NEW
Font size
WorksheetsAP10_4TH QTR_ST1_REVIEWER
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Kailan tinatayang nagsimula ang konsepto ng isang mamamayan?
Panahon ng mga Amerikano
Panahon ng mga Griyego
Panahon ng mga Romano
Ayon kay Murray (1981), ang pagkamamamayan ay ugnayan ng indibidwal at estadna ginagawaran ng karapatan at tungkulin. Bakit mahalaga na magampanan ng isang mamamayan ang kanyang tungkulin sa estado?
Dahil magdudulot ito ng kaunlaran at kasiyahan sa iba pang miyembro ng estado
Dahil ito ang nararapat gawin ng isang mamamayan na may malasakit at pagmamahal sa kanyang kapwa at bansa
Dahil nararapat na tumulong ang mamamayan sa pagpapatupad ng adhikain ng estado kapalit ng mga tinatamasang sahod mula rito.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na mamamayan ng Pilipinas alinsunod sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng 1987?
Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
Yaong ang kapanganakan ay sa ibang bansa at parehong Pilipino ang magulang
Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas ng 1987
Alin sa mga sumusunod ang maaring HINDI makapagpawala ng iyong pagkamamamayanayon sa batas?
Wala nang bisa ang naturalisasyon
Tumatangkilik sa kultura ng ibang bansa tulad ng wika, pananamit at pagkain
Panunumpa sa katapatan ng Saligang Batas ng ibang bansa
Ang pagiging mamamayan sa sinaunang Gresya ay limitado lamang sa mga kalalakihan. Bakit sila lang ang maituturing na mamamayan sa kanilang estado?
Sapagkat sila ang humahawak ng iba’t-ibang tungkulin sa estado tulad ng administrador,husgado,sundalo o politiko
Sapagkat sila ay may malalakas na pangangatawan na kinakailangan sa pagpapatakbo ng kanilang estado
Sapagkat sila ang kinikilalang first class citizen ng kanilang estado.
Si Ronamei ay isinilang dito sa ating bansa. Siya ay anak nina Pia na isang Filipina at Jeremy na isang Italyano at dito na rin nila napiling manirahan. Kung pagbabatayan ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan, anong prinsipyo ang dapat sundin upang matukoy ang kanyang pagkamamamayan?
Jus Sanguinis, dahil ang kanyang ina ay nakapangasawa ng isang banyaga
Jus Sanguinis, dahil ang isa sa kaniyang mga magulang ay isang Pilipino
Jus Soli, dahil ang kanyang ama ay dito na rin tumira
Sa lumalawak na pananaw tungkol sa pagkamamamayan, maituturing ang isang indibidwal na mamamayan ng estado ayon sa mga sumusunod MALIBAN sa...
Nangunguna sa pagtuligsa sa pamahalaan gamit ang social media kapag may ayaw na patakarang ipinatutupad
Iginigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan.
Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin.
Ayon kay Yeban (2004), ang isang mabuting mamamayan ay dapat Makabayan. Paano mo maipapakita ang pagiging isang Makabayan?
Mag-aaral nang mabuti upang makakuha ng trabaho sa ibayong dagat at makapagpadala ng malaking pera sa pamilya
Sasali sa mga rally ng mga civil groups upang tuligsain ang mga panukala ng pamahalaan na hindi tugma sa iyong ipinaglalaban
Susunod sa mga batas trapiko, magbabayad ng buwis at ipagtatanggol ang kasarinlan ng ating bansa
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng isang mabuting mamamayan?
May disiplina sa sarili
May kritikal at malikhaing pag-iisip
May pagtatangi sa ibang lahi
Maliban sa legal na basehan, bakit mahalaga na ikonsidera ang konsepto ng lumalawak na pananaw tungkol sa pagkamamamayan?
Maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan
Maituturing itong makabagong paraan ng pagtanggap sa mga indibidwal na nagmula sa ibang bansa
Humihikayat ito sa ibang lahi na talikdan ang nakamulatang pagkamamamayan
Ayon kay Alexander Lacson, may labingdalawang gawain para makatulong sa bansa. Isa na rito ang positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa. Paano mo ito magagawa bilang isang milenyal?
