wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pangggitnaang Pagsusulit

Total questions: 60

Worksheet time: 33mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa teoryang ito ang mga tao ay natutong magsalita dahil sa silakbo ng damdamin gaya ng takot, tuwa, sakit, galak, lungkot, pagkabigla, pag-iyak, pagtawa, at iba pa.

a)

bow-wow

b)

ta-ra-ra-boom-de-ay

c)

pooh-pooh

d)

yohehe

e)

wala sa nabanggit

2.

Tungkulin ng wikang pagalawin ng gumagamit ang kanyang paligid, upang maganap o mangyari ang kilos. Aling tungkulin ang tinutukoy rito?

a)

Regulatori

b)

Instrumental

c)

Personal

d)

Interaksyunal

e)

wala sa nabanggit

3.

Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.

a)

balbal

b)

pambansa

c)

kolokyal

d)

pampanitikan

e)

wala sa nabanggit

4.

Ano ang pangunahing pagkakilanlan ng indibidwal?

a)

Wika

b)

dayalekto

c)

kultura

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

5.

Ang wika ay arbitraryo. Ito ay nangangahulugang ____________

a)

Ang wika ay nagbabago

b)

Ang wika mahalaga

c)

Ang wika ay buhay

d)

Ang wika ay napagkasunduan

e)

wala sa nabanggit

6.

Bakit mahalaga ang wika sa isang bansa? Sapagkat…

a)

ito pangunahing kasangkapan sa komunikasyon, madaling magpahayag ng damdamin at kaisipan ng tao malayo man o malapit ang taong kausap.

b)

ito ang daan sa pagkakaisa at pagbubuklod ng bayan

c)

ito ang kaluluwa ng bansa

d)

Lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

7.

Paano mo mas mapahahalagahan ang wika bilang isang mamamayan ng bansa at bilang mag-aaaral?

a)

Sa pamamagitan ng paggamit nito

b)

sa pamamagitan ng pag-aaral nito

c)

Sa pamamagitan ng paglinang nito

d)

Lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

8.

Sino ang sumulat ng Batas Komonwelt 184?

a)

 Jose E. Romero

b)

Norberto Romualdez

c)

Manuel L. Quezon

d)

Ramon Magsaysay

e)

wala sa nabanggit

9.

Aling seksyon ng Artikulo XIV, Saligang Batas 1987 nakasaad na ang Konstitusyon ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles?

a)

6

b)

7

c)

8

d)

9

e)

wala sa nabanggit

10.

Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit may naipalabas na kautusang nagsasabing tatawaging Pilipino ang wikang pambansa?

a)

Upang mabago ang tawag sa wikang pambansa

b)

Upang mahiwalay ito sa wikang tagalog

c)

Upang matanggal ang rehiyonalismo

d)

Lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

11.

Ang bilinggwalismo ay isinulong na ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa pamamagitan ng Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE). Alin sa sumusunod ang naging angkop sa isinusulong ng PCSPE?

a)

Paggamit ng wikang Pilipino sa elementary, bernakular bilang pantulong sa mga unang dalawang taon at lugar na hindi tagalog, at Pilipino at Ingles naman ang midyum sa sekondarya at tersyarya.

b)

Paggamit ng wikang Filipino sa elementary, bernakular bilang pantulong sa mga unang dalawang taon at lugar na hindi tagalog, at Filipino at Ingles naman ang midyum sa sekondarya at tersyarya.

c)

Paggamit ng wikang Tagalog sa elementary, bernakular bilang pantulong sa mga unang dalawang taon at lugar na hindi tagalog, at Tagalog at Ingles naman ang midyum sa sekondarya at tersyarya.

d)

Paggamit ng wikang Tagalog sa elementary, bernakular bilang pantulong sa mga unang dalawang taon at lugar na hindi tagalog, at Filipino at Ingles naman ang midyum sa sekondarya at tersyarya.

e)

wala sa nabanggit

12.

