WorksheetsESP_Q3
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Ito ay hango sa salitang griyego na “oikos” at “nomos”, na ang ibig sabihin ay bahay at pamamahala
Balangay
Ekonomiya
Bansa
Politika
Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?
Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman
Lahat ay dapat mayroong pag-aari
Lahat ay iisa ang mithiin
Lahat ay likha ng Diyos
Sa Lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan.
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan
Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng lipunang pang-ekonomiya maliban sa ..
Maihahanlintulad sa pamamahala ng budget ng isang bahay
Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan
Bakit mahalaga ang pagbabahagi ng yaman ng ating bansa?
Malikha ng bawat isa ang sarili ayon sa kani-kaniyang mga tunguhin at kakayahan
Masiguro na ang bawat isa ay mabigyan ayon sa kaniyang mga pangangailangan
Maging pantay ang mga tao sa matatanggap na yaman at walang lamangan
Magkaroon ng patas na pag-unlad sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Ano ang mabuting gawin ng mga tagapangasiwa ng Local Govenment Unit (LGU) upang malutas ang problema sa kakulangan ng tubig?
Siguraduhing pantay ang rasyon ng tubig sa bawat barangay na nasasakupan
Ayusin ang sirang tubo kung nag-uumapaw na ang tubig nito sa kalsada
Siyasatin kung maayos ang mga koneksiyon ng tubo na daluyan ng tubig
Maghanap ng panibagong pagkukunan ng tubig ng mga sirang tubo
Alin sa sumusunod na mamamayan ang tunay na nakatali ang sarili sa bagay?
Pagbili ni Tito ng mga gadgets upang makapagtrabaho nang maayos at madali.
Hindi mabitawan ni James ang kaniyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag- anak dahil mayroon itong sentimental value sa kaniya.
Inuubos ni Earl ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling imported na relo dahil dito niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
Ipinipilit ni Mina na nararapat siyang makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin at kahit hindi naman niya ito kailangan
Paano dapat ipakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari
Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit
Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ng dami nang naimpok na pera
Sa higit na pagpapahalaga sa mga ari-arian kay sa pagpapahalaga sa mismong sarili
Mahalagang siguraduhin ng pamahalaan na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya. Ano ang dapat nitong gawin?
Magbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya
Pangungunahan ang pangangasiwa at pamamahagi ng patas sa yaman ng bayan
Sisikapin na bigyang trabaho ang bawat kasapi kahit hindi angkop sa kakayahan nito
Tutulungan ang mga manggagawa nito sa paghanap ng hanapbuhay sa ibang bansa
Paano mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila
Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.
Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan
Higit na isinasaalang-alang nito ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa
Ang mga sumusunod ay katangian ng lipunang sibil, maliban sa:
Pagkukusang-loob
Kawalan ng kwalipikasyon ng mga kaanib
Walang pang-uuri
Pagiging organisado
Ang sama samang paggawa ng ____________ ay maituturing na isang lipunang sibil.
Pagsisid sa mga basura
Pagtatanim ng mga puno
Pagmamasid sa mga ibon
Malayuang pagbibisikleta
Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil
Pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon
Maaaring salungatin ang impormasyon isinasaad
Nagpapasya tayo ayon sa hawak na impormasyon
Walang ibang mapagkukunan ng impormasyon
Ano ang kahulugan ng lipunang sibil?
Pamayanan na pantay-pantay ang tinatanggap ng mga residente na serbisyo at benepisyo
Paglilingkod ng mga opisyal ng pamahalaan sa taumbayang nasasakupan
Lipunang hawak ng iilang mga mamamayang angat ang katayuan sa buhay
Kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwangsa isa’t isa
Ano ang pinakaangkop na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
Iba’t iba tayo ng mga kakayahan
May panahon tayo para sa iba pa nating nais gawin
Di lahat ng pangangailangan natin ay matamo nating mag-isa
Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba sa pagtulong
Paano matitiyak ng mamamayan ang maayos na pagpapatupad ng batas?
Ang lahat ay magiging masunurin
Walang magmamalabis sa lipunan
Matutugunan ang mga pangangailangan ng bawat kasapi
Bawat mamamayan ay may kani-kaniyang hilig gampanan
Paano napalalakas ang paniniwala ng isang tao na mahalagang magiging kasapi sa isang panrelihiyon na lipunang sibil?
Malalim na pagkaunawa na hindi siya nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay
Pakiramdam ng kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
Kalakarang kinamulatan sa piling ng mga magulang
Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mapalaganap ang media literacy?
Maging mapanuri sa mga babasahin sa anomang uri ng media
Sanayin ang paggamit ng Freedom to Access Information
Maniwala agad sa anomang nabasa sa media
Gamitin ang karapatang ipahayag ang sarili
Bilang kabataan sa kasalukuyan, ang sumusunod ay mga kaaya-ayang gawin malibansa:
Pag-aaral ng mga leksyon sa paaralan
Pagpapatibay ng pananampalataya sa Diyos
Pagsali sa mga rally upang makamit ang hustisya
Pagsali sa mga organisasyong tumutulong sa kapuwa mamamayan
Ano ang nararapat ginagawa sa loob ng isang Lipunang Sibil?
Pagtanggap ng mga pampublikong ospital sa mga taong may sakit
Pakikinig lagi ni Blessie ng balita tungkol sa mga katiwalian ng gobyerno
Pagpapaimpluwensiya sa mga negosiyante sa nauusong gadget
Pagtulong nina Ariane at Emman na matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa evacuation center
