NEW
Font size
WorksheetsESP 9-Q1-WW #3
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
ESP 9 - QUARTER 1: Written Test No. 3
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang letra ng pinakamabuti at pinakatamang sagot.
1. Sa pagbabahagi o pagbibigay ng pangangailangan ng mamamayan ay mas mahusay ang pagiging patas kaysa pantay dahil,
A. mas isinaalang-alang ang ibibigay ayon sa kakayahan at pangangailangan ng bawat isa
B. pantay pantay ang tao kaya mamamayan ang magpapasya ng gusto nila
C. walang kakayahan ang tao magdesisyon para sa sarili
D. dapat lang na ang bawat mamamayan ay pare-pareho ang matatanggap ng bawat isa.
2. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng pareho para sa tao batay sa kaniyang kakayahan.
B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan.
C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan.
D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ang lahat.
3. Ito ang larawan ng bansang taglay ang maunlad at mabuting ekonomiya.
A. Ang mahirap ay hindi lalong naghihirap at ang mayaman ay hindi lalong yumayaman dahil lahat ay maunlad.
B. Matapat ang lider ng pamahalaan.
C. May mga manggagawa na nagtatrabaho.
D. Mga negosyante ay nagbabayad ng buwis at nagpapasahod ng tama sa mga manggagawa
4. Ito ang prinsipyo ng angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao.
A. kakayahan
B. yaman
C. ekonomiya
D. proportion o proportio
5. Kung ikaw ay negosyante, paano ka makakatulong sa ikabubuti ng ekonomiya ng bansa?
A. magbigay ng trabaho sa mamamayan at magbayad ng tamang buwis.
B. magbigay ng suhol sa mga lider upang aprubado ang negosyo
C. makipagtulungan sa pamahalaan upang lalong lumago ang negosyo
D. magtayo ng kumpanyang malaki ang kita upang lumago ang negosyo
6. Ano ang ipinahihiwatig ng katagang,
"ang tao ay pantay-pantay."
A. Pantay na pagkaloob ng yaman sa lahat ng tao, mahirap o mayaman.
B. Angkop na pagkaloob ng yaman sa bawat tao.
C. Angkop na pagkaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan
D. Pantay na pagkaloob ng yaman sa lahat ng nangangailangan
7. May community pantry sa inyong lugar, ano ang makatarungan gawin kaugnay dito?
A. Ipagsasabi sa aking kakilala upang magsipunta sila.
B. pipila para sa libreng ayuda
C. Hihingi ng sapat lamang sa pangangailangan at ang mayroon na sobra sa tahanan ay iaambag.
D. Kukuha ng lahat na kailangan na wala sa tahanan
8. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
B. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
C. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
D. Lahat ng nabanggit
9. Alin ang nagbibigay ng patas na pagtugon?
A. Pagbibigay ng ayuda sa lahat ng mamamayan sa isang baranggay.
B. Pagtulong sa mga mamamayan sa piling lugar.
C. Paglilingkod sa mga mayayaman.
D. Pagtuon ng tulong una sa mga higit na nangangailangan.
10. Ano ang kahulugan ng prinsipyo proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.
B. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
C. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.
D. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao.
11. Lahat ng tao ay malayang magnegosyo sa kahit sino basta ito ay legal, anong ibig sabihin?
A. Ang may pambayad ng lisensya ang pwedeng mag negosyo.
B. Bibigyan ng pamahalaan ng negosyo ang lahat ng tao.
C. Ang mayayaman lamang ang pwedeng magnegosyo.
D. Lahat ay may oportunidad at karapatang magnegosyo upang kumita.
12. Bakit mas maganda ang ekonomiya kung marami sa mamamayan ang nasa middle class o hindi mahirap hindi sobrang mayaman?
A. Hindi sila sobrang mayaman na abusado sa lipunan
B. Kukunti ang mayayaman na makakatulong sa mamamayan.
C. Walang manggugulo sa lipunan na mahihirap na mamamayan.
D. Marami ang may kakayahang buhayin ang sarili at makakatulong sa kapwa at pamahalaan.
13. Ano ang kahalagahan ng maunlad at magandang ekonomiya?
A. Ang lipunan ay magiging tahanan kung saan ang bawat isa ay maunlad at maginhawa ang buhay.
B. Makukuha ng tao ang kanilang gusto sa buhay.
C. Maraming makukuha na tulong ang mamamayan mula sa gobyerno.
D. Magiging kampante ang mga tao.
14. Alin ang angkop na salita na nagpapaunlad ang lahat na walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap?
A. mabuting ekonomiya
B. patas
C. pagbabudget
D. pagkakapantay-pantay
15. Alin ang nagpapakita ng pinakamabuting dulot ng maunlad at magandang ekonomiya?
A. may trabaho ang manggagawa
B. may mga gusali at pasilidad ang pamahalaan na naitatayo
C. maraming kumpanya, trabaho at manggagawa na nagbabayad ng tamang buwis at ito ay nagagamit ng tama sa pagtugon sa pangunahing pangangailangan
D. may mga negosyanteng may malalaking kumpanya kaya maraming mabigyan ng trabaho