Bakit hindi nagtagumpay ang pagtawag na Pilipino sa wikang pambansa?

a)

Sapagkat ito parin ay wikang tagalog

b)

Sapagkat marami ang hindi gumagamit nito

c)

Sapagkat hindi ito tinanggap ng karaming pilipino

d)

Lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

13.

Paano o bakit nagsimulang isulong ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa?

a)

Dahil maraming wikang umiiral sa bansa

b)

Dahil ito ay napagtanto at isinulong ni Manuel L. Quezon

c)

Dahil kahit pilipino ang kausap, maaari paring hindi magkaintindihan

d)

Lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

14.

Siya ang nagpalabas ng batas pangkagawaran Blg. 7.

a)

 Jose E. Romero

b)

Norberto Romualdez

c)

Manuel L. Quezon

d)

Ramon Magsaysay

e)

wala sa nabanggit

15.

Ito ay kontekstong tumutukoy sa mood at sa emosyon ng mga kasangkot sa buong proseso ng komunikasyon.

a)

pisikal

b)

sikolohikal

c)

historikal

d)

sosyal

e)

wala sa nabanggit

16.

Ano ang pinakapinal na punto upang masabi na ang mensahe ay matagumpay na naihatid, natanggap, o naunawaan?

a)

mensahe

b)

tagahatid

c)

tugon

d)

daluyan

e)

wala sa nabanggit

17.

Anyo ng komunikasyon na nagaganap sa pang-araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba't ibang uri ng tao.

a)

intrapersonal

b)

interpersonal

c)

pampubliko

d)

pangmadla

e)

wala sa nabanggit

18.

Ang lahat ng mag-aaral sa kursong Fil 101 ay magsasagawa ng talumpati bilang isa sa mga kahingian sa panapos na termino. Anong anyo ng komunikasyon ang magaganap?

a)

intrapersonal

b)

interpersonal

c)

pampubliko

d)

pangmadla

e)

wala sa nabanggit

19.

Kinakausap niya ang kanyang sarili kapag siya ay may desisyong pinag-iisipang mabuti.

a)

intrapersonal

b)

interpersonal

c)

pampubliko

d)

pangmadla

e)

wala sa nabanggit

20.

Maaari bang maging tagahatid ng mensahe ang tagatanggap ng mensahe sa proseso ng pakikipagkomunikasyon?

a)

Hindi, sapagkat magugulo ang proseso ng komunikasyon

b)

Hindi, sapagkat siya ang tagahatid ng mensahe

c)

Opo, sapagkat ang mensahe ay bukas para sa lahat

d)

Opo, sapagkat maaaring may tugon siyang matanggap mula sa hinatiran ng mensahe

e)

wala sa nabanggit

21.

Bakit mahalaga ng elemento ng komunikasyon ang daluyan? Sapagkat…

a)

ito  ay tumutukoy sa paraan kung paanong ang mensahe ay maipahahatid nang buong husay mula sa tagapaghatid tungo sa tagatanggap

b)

kung ito ay nagkaroon ng sagabal malaki ang epekto nito sa proseso ng komunikasyon

c)

ito ang tagahatid ng mensahe sa tagatanggap ng mensahe

d)

Lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

22.

Tumutukoy ito sa aktibidad ng utak mula sa mga gawaing kinasangkutan ng pag-iisip habang ginagamit sa kapaligiran ng isang indibidwal.

a)

pagtanggap ng impormasyon

b)

pagproseso ng impormasyon

c)

pagbahagi ng impormasyon

d)

Lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

23.

Ito ay mga datos na hinalaw o nagmula sa mga dokumentong isinulat sa panahon na isinasagawa ang aktwal na pananaliksik.

a)

Datos

b)

Sekondaryang Datos

c)

Primaryang Datos

d)

Tersyaryang Datos

e)

wala sa nabanggit

24.

