NEW
Font size
WorksheetsUNANG MARKAHAN_REVIEW
Total questions: 30
Worksheet time: 24mins
Anong rehiyon sa daigdig ang binigyang pokus sa pag-aaral ng panitikan sa unang markahan?
Rehiyon ng Asia Pacific
Rehiyon ng Europa
Rehiyon ng Africa
Rehiyon ng Mediterranean
Ano ang tawag sa akdang tuluyan na nakatuon sa mga kuwento ng diyos at diyosa, sinaunang kuwento na ginamit upang maipaliwanag ang mga pinagmulan ng bagay, at iba pa?
Mito
Parabula
Sanaysay
Epiko
Dala ng kanyang pagkainggit sa dalaga, inutusan niya ang kanyang anak na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Sino sa mga tauhang ito ang nagsakatuparan ng aksiyon na ito sa pag-iibigang Cupid at Psyche?
Hera/ Juno
Athena/ Minerva
Aphrodite/ Venus
Artemis/ Diana
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari:
I. Kinausap ni Cupid si Apollo na ibig niyang mapangasawa si Psyche.
II. Lumapit ang Amang Hari kay Apollo para sa orakulo nito.
III. Nanirahan sa isang napakagandang palasyo si Psyche na pinalamutian ng ginto, diyamante, at iba pang mamahaling bato.
IV. Nakasuot sa pinakamagandang gayak na pangkasal si Psyche habang naghihintay sa bundok.
I, II, III, at IV
I, II, IV, at III
II, I, IV, at III
II, I, III, at IV
Ang tagpo kung saan nasaksihan ng magkakapatid ang kanilang nakababatang kapatid na nakatira sa marangyang palasyo at pagbubuyo nila kay Psyche ay sumasalamin sa likas na anong ugali ng isang tao?
Pagiging mapagmahal
Pagiging mainggitin
Pagiging maalalahanin
Pagiging mausisa
Ang paglisan ni Cupid kay Psyche upang pagalingin ang sarili ay sumasalamin din sa anong buhay mag-asawa?
Paghahanap ng kapayapaan ng isip
Pagtakas sa problemang dulot ng kabiyak
Tuluyang hiwalayan ng nag-iibigan
Paghahanap ng ikaliligaya ng sarili
Nang iwan ni Cupid si Psyche, tila siya ay naging isang _________. Anong tambalang salita ang maaaring gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap na ito?
pusong bato
pusong sawi
pusong ligaw
pusong mamon
Hinanap ni Cupid si Psyche pagkatapos niyang magkaramdam ng labis na pangungulila sa minamahal.Ang pandiwang "hinanap" ay nasa anong kayarian ng salita?
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Hinanap ni Cupid si Psyche pagkatapos niyang magkaramdam ng labis na pangungulila sa minamahal. Nasa anong pokus at gamit ng pandiwa ay pinapakita ng pangungusap na ito.
Tagaganap - Aksiyon
Tagatanggap - Aksiyon
Tagaganap - Pangyayari
Tagatanggap - Pangyayari
"Ang pag-ibig ay hindi lalago kung walang tiwala" ay ang sentrong paksa ng Cupid at Psyche. Sa iyong palagay dapat ba itong isabuhay sa kasalukuyang panahon?
Oo, sapagkat hindi tunay na umiibig ang isang tao kung walang tiwala.
Oo, sapagkat laging kalakip ng pag-ibig ang pagtitiwala at pananalig sa kabiyak.
Hindi, sapagkat tanging ito lamang ang maaaring itira sa ating sarili.
Hindi, sapagkat kailangan munang paghirapan ng kabiyak ang pagkuha sa tiwala ng kanyang iniibig.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang parabula?
Nagbabahagi ng paniniwalang moral
Nagpapakita ng realistikong banghay
Nagmula sa banal na kasulatan
Nagtataglay ng tonong mapanghikayat
“Makinig kayong lahat at unawain ang aking sasabihin!
Hindi nagiging marumi ang isang tao dahil sa pagkaing pumapasok sa kanyang bibig, kundi dahil sa lumalabas dito. Makinig ang may pandinig!”
Sa bahaging ito ng parabula mula sa kasulatan ni Marcos 7:14-23, saan tunay nagmumula ang nagparurumi sa tao?
pagkain na kinakain
inumin na iniinom
salita na namumutawi sa bibig at puso
pananaw na iniisip
“Makinig kayong lahat at unawain ang aking sasabihin!
Hindi nagiging marumi ang isang tao dahil sa pagkaing pumapasok sa kanyang bibig, kundi dahil sa lumalabas dito. Makinig ang may pandinig!”
Sino ang nagsasalita sa parabulang ito?
Jesus
Marcos
Pariseo
Lukas
“Makinig kayong lahat at unawain ang aking sasabihin!
Hindi nagiging marumi ang isang tao dahil sa pagkaing pumapasok sa kanyang bibig, kundi dahil sa lumalabas dito. Makinig ang may pandinig!”
