wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KOMPAN REVIEW

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

1.       Alin sa mga sumusunod ang gamit ng wika sa lipunan sa likod ng kamera, kapag ang mga tagapagbalita ay nag-uusap at nagkakamustahan patungkol sa kani-kanilang buhay.

a)

imahinatibo       

b)

  interaksyonal

c)

instrumental

d)

heuristiko

2.

1.       Ang pahayag na nakalahad sa social media ni Jerico ay naglalaman ng mga opinyon at saloobin patungkol sa pagbagsak ng piso kontra dolyar. Anong gamit ng wika ang pinapakita sa sitwasyong ito?

a)

impormatibo  

b)

interaksyonal  

c)

personal  

d)

regulatoryo

3.

1.       Anong ideya ang nagpapatunay na may pagkakaiba-iba ang lipunang Pilipino sa aspetong linggwistiko at kultural sa mga pelikula at dulang napapanood?

a)

Isa sa katangian ng wika ay nakabatay sa kultura. May mga palabas na gumagamit ng kanilang wikang naka-ugat sa kanilang kulturang ginagisnan.

b)

Lahat ng mga napanonood ay gumagamit ng wikang pambansa, gumagamit ang produksyon ng iisang wika lamang bilang midyum ng pelikula.

c)

Ang mga palabas na may kaugnayan sa kultura ng isang komunidad ay hindi na sinasaliksik bagkus ito ay nagmula lamang sa malikot na imahinasyon ng manunulat.

d)

lahat ng nabanggit

4.

1.       Alin sa mga sumusunod ang tamang kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino sa telebisyon?

a)

gumagamit lamang ng pormal na wika ang mga pantanghaling variety show o noon time show, samantalang pormal ang gamit na wika sa mga programang nagbabalita

b)

gumagamit ng pormal at di-pormal na wika ang mga pantanghaling variety show o noon time show, samantalang pormal din ang gamitin na wika sa mga programang nagbabalita

c)

gumagamit ng purong di-pormal na wika ang mga pantanghaling variety show o noon time show, samantalang di-pormal ang gamit na wika sa mga programang nagbabalita

d)

gumagamit ng parehong pormal at di-pormal na wika ang mga pantanghaling variety show o noon time show at mga programang nagbabalita

5.

1.       Ang mga salitang agkarayam, magna, lumagto, at agilad ay napapabilang sa anong barayti ng wikang?

a)

idyolek

b)

dayalek  

c)

pidgin   

d)

register

6.

1.    Ano ang pagkakaiba ng sosyolek sa idyolek?

a)

ang sosyolek ay mga salitang ginagamit sa rehiyon, lalawigan at bayan, samantalang ang idyolek ay mga salitang ginagamit ng mga propesyonal

b)

ang sosyolek ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal, samantalang ang idyolek ay mga salitang ginagamit ng pangkat-etniko

c)

ang sosyolek ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal, samantalang ang idyolek ay paraan ng pagsasalita ng isang tao na lumulutang ang kakanyahang natatangi ng isang tao

d)

ang sosyolek ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal, samantalang ang idyolek ay mga salitang ginagamit sa rehiyon, lalawigan at bayan

7.

1.       Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI tamangpagpapakita ng gamit ng wika sa social media?

a)

Maging sensitibo sa nilalaman ng pahayag bago ito i-post

b)

isaalang-alang ang etika ng panghihiram ng ideya ng ibang tao bago mag-post

c)

malayang naipapahayag ang saloobin at opinyon bilang isang indibidwal

d)

magbahagi ng mga kaisipang hubad sa katotohanan

8.

1.       Alin sa sumusunod na antas ng wika ang tama at angkop na gamitin ng isang Presidente kapag siya ay magbibigay ng kayang talumapati na maaaring mapakinggan sa radio at mapanood sa telebisyon?

a)

kolokyal   

b)

lalawiganin     

c)

pambansa  

d)

pampanitikan

9.

Ito ang mga espesyalisadong termino na ginagamit sa iba’t ibang larangang kinabibilangan.

a)

coño  

b)

gaylinggo    

c)

jargon 

d)

register

10.

Ano ang pagkakaiba ng coño at gaylinggo na uri ng sosyolek na barayti ng wika?

a)

ang coño ay isang paaran ng code switching ng dalawang wika sa isang pahayag, samantalang ang gaylinggo ay “wika ng mga beki”

b)

ang coño ay mga espesyalisadong termino na ginagamit sa iba’t ibang larangang kinabibilangan, samantalang ang gaylinggo ay “wika ng mga beki”

c)

ang coño at gaylinggo ay wika ng mga beki

d)

wala sa nabanggit

11.

1.       Ang pahayag sa ibaba ay isang sitwasyong pangkomunikatibo, bilang isang mag-aaral, paano ka sasagot kapag ikaw ang nasa sitwasyon ng pinagtatanungan? Alin sa pagpipilian ang pinakamahusay?