Anong uri ito ng pangongopya? Ang kinopya ay mahahalagang impormasyon sa iba bagamat may kaunting modipikasyon sa orihinal ay hindi pa rin nabigyan ng nararapat na rekognisyon ang orihinal na may-akda.

a)

Plagiarismo

b)

direkta

c)

di-direkta

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

25.

Si Caress ay nakakuha ng ideya hinggil sa gawa ni Dana at kanya itong pinaunlad at mas pinalalim pa ang kanyang pagpapaliwang hinggil sa paksa. Nangyari ba ang plagiarismo? Bakit?

a)

Hindi po, sapagkat kanya itong pinaunlad at pinalalim

b)

Hindi po, sapagkat kinilala naman niyang si Dana ang may ideya niyaon

c)

Opo, kasi hindi niya binanggit na ito ay nagmula kay Dana

d)

Opo, kasi magkapareho sila ng ideya

e)

wala sa nabanggit

26.

Ibinuod na lamang ni Xyzee ang ipinahayag ni Yanna sa kanyang pag-aaral at hindi na niya binanggit bilang sanggunian. Naganap ba ang pangongopya, bakit?

a)

Hindi po, sapagkat kanya itong pinaunlad at pinalalim

b)

Hindi po, sapagkat binago naman niya ang ideya

c)

Opo, kasi ibinuod niya lang ideya

d)

Lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

27.

 Alin sa sumusunod ang pangunahin at dapat na isaalang-alang kapag gagamit ang Internet bilang sanggunian?

a)

ang pook-sapot o website

b)

ang taon kailan naipalimbag

c)

ang may-akda

d)

ang iba pang sanggunian

e)

wala sa nabanggit

28.

Alin sa sumusunod ang maaaring maging kahinaan kung online na ang sistema ng mga paaralan sa Silid-aklatan?

a)

limitado ang access kung limitado lamang din ang pondo ng mga paaralan

b)

hindi epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral

c)

marami ang makagagamit ng mga sanggunian

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

29.

 Alin sa sumusunod ang mas mainam gawin upang mas marami pang datos na makalap upang magpatibay o magbibigay-balidasyon sa iyong pinag-aaralan?

a)

ang paggamit ng bibliyograpiya

b)

paglalagay ng siping-panloob

c)

ang paggamit ng internet

d)

pagbabasa pa ng ibang kaugnay na pag-aaral

e)

wala sa nabanggit

30.

Ito ay ang kaswal na pagtingin sa mga pahina ng teksto upang matantya ang kahalagahan ng patuloy na pagbabasa nito sa kabuuan at pahapyaw na malaman kung ano-ano ang mga nilalaman nito na maaaring makatulong sa isinasagawang pag-aaral.

a)

Pagbabasa nang palaktaw-laktaw

b)

Paghahanap ng Kaganapan

c)

Pagsisiyasat

d)

Pagtutuon ng pansin sa

e)

wala sa nabanggit

31.

Tinitiyak nito ang tamang oras at panahon kung kailan dapat na makapangalap ng sapat na impormasyon na magpapatatag sa isang gawain.

a)

datos

b)

layunin

c)

sanggunian

d)

impormasyong nakalap

e)

wala sa nabanggit

32.

Ano ang tumutukoy sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto o index upang malaman kung ang aklat ay naglalaman ng mga espisipikmalaman ong impormasyon na nais mong o mga impormasyong malaki ang maitutulong saiyo?

a)

Pagbabasa nang palaktaw-laktaw

b)

Paghahanap ng Kaganapan

c)

Pagsisiyasat

d)

Pagtutuon ng pansin sa

e)

wala sa nabanggit

33.

Bakit mahalaga ang pangangalap ng impormasyon?

a)

upang magkaroon ng mga datos na kinakailangan sa pinag-aaralan

b)

sapagkat mahalagang makakalap ng mga datos na magpapatibay sa pinag-aaralan

c)

dahil isa ito sa responsibilidad ng mga mag-aaral-mananaliksik

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

34.

