wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP10 Reviewer Summative Test #4

Total questions: 15

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang Community-Based Disaster Risk Reduction Management ay nakasentro sa kapakanan ng _______.

a)

Barangay

b)

Tao

c)

Local Government Unit

2.

Ang pagtatayang ito ay isinasagawa upang makita ang mga nakaambang panganib na mararanasan ng isang pamayanan, kung gaano ito kadalas mangyari, at alin ang naging pinakamapaminsala.

a)

Hazard Assessment

b)

Hazard Mapping

c)

Historical Profile

3.

Isang uri ng pagtataya na sumusuri sa kakayahan o kapasidad ng pamayanan sa pagharap sa iba’tibang uri ng hazard.

a)

Vulnerability Assessment

b)

Risk Assessment

c)

Capacity Assessment

4.

Ito ay isa sa layunin ng disaster preparedness na nagbibigay ng mga impormasyong may kinalaman sa hazard, vulnerability, capability, risk, at maging sa katangiang pisikal ng isang pamayanan.

a)

To inform

b)

To advise

c)

To instruct

5.

Yugto ng CBDRRM na tumutukoy sa mga hakbangin ng pagsasaayos ng mga nasira at pagpapanumbalik ng mga serbisyong naantala.

a)

Disaster Prevention and Mitigation

b)

Disaster Response

c)

Disaster Preparedness

d)

Disaster Recover and Rehabilitation

6.

Determinado ang Lungsod ng Makati sa paghahanda ng mamamayan nito sa pagharap ng mga sakuna. Isa sa mga programa ng lungsod ay ang pagbuo ng isang trak na naglalaman ng impormasyon,edukasyon at komunikasyon sa tamang paghahanda sa pagharap ng sakuna. Ano ang tawag sa programang ito?

a)

DRMM Academy

b)

Makati City Command Center

c)

Mobile Knowledge Resource Center

7.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa tugon ng Lungsod ng Makati sa epidemyang COVID-19 ?

a)

Zoning Ordinance

b)

Makati Economic Relief Program

c)

Makati Isolation Facility

8.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pamamaraang isinasagawa ng Lungsod ng Makati sa pagharap ng mga sakunang dulot ng kapaligiran?

a)

Pakikipagtulungan sa ibang organisasyon

b)

Pagbibigay tulog pinansyal sa mga mamamayan.

c)

Paglimita ng partisipasyon ng iba’t-ibang sektor. 

9.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa yugto ng pagharap sa disaster?

a)

Recession 

b)

Recovery  

c)

Prevention

10.

Alin sa mga sumusunod ang WALANG kaugnayan sa pagsasagawa ng CBDRM plan?

a)

Vulnerability and Disaster Assessment 

b)

Disaster Prevention and Mitigation

c)

Disaster Preparedness 

d)

Disaster Response 

11.

Ano ang layunin ng pagsasagawa ng Disaster Response bilang Ikatlong Yugto ng CBDRM Plan?

a)

Layunin nitong mabigay ng anunsyo o mga paalala sa mga mamamayan sa dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

b)

Layunin nitong ayusin ang mga impraestruktura at iba’t ibang gusali upang maibalik agad ang serbisyong kailangan ng mga tao.

c)

Layuning nitong alamin ang lawak ng pinsalang dulot ng kalamidad upang matiyak ang epektibong pagtugon sa pangangailangan ng pamayanang nakaranas ng kalamidad.

12.

Ang Pilipinas ay nakararanas ng iba’t-ibang uri ng kalamidad dahil dito masidhi ang pagnanais ng pamahalaan na magsagawa ng mga disaster management plan gaya ng CBDRRM Plan. Sa paanong paraan makalilikha ang pamayanan ng isang epektibong CBDRM Plan?

a)

Hikayatin ang mga mamamayan na makilahok sa gawain ng pamahalaan.

b)

Ilihim ang mga impormasyon o pangyayaring maaring magdulot ng takot at pangamba sa pamayanan.

c)

Itaguyod ang Bottom-Up Approach para magkaroon ng isang komprehensibong panuntunan sa pagharap ng kalamidad.

13.

Isa sa dahilan ng paglala ng Climate Change ay kawalan ng disiplina at kooperasyon. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kawalan ng disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran MALIBAN sa isa. Alin ito?

a)

Pag-aaksaya ng papel sa paaralan.

b)

Pagtatago ng basura at palihim na pagtapon nito sa ilog.

c)

Pakikilahok sa gawain na may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan

14.

Bakit mahalaga na maisagawa ang tamang pagkasunod-sunod ng CBDRRM Plan?

a)

Sapagkat ito ay nakatutulong sa pagkakaroon ng malinis na hangin at kaaya-ayang kapaligiran.

b)

Sapagkat ito ang magiging daan patungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa.

c)

Sapagkat ito ay isang paraan para maihanda ang mga mamamayan sa mag kalamidad upang maiwasan ang pagkakaroon ng malaking pinsala.

15.

Bilang kabataan, bakit mahalaga na maging mulat ang iyong kaisipan sa mga isyu at suliraning panlipunan na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan?

a)

Dahil bahagi ako ng pagiging Pilipino kahit pa ako ay mangibang bansa.

b)

Dahil bahagi ako ng lipunan at may magagawa ako sa paglutas ng mga isyung panlipunan.

c)

Dahil bahagi ako ng suliraning panlipunan na nagpapahirap sa bansa.