“Sa isang mall sa baguio sa kalagitnaan ng kasiyahan sa pagdiriwang ng Panagbenga, may grupo ng turistang tila naliligaw. Magalang na nagtanong ang mga ito sa isang mamimili kung saan sila makakakuha ng taxi papuntang Burnham Park.”

a)

“ay pasensya na, kasi nagmamadali ako, pwede niyong tanungin si manong guard”

b)

“diresto lang po kayo diyan sa labas, may mga nakaparada na pong taxi diyan papuntang burnham”

c)

“Magandang araw po, pwede po kayong sumakay sa may labasan po, sa may bandang harap ng mall, sa kaliwang bahagi po, may mga nakaparada na po roon na papuntang burnham”

d)

“pwede kayong mag-google map, nalalakad lang naman, wag na kayong mag-taxi”

12.

1.       Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kritikal na pahayag sa paggamit ng wika sa iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas?

a)

“Ang paggamit ng mga bagong nabubuong kolokyal na kagaya ng ‘beki’ ay sagabal sa pagpapayaman ng wikang pambansa.”

b)

“Ang paggamit sa unang wika sa una hanggang ikatlong baitang ng pag-aaral ay makatutulong upang mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral”

c)

“Nahihirapan ang mga mag-aaral sa k to 12 kurikulum dapat na itong itigil.”

d)

wala sa nabanggit

13.

1.       Tumutukoy sa yunik na paggamit ng wikang sinasalita. Tinatawag din itong pampersonal na gamit ng wika. Ito ay tinatawag na ________.

a)

Sosyolek  

b)

Dayalek

c)

Idyolek 

d)

Register ng Wika

14.

1.       Nabubuo mula sa lokasyong kinalalagyan o rehiyong kinabibilangan ng isang tao. Ito ay tinatawag na ______.

a)

Sosyolek 

b)

Dayalek

c)

Idyolek 

d)

Register ng Wika

15.

1.       Ito rin ay tumutukoy sa mga espesyalisadong mga salita sa isang particular na domeyn o gawain. Ito ay tinatawag na _____.

a)

Sosyolek  

b)

Dayalek

c)

Idyolek 

d)

Register ng Wika

16.

1.       Nabubuo mula sa pangkat o grupong kinabibilangan sa lipunan. Ito ay tinatawag na _____.

a)

Sosyolek 

b)

Dayalek

c)

Idyolek

d)

Register ng Wika

17.

1.       Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika depende sa kung sino ang kausap. Ito ay tinatawag na _____ of discourse

a)

mode  

b)

field tenor  

c)

tenor

d)

link

18.

Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa taong nagsasalita o gumagamit sa paksang pinaguusapan. Ito ay tinatawag na _____ of discourse.

a)

  mode   

b)

field tenor 

c)

menor

d)

link

19.

1.       Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa taong nagsasalita o gumagamit sa paano o paraan ng pakikipag-usap. Ito ay tinatawag na _____ of discourse.

a)

mode

b)

field

c)

menor

d)

link

20.

1.       Ito ang wikang pinagmulan ng salitang lengua na nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe.”

a)

       Ingles      

b)

Filipino

c)

Latin

d)

Pranses

21.

1.       Ayon sa kanya, “Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura."

a)

Almario  

b)

Gleason

c)

Hutch

d)

Panganiban

22.

1.       Ito ay isang katangian ng wika na kung saan ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak nabalangkas.

a)

arbitraryo  

b)

masistemang balangkas

c)

nagbabago

d)

natatangi

23.

1.       Sa mga napapanood sa telebisyon, naririnig sa radio,sa mga talumpati at panayam, anong antas ng wika ang pinakamabisang midyum ng pakikipagtalastasan?

a)

Balbal

b)

kolokyal

c)

Pambansa

d)

pampanitikan

24.

1.       Batay sa iyong kaalaman, pananaw at karanasan, alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng idyolek na barayti ng wika?

a)

  “Hindi namin kayo tatantanan!”

b)

 “Make basa, make kain, make lakad”

c)

“Mangan tayo diay taltalon”

d)

“3ow phow, mUsZtah nA phow kaOw?”

25.

1.       Sa iyong pagkaunawa sa iba’t ibang konseptong pangwika, ang paglalahad ng saloobin sa Facebook sa paggamit ng higit sa dalawang wika ay nagpapakita ng anong kakayahan ng isang tao?

a)

Monolingguwal

b)

Bilingguwal

c)

multilingguwal

d)

polyglot

26.

1.       Gamit ang iyong kaalaman sa teknolohiya, paano mo mapagyayaman at maipapakita ang pagmamahal mo sa ating wika?  

a)

Paglalahad ng mga kabatirang makatutulong sa pagpapa-unlad ng kaisipan

b)

Paggamit lamang ng wikangi ngles sa pagpapahayag ng kabatiran

c)

Pakikipagdebate sa mga usaping pangwika na walang basehan

d)

Lahat ng nabanggit

27.