Alin sa sumusunod ang dapat isaalang-alang upang maging mabisa ang pagbabasa?

a)

Magkaroon ng regular na pagpapatingin ng mga mata.

b)

Tingnan kung higit kang komportable sa pagbabasa ng malalaking teksto.

c)

Gumamit ng tamang ilaw na babagay sa pangangailangang liwanag ng iyong mga mata.

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

35.

Paggamit ng impormasyon, Pagpili ng makabuluhang impormasyon, Paggamit ng dyornal at Pagsasaayos ng mga impormasyon ay mga hakbang na makatutulong sa ____________

a)

pangangalap ng wastong impormasyon

b)

pagproseso ng nakalapt na impormasyon

c)

sa pananaliksik

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

36.

 Bilang isang mag-aaral na nangangalap ng impormasyon, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?

a)

pagkakaroon ng layunin

b)

pagmumuni-muni sa mga mahuhusay na sanggunian

c)

pagsasaalang-alang sa mga datos na mayroon sa kasalukuyan

d)

pagsisiyasat kung ang impormasyong nakalap nga ba ang pinamahusay

e)

wala sa nabanggit

37.

 Bilang isang mag-aaral na nangangalap ng impormasyon, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?

a)

pagkakaroon ng layunin

b)

pagmumuni-muni sa mga mahuhusay na sanggunian

c)

pagsasaalang-alang sa mga datos na mayroon sa kasalukuyan

d)

pagsisiyasat kung ang impormasyong nakalap nga ba ang pinamahusay

e)

wala sa nabanggit

38.

Ito ang pagtukoy sa mahahalagang elemento ng teksto at ang pagpapaiksi ng mahahalagang impormasyon gamit ang sariling o salita habang at pagkatapos ng isinasagawa/isinagawang pagbabasa para sa lenggwahe isang buong kahulugan.

a)

pagbubuod

b)

paglalagom

c)

paglalahat

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

39.

Ano tumutukoy sa proseso ng pagbubuod sa mas mataas nitong antas?

a)

pagbubuod

b)

paglalagom

c)

paglalahat

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

40.

Ito ay mahalaga sa buong proseso ng pagbubuod sa mga pagkakataon na ang orihinal na teksto ay mahirap tumbasan sapagkat maaaring magdulot ng maling rekognisyon (misattribution) sa konteksto ng may-akda na labag sa etika ng pagsulat.

a)

bibliyograpiya

b)

sanggunian

c)

sipi

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

41.

Alin sa sumusunod ang pagkakatulad ng pagbubuod at sintesis?

a)

parehong pagpapaiksi ng mga mahahalagang impormasyon gamit ang sariling salita

b)

parehong nararapat na isaalang-alang sa impormasyon para sa isang iskolarling pagsusulat

c)

parehong nakabatay sa ideya ng iba

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

42.

Alin sa sumusunod ang pagkakaiba ng pagbubuod at sintesis?

a)

ang pagbubuod pagpapaiksi ng mga mahahalagang impormasyon gamit ang sariling salita samantala ang sinstesis ay pagbubuod na nilangkapan ng sariling pag-unawa sa paksa

b)

 ang sintesis pagpapaiksi ng mga mahahalagang impormasyon gamit ang sariling salita samantala ang pagbubuod ay pagpapaiksi na nilangkapan ng sariling pag-unawa sa paksa

c)

walang pagkakaiba

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

43.