Gumawa ng mga travel vlog tungol sa mga magagandang lugar sa ating bansa
Unahing tangkilikin ang gawang Pinoy at ipakita ang magagandang ugali ng mga Pilipino gamit ang social media
Gumawa ng video na nagpapakita ng ating mga kaugaliang mga Pilipino, kasyasayan, programa ng pamahalaan at mga magagandang tanawin dito sa ating bansa
Bilang isang mamamayan, paano ka makakatulong sa pagkamit ng pangkalahatang kabutihan at pag-unlad?
Sasali sa mga piling programa ng aming barangay tulad ng clean-up drive kapag malapit na ang eleksiyon
Tatanggap ng pera sa mga kandidato sa araw ng halalan
Magbabayad ng tamang buwis ayon sa itinakda ng batas
Ano ang tawag sa lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin na limitado lamang sa kalalakihan sa sinaunang Gresya?
Polis
Pamahalaan
Gobyerno
Ano ang ibig sabihin ng katutubong inianak na mamamayan ng Pilipinas ayon sa Article 4 sec. 2 ng Saligang Batas ng 1987?
Yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino
Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito
Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
Si Benjamin ay anak ng mag-asawang Pilipino at siya ay ipinanganak sa Amerika kaya ang kanyang pagkamamamayan ay Amerikano. Anong prinsipyo ang sinunod sa kanyang pagkamamamayan?
Jus Soli
Jus Sanguinis
Alin sa mga sumusunod ang HINDI batayan upang maigawad ang naturalisasyon ng isang banyaga?
Sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas
Marunong magsalita ng wikang Filipino/Tagalog
May asawang Filipino
Sa anong artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas nakasaad ang Katipunan ng mga karapatan o Bill of Rights ng mga mamamayan?
Artrikulo 1
Artrikulo 2
Artrikulo 3
Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang mamamayang Pilipino na nakasaad sa Bill of Rights ng Saligang Batas, MALIBAN sa_____.
Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng isang relihiyon
Hindi dapat pahintulutan ang piyansa (bail) sa sinumang gumawa ng labag sa batas.
Hindi dapat pagbawalan ang kalayaan sa paninirahan.
Noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas ay pinasara ang ilang mga istasyon ng radyo at telebisyon. Tanging mga mabubuting balita lamang tungkol sa pamahalaan ang pinapayagang ipalabas. Anong karapatan ang pinagkait sa mga mamamayan noon sa sitwasyong ito?
Karapatan sa malayang pamamahayag
Kaparapatan sa patas na paglilitis
Karapatan sa pagbuo ng unyon
Ano ang kahalagahan ng pagbuo sa Universal Declaration of Human Rights sa mga bansa?
Ito ang naging sandigan ng mga bansa upang panatilihin ang kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao.
Ito ang nagsilbing pamantayan sa pagpaparusa sa mga taong lumalabag sa karapatang pantao.
Ito ang nagbigay daan sa pagbuo ng mga karapatan ng bawat indibidwal sa aspetong sibil at politikal.
Ano ang magiging epekto kung maisasakatuparan ang lahat ng nakapaloob sa Universal Declaration of Human Rights?
Maisasakatuparan ng bawat isa ang lahat ng kanilang mithiin sa buhay.
Magkakaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay para sa nakakatamasa nito.
Magkakaroon ng paggalang sa bawat tao at tunay na kapayapaan sa lahat.
Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay. Anong uri ng karapatan ito?
Constitutional
Statutory
Natural
Bakit mahalagang alam mo ang iyong mga karapatan bilang bata?
Upang matiyak na makakamit ko ang aking mga kagustuhan at pangangailangan
Upang maging gabay ito sa landas na tatahakin ko sa buhay.
Upang matamasa at maitaguyod ko ang aking mga karapatan.
Ang sumusunod ay mga pangunahing programa ng Commission on Human Rights upang mabigyang proteksyon ang karapatang pantao ng mga Pilipino, MALIBAN sa?
Pagsasagawa ng mga forensic at medico-legal services
Pagbibigay ng tulong at serbisyong legal sa biktima
Pagbibigay ng pinansyal na tulong upang umusad ang kaso ng biktima.
Tinanggap ng UN General Assembly ang Universal Declaration of Human Rights noong 1948. Ano ang nilalaman nito?
Ito ay dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
Ito ay naglalaman ng mga karapatan tulad ng hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan.
Ito ay katipunan ng mga karapatan ng tao sa aspetong sibil, political at ekonomiko.
