wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ECONOMICS 2ND QUARTER

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ipinagpapalagay ng konseptong ito na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito.

a)

Batas ng Demand

b)

Ceteris Paribus

c)

Laissez-Faire

d)

Batas ng Suplay

2.

Nais sanang magluto ng Adobong baboy ni Gabriel, subalit nang siya ay magpunta sa palengke, napag-alaman niyang sobrang taas pala ng presyo ng karneng baboy at kukulangin na ang kaniyang badyet. Upang mailuto pa rin ang ninanais na putahe, bumili na lamang siya ng manok bilang pamalit. Sa anong konsepto umaayon ang desisyong ginawa ni Gabriel?

a)

Substitution effect

b)

Supply effect

c)

Inflation effect

d)

Price effect

3.

Ano ang tawag sa talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang tiyak na panahon?

a)

Demand effect

b)

Demand curve

c)

Demand schedule

d)

Demand function

4.

“Ang demand function ay isang siyentipikong kurba ng pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.” Ano ang nagpapamali sa pahayag?

a)

Demand function

b)

Ugnayan ng presyo

c)

Siyentipikong kurba

d)

Quantity demanded

5.

Nakabibili ka ng dalawang pakete ng suka kung ang presyo nito ay P30.00. Nang bumaba ang presyo nito sa P25.00, nakabili ka na ng limang pakete. Ilan ang bahagdan ng pagbabago sa quantity demanded?

a)

%∆Qd = 83.71%

b)

%∆Qd = 87.65%

c)

%∆Qd = 81.34%

d)

%∆Qd = 85.71%

6.

Kung tumaas ang presyo ng buko juice sa P10 na naging P15, ang mga mamimili nito ay maghahanap ng mas mura na kapalit sa P10 tulad ng gelatin. Ito ay halimbawa ng:

a)

elastik na elastisidad

b)

ganap na di-elastik na elastisidad

c)

unitary na elastisidad

d)

di-elastik na elastisidad

7.

Ang dami ng binibili na gamot ng isang may lagnat ay ayon sa preskripsyon ng isang doktor. Kaya kahit magbago ang presyo ng gamot nito, bibili parin siya ng saktong dami ayon sa sinabi ng doktor, mataas man o mababa ang presyo. Anong elastisidad ang tinutukoy dito?

a)

Di-elastik na elastisidad

b)

Unitary na elastisidad

c)

Ganap na elastik na elastisidad

d)

Ganap na di-elastik na elastisidad

8.

Sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyon na magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ano ang kanilang pangunahing batayan?

a)

Panahon

b)

mamimili

c)

presyo

d)

kalidad

9.

Isinasaad nito na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.

a)

Batas ng suplay

b)

Batas ng demand

c)

Ceteris paribus

d)

Laissez-faire

10.

Batay sa ibinagay na halimbawa sa bilang 15, at gamit ang iyong sagot sa bilang 15 at 16, anong uri ng elastisidad ang pagbabago sa presyo at quantity demanded ng pakete ng suka?

a)

unitary

b)

ganap na elastik

c)

elastik

d)

di-elastik