh na nagkaroon ng relasyon sa dalawang kilalang mga tao sina, Julius Caesar at Mark Anthony. Sino ang babaeng Pharaoh na tinutukoy?

a)

Cleopatra

b)

Hatshepsut

c)

Sobekneferu

d)

Twosret

16.

Matatandaan na ang mga Sumerian ay mayroong polyteistang paniniwala sa relihiyon kung saan sila ay naniniwala sa halos 3000 mga diyos at diyosa. Sino ang diyosa na itinuturing ng mga Sumerian bilang ng kadiliman at kamatayan?

a)

Anubis

b)

Enlil

c)

Ereshkigal

d)

Inanna

17.

Isa mga pamana ng kabihasnang Ehipsiyo ay patuloy pa ring ginagamit at ginagawa sa kasalukuyang panahon ito ay ang proseso ng pag eembalsamo na isinasagawa ng mga sinaunang tao sa Egypt dahil sa paniniwalang ang tao ay may buhay pagkatapos ng kamatayan. Anong proseso ang tinutukoy?

a)

Embalming

b)

Extraction

c)

Mummification

d)

Preserving

18.

Ang lupain ng Ehipto ay hinati sa tatlong kaharian na pinamunuan ng iba’t ibang pharaoh. Sino ang tinutukoy na  tagapagtatag ng ika-12 Gitnang kaharian sa Ehipto kung saan inilipat niya ang kabisera ng Thebes at mas pinalakas ang control sa pamahalaan?

a)

Ahmose I

b)

Akhenaton

c)

Mentuhotep II

d)

Thutmose III

19.

Ano ang tawag sa uri ng sistema ng pamamahala sa lipunan na kung saan nakataas ang kapangyarihan sa mga lalaki sa aspetong politikal o pamahalaan at maging sa pamamalakad sa pamilya. Ano ang tinutukoy?

a)

Matriyarkal

b)

Patriyarkal

c)

Politikal na posisyon

d)

Wala sa nabanggit

20.

Matatandaan na napakahalaga para sa mga lipunan ang pagkakaroon ng mga uri o antas panlipuna. Ano sa iyong palagay ang dahilan kung bakit kinakailangan ng paghahati sa  mga mamamayan sa isang lipunan?

a)

Upang maging disorganisado ang mga mamamayan sa lipunan

b)

Upang maging kaaya aya sa paningin ng mga tao ang dibsiyon sa mga mamamayan

c)

Upang magkaroon ng pagkakahati-hati sa gawain sa loob ng isang pamayanan

d)

Upang mas madaling malaman kung sino ang mayaman at mahirap