NEW
Font size
WorksheetsEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 Q1-WW #2
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9-QUARTER 1: Written Test No. 2
Coverage: Module 5,6,7, & 8
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang letra ng pinakamabuti at pinakatamang sagot.
1. Ano ang mangyayari sa isang lipunan kung walang pagkakaisa?
A. Magkakawatak-watak
B. Magbibigayan
C. Magkakasama
D. Magtutulungan
2. Ano ang magyayari sa isang baranggay na apektado ng lockdown ng halos isang buwan dahil sa paglaganap ng COVID-19 Pandemic kung walang tulong na matatanggap mula sa gobyerno?
A. maghihintay ang mga tao
B. maghahanapbuhay ang mga tao
C. magbibigayan ang mga tao
D. mag-aalsa ang mga tao
3. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasya?
A. ito ay ayon sa tama at mabuti
B. walang nasasaktan
C. makapagpapabuti sa tao
D. magdudulot ito ng kasiyahan
4. Paano mo masasabi na pinamamahalaan nang mahusay ang isang lipunan?
A. isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat
B. laging nangongolekta ng buwis
C. inuuna ang kapakanan ng mga tao
D. isinasantabi ang mga suliranin kinakaharap ng lipunan
5. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?
*
A. mamamayan
B. pinuno ng simbahan
C. pangulo
D. kabutihang panlahat
6. Anong katangian mayroon ang isang mahusay na pinuno?
A. nakagagawa ng mga batas
B. may higit na tiwala sa sarili
C. may angking talino at kakayahan
D. mapagkakatiwalaan ng pamayanan
7. Sa paanong paraan uunlad ang isang lipunan?
A. pagsisikap ng pangulo na umunlad ang lipunan
B. pagpupunyagi ng mga tao na makapaghanapbuhay
C. pagsisikap ng mga kasapi lamang na mapaunlad ang lipunan
D. pag-aambag ng talino at lakas ng bawat kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan
8. Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng komunidad?
A. bansa
B. paaralan
C. pamilya
D. simbahan
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi masasabing katuwang sa lipunan?
A. paaralan
B. bahay-aliwan
C. pamilya
D. simbahan
10. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
A. iba-iba ang ating kakayahan
B. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
C. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa
D. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
11. Bakit pinaiiral ng pamahalaan ang mga batas na dapat sundin ng mamamayan?
A. para magkaroon ng pagbabago sa lipunan
B. upang maisakatuparan ang iminungkahing batas
C. para maging alerto ang lahat
D. upang magkaroon ng sistema at kaayusan sa lipunan
12. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity sa loob ng lipunan?
A. pagkakaroon ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad
B. magkaroon ng kapayapaan
C. upang maging matiwasay ang pamamalakad
D. para maiwasan ang pagkawatak-watak
13. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
A. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
B. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.
C. Sa ganitong paraan natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
D. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
14. Aling gawain ang tumutukoy sa prinsipyo ng pagkakaisa?
A. 4Ps
B. pagbabayad ng buwis
C. pag-aaklas
D. bayanihan
15. Ano ang prinsipyo ng subsidiarity?
A. ang pagtulong sa paaralan
B. ang pagtulong ng pamahalaan sa pamayanan
C. ang pag kupkop sa mga dukha
D. ang pagpatayo ng mga private na gusali
