NEW
Font size
WorksheetsFilipino Values Month-Quiz Bowl
Total questions: 22
Worksheet time: 4mins
1. Ang kinakailangan upang mapaunlad ang sariling pagkatao ay ang ___________.
A. kakayahan
B. kapamilya
C. pag-aaral
D. magulang at paaralan
2. Ayon kay Max Scheler, bahagi na ng tao ang pagkakaroon ng_______.
A. yaman at talino
B. yaman at talento
C. lakas at kahinaan
D. lakas at kakayahan
3. Ano ang kahulugan ng trabaho sa salitang Filipino?
A. hanapbuhay
B. kapit-bisig
C. paggawa
D. bokasyon
4. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod nkaranasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
A. mag-isip
B. maghusga
C. makaunawa
D. mangatwiran
5. Ang ibig sabihin ng pahayag na ito ay "ang tao ay nakabubuo ng kahulugan at kabuluhan ng bagay".
A. pagmamahal
B. kinahihinatnan
C. panlabas na pandama
D. man is a meaning maker
6. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
A. Kakayahang mag-abstraksiyon
B. Kamalayan sa sarili
C. Pagmamalasakit
D. Pagmamahal
7. Ang tao ay nilikha ayon sa kawangis ng Diyos kaya’t tinawang na kaniyang ___________.
A. ens amans
B. obra maestra
C. Ester Esteban
D. Fr. Roque Ferriols
8. Ito ang kakayahang ginagamit upang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan.
A. instinct
B. makaunawa
C. memorya
D. pandama
9. Ayon kay Esteban, ang isang pamilya ay isang munting __________.
A. bahay
B. lipunan
C. palaruan
D. parke
10. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba't-ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyong ito ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A. Barangay
B. Paaralan
C. Pamilya
D. Pamahalaan
11. Ang diyalogo ay nagsisimula sa sining ng __________.
A. pakikinig
B. pakikipagkapwa
C. pakikipagtalo
D. pakikipag-usap
12. Ano ang magagawa mo upang mapabuti ang iyong kakayahan?
A. madaling pagkatuto
B. gumawa ng kabutihan
C. magdasal araw-araw
D. madalas na pagsasanay
13. Paano malilinang ang inaasahang kakayahan at kilos?
A. ibahagi
B. ipagmalaki
C. ipakita sa pamilya
D. paunlarin at ibahagi
14. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay?
A. Iiisa ang mithiin ng tao
B. Siya ay dapat may pag-aari
C. Lahat ng tao ay likha ng Diyos
D. Lahat ng tao ay nakatira sa lupa
15. Masasabing patas ang media kung ________.
A. merong pinapanigan
B. isiniwalat ang katotohanan
C. ipinakita ang dalawang panig ng isyu
D. puro magagandang balita lang ang ipinapapakita
16. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit hindi naisakatuparan ng magulang ang pagbibigay edukasyon sa kanilang anak?
A. Bisyo
B. Masisipag na magulang
C. Kahirapan
D. Maraming anak
17. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng mga sumusunod na pagpapahalaga MALIBAN sa __________
A. katarungan
B. pagmamahal
C. pagtanggap
D. pagtitimpi
18. Batay sa kuwento ni David at Goliath, ano ang naging dahilan sa pagtatagumpay ni David na matalo ang higanteng si Goliath?
A. kakayahan at tiwala sa sarili
B. kagitingan
C. mapagmahal na hari
D. mabuting pastol
19. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
A. pagkakaroon ng maraming anak
B. pagsunod sa mga patakaran sa pamilya
C. pinagbuklod ng kasal ang mga magulang
D. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
20. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng lipunang sibil?
A. Upang matulungan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
B. Dahil mahalagang ibahagi ang yaman ng mga mamamayan.
C. Pahalagahan ang pagtulong sa iba.
D. Dahil di natin matulungan ang lahat.
21. Ang kahulugan ng kabutihang panlahat ay kabutihan para sa _________.
A. lahat ng tao
B. mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. mga indibidwal na kasapi sa lipunan
D. komunidad na nararapat bumalik sa lahat ng kasapi nito
22. Ang dapat na maging tunguhin ng isip ng taong nagpapakatao ay ang _____________________.
A. pagmamahal
B. pagtuklas ng katotohanan
C. pagpapalawak ng imahinasyon
D. pag-iwas ng kasamaan