Anong tono ang nangibabaw sa pahayag na ito?
mapanghikayat
mapangmungkahi
mapanghimok
mapanudyo
Pagsunod-sunuri ang pangyayari sa mensahe ng butil ng kape:
I. Pinili ng anak na maging isang butil ng kape
II. Inutusan ng ama ang anak na lutuin ang carrot, itlog, at kape
III. Napansin ng ama ang kagaspangan ng pakikitungo ng anak sa oras ng kanilang pagtatanim.
IV. Ipinabatid ng ama ang talinghaga sa likod ng carrot, itlog, at kape na may kaugnayan sa suliranin sa buhay ng tao.
I, II, III, at IV
II, III, IV, at I
III, II, IV, at I
IV, I, II, at III
Gamitan ng pang-ugnay ang mga ideyang ito upang maging isang buong pagsasalaysay:
___, napansin ng ama ang kagaspangan ng pakikitungo ng anak sa oras ng kanilang pagtatanim. ___, inutusan ng ama ang anak na lutuin ang carrot, itlog, at kape. ___ pinabatid ng ama ang talinghaga sa likod ng carrot, itlog, at kape, nauunawaan ___ ng anak ang aral sa likod nito. ___, pinili ng anak na maging isang butil ng kape.
Una; dahil dito; habang; na; sa huli
Una; sapagkat; habang; ito; dahil dito
Una; kung kaya; habang; din; sa huli
Una; kung gayon; habang; daw; sa wakas
Ano itong akdang tuluyan na nagnanais na magpabatid at magbahagi ng pananaw, opinyon, at kuro-kuro sa mambabasa nito?
mito
sanaysay
parabula
epiko
Alin sa mga simbolismo itinago ni Plato ang pag-iisip at pananaw na kalikasan ng tao?
Yungib
Bilanggo
Anino
Apoy
Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang sinisimbolo ng muling pagbabalik ng dating bilanggo sa yungib?
Pagbisita sa mga bilanggo upang makaramdam ng kalinga.
Pagtulong sa mga bilanggo na mamulat sa katotohanan.
Paghikayat sa mga bilanggo ng tumakas sa pagkakabilanggo.
Pagbuo ng samahan ng mga bilanggo upang marinig ng mga awtoridad.
Apat. Apat. Apat.
Sa mata ng mga dating Longosian, hindi nalimitahan ng maliit na paaralan ang kanilang pagkamit sa mga pangarap. Lumagpas pa sa apat na palapag na gusali ang kanilang naabot sa buhay. Naging makabuluhan ang apat na taon para buuin ang sarili. Matapang na hinarap ang panibagong apat para kilalanin na matagumpay ng Longosian.
Sa anong bahagi ng isang sanaysay mo ito inaasahan mabasa?
Simula
Gitna
Wakas
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang
epiko?
Nababasa sa isang upuan lamang
Nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng tauhan
Nagpapakita ng kabayanihan ng mga pangunahing tauhan.
Nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa tao.
Ang pinakamatandang epiko sa buong mundo at kinikilala bilang
kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
Beuwulf
Ibalon
Gilgamesh
Iliad at Odyssey
Ang mga sumusunod na pahayag ay totoo hinggil sa Epiko ng Gilgamesh maliban sa ...
Si Gilgamesh ay kalahating tao at kalahating diyos.
Pinakinggan ng mga diyos ang hiling ng mga tao na makalaya na sila.
Para kay Enkido, lubos na kahiya-hiya ang mamatay sa karamdaman
kaysa sa mamatay sa isang digmaan.
Nanaginip si Gilgamesh sa isang lugar na maaaring puntahan ng mga
namayapa na.
Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan.
Anong kahalagahang pang-epiko na makikita sa Epiko ng Gilgamesh?
Pagpapakita ng palitan at pagtutulungan
Pagpapabatid ng pagmamahal sa kalayaan
Pagpapahiwatig ng isang lubos at malayang daigdig
Pagbibigay diin sa temang matibay na bigkis ng relasyon
Maliban kay Gilgamesh, si Enkido rin ay isang malakas na nilalang. Ang salitang maliban ay nagsasaad ng ____________.
Kinalabasan
Pagbubukod
Pagdaragdag
Pasubali
Ano ang tawag sa isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang-
halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap ng
isang tauhan?
kuwentong makabanghay
kuwento ng katutubong-kulay
kuwento ng tauhan
kuwento ng kababalaghan
Ipinaghihinagpis ni Mathilde ang karukhaan ng kaniyang lumang
tahanan ang nakaaawang anyo ng mg dingding, ang mga kortinang sa
paningin niya ay napakapangit. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat
mong gawin para matupad ang mga pangarap mo sa buhay?
Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking
mayaman.
Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makuntento na sa kung
ano ang kaya niyang maibigay.
Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa
nang gumaan ang aming buhay.
Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng
buhay na kaya niyang ibigay.
Paano naiuugnay ang katangian ni Mathilde sa pangkalahatang
kaisipan ng mga taga-France?
sa kaisipang mapagpalaya at mapagtanggol
sa pag-iisip na sila ay malamaharlika
sa mataas na estado ng pamumuhay
sa kaisipan ng pagkakapatiran
“O, kahabag-habag kong kaibigan! Ang ipinahiram ko sa iyong
kuwintas ay imitasyon lamang.” Sinong tauhan ang nagturan nito?
G. Loisel
Sister Gudule
Mathilde Loisel
Madame Forestier
Sa pangungusap na “Sila ay sopistikado kung manamit. Ang mga taga-
France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasiyahan.” Aling
salita ang tumutukoy sa panghalip na sila?
Sopistikado
kasayahan
France
Taga-France
