wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGSUSURI NG PELIKULA

Total questions: 5

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Si Paulo Avelino ang gumanap bilang Gregorio na isang batang heneral sa pelikulang ‘Goyo’. Naging matagumpay ang kaniyang karakter na binigyang buhay sa pelikula dahil mahusay niyang nagampanan ang karakterisasyon ni Gregorio Del Pilar sa pamamagitan ng kaniyang aksyon, pananalita, at tapang na ipinakita sa pelikula. Ano ang pagsusuring tinutukoy mula sa pahayag?

a)

Buod ng Kuwento

b)

Pamagat

c)

Tauhan

d)

Paksa

2.

Ang mahalagang pahayag na tumatak sa aking isip ay, “Mga kapatid mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa sa mga Amerikano… Ang ating sarili”,  mula sa pelikulang Heneral Luna. Naiuugnay ko ito sa totoong buhay dahil kung minsan tayo ay nawawalan ng disiplina at nagkakasala. Makatotohanan ang pagbuo ng pahayag dahil naiuugnay ko ito sa realidad ng buhay bilang tao. Ano ang pagsusuring tinutukoy mula sa pahayag?

a)

Tauhan

b)

Kaisipang Iniwan

c)

Paksa o Tema

d)

Buod ng Kuwento

3.

Sa ganang akin, makatotohanan ang pelikulang ‘Dekada ‘70’ dahil naglalaman ito ng madidilim na kasaysayan ng Pilipinas. Tinalakay ng kuwento ang suliraning pampamilya at pampolitika, tulad na lamang ng korapsyon, kawalang katarungan, paglabag sa karapatang pantao, at laganap na krimen. Binigyang-solusyon ito sa pamamagitan ng rebolusyon ng mga tao. Naging makatotohanan ang manunulat ng akda sa kaniyang inilahad dahil hanggang sa ngayon ay nangyayari pa rin ang mga nasabing isyung panlipunan.  Ano ang pagsusuring tinutukoy mula sa pahayag?

a)

Buod ng Kuwento

b)

Kaisipang Iniwan

c)

Pamagat

d)

Pag-uugnay sa Buhay

4.

Ang pelikulang ‘Anak’ ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina at ang namayaning ideya na tumatak sa akin ay handang tanggapin ng ina ang kaniyang mga anak maging ano pa man ang kamaliang nagawa nito. Sa aking palagay, napapanahon ito dahil maraming mga kabataan ang nagrerebelde sa magulang. Ano ang pagsusuring tinutukoy mula sa pahayag?

a)

Paksa o Tema

b)

Kaisipang Iniwan

c)

Buod ng Kuwento

d)

Pamagat

5.

Naiiba ang pelikulang ‘Seven Sundays’ sa ibang mga pelikulang napanood ko dahil itinuturo nito ang halaga ng pamilyang masasandalan sa lahat ng oras. Sa pagtatapos ng pelikula ang aral na nakuha ko ay hindi matutumbasan ng kahit anong pera sa mundo ang halaga ng isang pamilya. Sa kabuoan, karapat-dapat panoorin ang pelikulang ito dahil nagbibigay ito importansya sa papel ng pamilya sa ating buhay. Ano ang pagsusuring tinutukoy mula sa pahayag?

a)

Paksa o Tema

b)

Kinapulutang Aral at Pananaw

c)

Pamagat

d)

Buod ng Kuwento