WorksheetsKomPan11: Mga Konseptong Pangwika (Pormatibong Pagsusulit)
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
1. Ayon kay Henry Gleason Jr., ang wika ay patuloy na nagbabago. May nalilikha, nahihiram, at naisasalin dahil ito ay ________.
arbitraryo
dinamiko
kasangkapan
2. Ayon kay Henry Gleason Jr., ang wika ay naglalarawan ng damdamin at saloobin ng mga tao mula sa isang komunidad dahil ito ay ________.
makapangyarihan
simboliko
ugaling panlipunan
3. Sa palabas na “Maria Clara at Ibarra” ng GMA, itinakda ng propesor ni Klay na gumawa siya ng papel ukol sa Noli Me Tangere para makabawi sa pagiging late, absent, at palatulog lagi sa klase upang hindi siya bumagsak at maunawaan ang halaga ng nobela. Aling tungkulin ng wika ang makikita sa paggabay sa asal ni Klay?
regulatori
personal
heuristiko
4. Nang ipagpilitan ni Klay na hindi mahalaga ang pag-aaral ng mga nobela ni Rizal, ipinadala siya ng kaniyang propesor sa mundo ng Noli Me Tangere. Nakiusap siyang maibalik na sa kaniyang buhay dahil kailangan siya ng kaniyang pamilya. Aling tungkulin ng wika ang makikita sa pakikiusap ni Klay?
interaksyonal
instrumental
impormatibo
5. Bahagi ng mga konsiderasyon na dapat maipakita sa pakikipag-ugnayan sa iba ay ang paksa (norms o social rules) sa pakikipag-usap. Alin ang HINDI kabilang sa dapat maipamalas?
pagsasaalang-alang ng kultura
pagiging sensitibo sa mga termino
magalang na tono
Lahat ay tama.
6. TAMA o MALI: Hindi maganda ang pagkakaroon ng linguistic interference (pagkakaiba sa tono o paggamit ng mga salita) sa ating bansa.
Tama
Mali
7. Napag-iiba ang wika at dayalek dahil sa konseptong mutual intelligibility. Kung magkausap ang dalawang Tagalog, isang mula sa Batangas at isang mula sa Bulacan, sila ba ay magkakaunawaan?
Opo dahil sila ay mutually intelligible.
Hindi po dahil hindi sila mutually intelligible.
8. Ang rehistro (register) o estilo ay ayon sa pormalidad at pagharap sa iba’t ibang situwasyon gamit ang wika. Kung ikaw ay nakikipanayam, posible ba ang pagbabago o shift mula sa isang rehistro tungo sa isa pa? Halimbawa: consultative register -> casual register
Opo.
Hindi po.
9. Sa isang komunidad pangwika o speech community, nakabubuo ng pinagkakasunduang paraan ng paggamit ng wika o pakikipagkomunikasyon ayon sa kalagayang panlipunan nila. Anong varyasyon ng wika ang nabubuo?
heograpikal
sosyolohikal
10. TAMA o MALI: Upang maunawaan ang paggamit ng wika ng isang komunidad, mahalagang tuklasin ang kanilang mga karanasan at kulturang kinagisnan.
Tama
Mali
