wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pokus ng Pandiwa

Total questions: 19

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang puting tuwalya ay ipinampahid niya sa kanyang mga braso.

Anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?

a)

layon/gol

b)

tagaganap/aktor

c)

gamit/instrumental

d)

sanhi/kusatib

2.

Si G. Ramirez ang nagtatag ng organisasyong ito.

Anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?

a)

tagaganap/aktor

b)

tagatanggap/ benepaktib

c)

ganapan/lokatib

d)

layon/gol

3.

Ang malaking basket ay pinagsidlan ng mga paninda.

a)

Pokus sa Tagaganap

b)

Pokus sa Layon

c)

Pokus sa Ganapan

d)

Pokus sa Kagamitan

4.

Ipinaghanda niya ng masarap na kakainin ang mga panauhin.

a)

Tagatanggap

b)

Aktor

c)

Sanhi

d)

Ganapan

5.

Pinagdarausan ng buwan-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.

a)

Tagatanggap

b)

Ganapan

c)

Layon

d)

Kagamitan

6.

Ang pera ay ipinambili niya ng kagamitan para sa kanilang eksibit.

a)

Sanhi

b)

Ganapan

c)

Tagatanggap

d)

Kagamitan

7.

Nililinis nila ang mga bakuran at daan.

a)

Layon

b)

Tagaganap

c)

Sanhi

d)

Kagamitan

8.

Alin ang paksa?

 

Itinago ni Layla ang gintong gunting ni Gusion sa ilalim ng lamesa.

a)

Itinago

b)

 Layla

c)

ang gintong gunting

d)

sa ilalim ng lamesa

9.

Ano ang pokus ng pandiwa?

 

Itinago ni Layla ang gintong gunting ni Gusion sa ilalim ng lamesa.

a)

Pokus sa Tagaganap

b)

Pokus sa Layon

c)

Pokus sa Sanhi

d)

Pokus sa Ganapan

10.

Pinag-ensayuhan ng magbabarkada ang bakanteng lote sa subdivision.

a)

Tagaganap

b)

Layon

c)

Ganapan

d)

Pinaglalaanan o Kalaanan

e)

Kagamitan

11.

Ipinagluluto rin siya lagi ng baon. Ano ang pokus ng pandiwa?

a)

pokus sa gol

b)

pokus sa pinaglalaanan

c)

pokus sa kagamitan

12.

Ang aklat ay sinagutan nila sa klase. Ano ang pokus ng pandiwa?

a)

pokus sa gol

b)

pokus sa pinaglalaanan

c)

pokus sa kagamitan

13.

Ang pangingibang bansa ng kanyang tatay ay ikinahina ng loob ni Mercy.

a)

pokus sa ganapan

b)

pokus sa pinaglalaanan

c)

pokus sa aktor

d)

pokus sa sanhi

14.

Si Chris ay kinantahan ni Raymond ng isang kundiman.

a)

pokus sa aktor

b)

pokus sa pinaglalaanan

c)

pokus sa layon

d)

pokus sa gamit

15.

Tukuyin ang paksa sa loob ng pangungusap:

Ang mga basang damit ay isasampay natin sa bakuran.

a)

ang mga basang damit

b)

isasampay

c)

natin

d)

sa bakuran

16.

Uri ng dula na ang pangunahing tauhan ay masasawi o hahantong sa kanyang kabiguan.

a)

Melo-drama

b)

Drama

c)

Komedya

d)

Trahedya

17.

Uri ng dula na nagdudulot na may kasiya-siyang wakas para sa pangunahing tauhan.

a)

Melo-drama

b)

Drama

c)

Komedya

d)

Trahedya

18.

Uri ng dula na nagdudulot ng kasiyahan o katatawanan

a)

Melo-drama

b)

Drama

c)

Komedya

d)

Trahedya

19.

Apelyido ni Juliet

a)

Motague

b)

Montague

c)

Capulet

d)

Capulette