1.       Ito ang gamit o tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali at kilos ng isang tao?

a)

  instrumental

b)

heuristiko

c)

personal

d)

regulatoryo

28.

1.       Anong gamit ng wika ang pahagay sa ibaba mula sa palabas sa telebisyon na “The thing Called Tadhana?”

MACE:  Gaano katagal bago mo siya nakalimutan?

ANTHONY:Matagal?

MACE:Gaano nga katagal? One year? Two? Three? Four? Five?

ANTHONY:Importante pa ba ‘yun? Ang mahalaga, nakalimutan.

a)

Instrumental 

b)

heuristiko   

c)

personal 

d)

regulatoryo

29.

1.       Ang mga sumusunod na pahayag ay halimbawa ng personal na gamit ng wika sa lipunan. Alin sa mga ito ang HINDI kasali sa grupo?

a)

“Naniniwala akong ang pandemyang ito ang sumubok sa ating pagkatao”

b)

“kunwari may kapangyarihan ako, liliparin ko ang buong mundo”

c)

“Naiinip na ako sa kaaantay ng sasakyan, mahuhuli na ako sa klase”

d)

“Sa aking pagkaunawa, ito ang nais iparating ng ating guro”

30.

1.       Alin sa mga sumusunod na halimbawang sitwasyon ang nagpapakita ng heuristikong gamit ng wika?

a)

“magpatianod sa alon ng buhay”

b)

“Ano ang esensya mo sa mundo?”

c)

“pasuyo naman ako ng tubig sa likod”

d)

“Huwag mong susubukan, masisira ang buhay mo”

31.

1.       “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika”. Ito ayayonsa    ”.

a)

Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV, Seksiyon 6

b)

Artikulo XIV, Seksiyon 3 NG Saligang Batas 1935

c)

Executive Order No.335

d)

Kautusang Tagapagpaganap Blg.134

32.

1.       Ipinahayag noong Disyembre 3, 1937, nakasaad sa batas na pinili ng Surian ng Wikang Pambansa na ang Tagalog ang magiging batayan ng wikang pambansa sa Pilipinas.

a)

Artikulo XIV, Seksiyon 3 NG Saligang Batas1935

b)

Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV, Seksiyon6

c)

Kautusang Tagapagpaganap Blg.134

d)

Executive Order No.335

33.

1.       Alin sa mga sumusunod na wika ang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pang-sekundarya?

a)

Ingles at Filipino

b)

Tagalog at Bisaya

c)

Maranao at Bisaya  

d)

Ingles at Tagalog

34.

1.       Batay sa mga sumusunod na nabuong pahayag, alin ang pinakamamabisang paraan ng pagpapakita at pagbabahagi ng kasaysan ng wikang pambansa sa inyong paaral?

a)

malikhaing gawain tulad ng gallery walk na nagpapakita ng kasaysayan ng wika

b)

pagbibigay ng babasahing material na naglalaman ng kasaysayan ng wika

c)

pagpaparinig ng recorded na boses na pumapaksa sa kasaysayan ng wika

d)

pag-uulat ng kasaysayan ng wika sa loob ng silid-aralan

35.

1.       Kung babalikan ang kasaysayan ng wikang pambansa, alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDInaging bunga ng pagkakaroon ng wikang pambansa?

a.

a.    l, at maging angekonomikal na

aspeto ng lipunan

c. 

d. mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipinoang mahikayat upang makisali

sa pakikipagtalastasan at mga transaksiyon sa loob ngating ekonomiya

a)

nagbibigay daan sa pagkakaisa ngmga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-

unlad ng iba’t ibang aspeto sa isangbansa

b)

naging isang malaking daan ng komunikasyonupang mapalago at

mapagbuti ang takbo ng politikal, sosyolohikal, at maging angekonomikal na

aspeto ng lipunan

c)

magiging matagumpay ang alinmang klase ng transaksiyon kung hindi tayo

     nagkakaintindihan at kung hindi tayogagamit ng iisa at sarili nating wika

d)

mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipinoang mahikayat upang makisali

sa pakikipagtalastasan at mga transaksiyon sa loob ngating ekonomiya

36.

Gamit ang hinuha nagagawa ng tao na mapaunlad ang kaniyang sarili. A                B                                         C                            D

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

37.

42.   Ayon sa mga sociolinguist malaki ang ugnayan ng wika at lipunan.

                                   A                                        B                C             D

a)

A

b)

B,D

c)

C

d)

WALANG MALI

38.

42.   Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang salita.

                 A                    B                C                                            D

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

39.

42.   Ang wika ay may sariling istruktura o balangkas na sinusunod.

           A                                      B                  C                    D

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

40.

1.       Alin sa mga sumusunod na halimbawang sitwasyon ang nagpapakita ng imahinatibong gamit ng wika?

a)

“magpatianod sa alon ng buhay”

b)

“Ano ang esensya mo sa mundo?”

c)

“pasuyo naman ako ng tubig sa likod”

d)

“Huwag mong susubukan, masisira ang buhay mo”