 Ayusin sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga hakbang sa pagsusuri ng impormasyon.

a)

pagsasaayos ng mga impormasyon, balikan ang mga katanungan, pagpapasya kung paano susuriin ang mga impormasyon, at integrasyon ng mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo

b)

pagpapasya kung paano susuriin ang mga impormasyon, pagsasaayos ng mga impormasyon,balikan ang mga katanungan, at integrasyon ng mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo

c)

pagsasaayos ng mga impormasyon, pagpapasya kung paano susuriin ang mga impormasyon, balikan ang mga katanungan, at integrasyon ng mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo

d)

balikan ang mga katanungan, pagsasaayos ng mga impormasyon, pagpapasya kung paano susuriin ang mga impormasyon, at integrasyon ng mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo

e)

wala sa nabanggit

44.

Kung ang datos na nakalap naman ay kwalitatibo ang kakanyahan (panayam, focus group, komentaryo sa mga talatanungan, at iba pa) maaaring isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang _________

a)

Basahin ang lahat ng datos

b)

Bigyan ng kategorya ang presentasyon ng mga kasagutan.

c)

Subukang lagyan ng asosasyon o ugnayan sa paksa ng pag-aaral ang mga kwalitatibong datos.

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

45.

Alin sa sumusunod ang pinakamainam na gawin sa pagbubuod?

a)

isaalang-alang sa kapakinabangan na maaaring idulot sa kapwa, kamag-aaral, at iba pa

b)

higit na maiksi kaysa orihinal na teksto

c)

nagtataglay ng kakayahang manghikayat

d)

lahat ng nabanggit

e)

wala sa nabanggit

46.

Ang kultura ang pangunahing pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

a)

Tama

b)

Mali

47.

Ang wika ay dinamiko, nangangahulugang kapag ang wika ay hindi ginagamit ito ay maaaring mamatay.

a)

Tama

b)

Mali

48.

Ang wika ay pantay-pantay at walang antas o lebel.

a)

Tama

b)

Mali

49.

Dahil sa rehiyonalismo, hindi kinilala ng karamihang mga pilipino ang wikang PILIPINO bilang wikang pambansa.

a)

Tama

b)

Mali

50.

Ang dahilan ng paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril sa ika-13 hanggang 19 ng Agosto ay upang maisabay ito sa paggunita ng kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa.

a)

Tama

b)

Mali

51.

 Marami ang nagkaroon ng inisyatibong isulong ang wikang Pambansang Filipino, isa na rito sa Lope K. Santos.

a)

Tama

b)

Mali

52.

Ang komunikasyon ay maaaring maganap kahit na hindi positibo ang tugong natanggap.

a)

Tama

b)

Mali

53.

Ang simpleng pagtango ay isa ng uri ng pakikipagkomunikasyon.

a)

Tama

b)

Mali

54.

 Ang mood at emosyon ay hindi nakaaapekto sa ating pakikipag-interaksyon.

a)

Tama

b)

Mali

55.

Kung walang kakayahang gumamit ng iba’t ibang sanggunian ang mag-aaral maaaring hilaw at pawang opinyon lamang ang mabubuong laman.

a)

Tama

b)

Mali

56.

Ang mga tersyaryang datos ay datos na nanggaling sa mga dokumentong isinulat matapos ang isang kaganapan.

a)

Tama

b)

Mali

57.

Ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng ideyang matagal nang nabanggit ay tanggap.

a)

Tama

b)

Mali

58.

 Kung nagnanais kang maunawaan nang lubos o mas malalim pa ang isang akda, gamitin ang uri ng pagbasang sanligan.

a)

Tama

b)

Mali

59.

Ang konsepto ng pagbubuod ay mahalagang matutunan ng mga mag-aaral o mananaliksik kaugnay pa rin ng kanilang tungkulin na mangalap ng mga lehitimo at may kredibilidad na impormasyon na makatutulong sa pagpapatatag ng kanilang mga pag-aaral o proyekto.

a)

Tama

b)

Mali

60.

Ang proseso ng pagbubuod bilang sensitibong gawain ay nangangailangan ng ibayong husay at pag-iingat upang makapaghatid ng tama at wastong impormasyon sa mga taong nais na sumangguni sa bagong bersyon.

a)

Tama

b)

Mali