Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Midterm Examination - Fil 1

Total questions: 25

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Habang naglalakad si Emma sa isang mataong kalsada, narinig niya ang mga salitang “Excuse me po!” ni Mike Enriquez at “Hoy Gising!” ni Ted Failon. Sa anong barayti ng wika nakapaloob ang mga salitang ito?

a)

Idyolek

b)

Sosyalek

c)

Dayalek

d)

Ekolek

2.

Sa isang pagtitipon, nag-usap si Abigail at Aria tungkol sa mga salitang “Forda Person at Estetik”. Alin sa mga sumusunod na barayti ng wika ang kanilang pinag-uusapan?

a)

Idyolek

b)

Sosyalek

c)

Dayalek

d)

Ekolek

3.

Habang nag-uusap sina Mason at Daniel, sinabi ni Mason, “Mailiwak unay kenka.” na nangangahulugang “I miss you” sa Ilokano. Sa anong barayti ng wika nakapaloob ang salitang ito?

a)

Idyolek

b)

Sosyalek

c)

Dayalek

d)

Ekolek

4.

Si Michael ay nagtatalumpati sa harap ng maraming tao upang kumbinsihin ang mga ito na siya ay iboto bilang Punong lungsod ng Pateros.  Sa anong antas ng komunikasyon ito kabilang?

a)

Komunikasyong Interpersonal

b)

Komunikasyong Intrapersonal

c)

Komunikasyong Pampubliko

5.

Si Sophia ay nagtatanong sa kanyang isipan bakit niya nagawa ang mga maling desisyon sa buhay niya. Sa anong antas ng komunikasyon ito kabilang?

a)

Komunikasyong Interpersonal

b)

Komunikasyong Intrapersonal

c)

Komunikasyong Pampubliko

6.

Si Micha ay nakikipag-usap sa kanyang nakaalitan na kaibigan na si Anika dahil nais niya na magkasundo na muli sila at maibalik ang lahat sa dati. Sa anong antas ng komunikasyon ito kabilang?

a)

Komunikasyong Interpersonal

b)

Komunikasyong Intrapersonal

c)

Komunikasyong Pampubliko

7.

Naimbitahan si John na magsalita sa isang malaking grupo ng tao at napansin niyang negatibo ang kanilang reaksyon ukol sa kanyang sinabi. Sa anong proseso ng komunikasyon nakapaloob ang reaksyon ng mga tagapakinig kay John.

a)

Fidbak/Tugon

b)

Mensahe

c)

Midyum/Tsanel

d)

Tagatanggap/Resiber

8.

Gumamit ng telegrama si Kryzel upang ipadala ang kanyang mensahe sa kanyang kasintahan na si Liam na nasa probinsya at ilang buwan ng walang paramdam sa kanya. Sa anong proseso ng komunikasyon nakapaloob ang instrumentong ginamit para maipadala ang mensahe

a)

Fidbak/Tugon

b)

Mensahe

c)

Midyum/Tsanel

d)

Tagatanggap/Resiber

9.

Bakit Tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” si Manuel L. QUEZON?

a)

Dahil siya ang nagsuri ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.

b)

Dahil siya ang nagsulong ng pagkakaroon ng isang pambansang wika para sa buong Pilipinas.

c)

Sa kadahilanan na kanyang itinaguyod ang paggamit ng iba’t ibang dayalekto sa ating bansa.

d)

Siya ay bumuo ng iba’t ibang uri ng wika na ginamit ng mga tao sa Pilipinas.

10.

Isang araw, nagtipun-tipon ang mga estudyante sa isang paaralan sa Pilipinas upang talakayin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Wikang Pambansa. Sa kanilang talakayan, napag-usapan nila kung bakit ito mahalaga sa kanilang bansa.

a)

Upang makasabay sa pag-unlad ng iba’t ibang bansa

b)

Ito ang instrumento upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkainitindihan.

c)

Upang hindi na gamitin ang iba’t ibang dayalekto na mayroon ang Pilipinas

d)

Upang magkaroon ng isang maayos na lipunan at ekonomiya.

11.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa Surian ng Wikang Pambansa na itinatag ni Elijah upang pag-aralan at paunlarin ang Wikang Pambansa?

a)

Ang Surian ng Wikang Pambansa ay naitatag upang pag-aralan at paunlarin ang Wikang Pambansa.

b)

     Ang Surian ng Wikang Pambansa ay naglalayong mapatatag ang paggamit ng iba’t ibang dayalekto na meron ang Pilipinas.

c)

Ang Surian ng Wikang Pambansa ay naitatag upang pagtibayin ang dayalektong tagalog.

d)

Ang Surian ng Wikang Pambansa ay naglalayong maipakita ang kahalagahan ng paggamit ng iba’t ibang antas ng wika.

12.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katangian ng isang wika.

a)

Ang wika ay buhay, dinamiko at patuloy na nagbabago kaalinsabay ng panahon.

b)

  Ang wika ay paiba-iba batay sa lugar ng pinagmulan

c)

Ang wika ay nawawala at naglalaho

d)

A.     Ang wika ay batay sa mga kathang isip at naisasatitik na mga salita ng mga manunulat.

13.

Hinaplos ni Isabel ang likod ni Michael upang mapakalma sa pag-iyak dulot ng pangungulilang nararamdaman n sa pagkamatay ng magulang nito.

a)

Pandama o Panghawak

b)

Proksemika

14.

Si Benjamin ay masaya kung siya ay nakangiti, ngunit malungkot kung siya ay umiiyak.

a)

Kinesika

b)

Pandama o Panghawak

15.

Kumumpas ang Pulis upang pahintuin ang mga dumadaan na mga sasakyan.

a)

Kinesika

b)

Krosemika

16.

Nagdiriwang si Mark ng kanyang Ika-23 taong kaarawan kaya naman kanyang naisipan na magsuot ng pulang T-shirt.

a)

Simbolo

b)

Kulay

17.

Ang dalawang magkaibigan na si Rizalito at Dynise ay naupo sa magkabilang dulo ng mesa sa hapag-kainan

a)

Proksemika

b)

Krosemika

18.

Isipin mo na si Grace ay nakatira sa isang barangay kung saan ang mga tao ay may iba't ibang wika. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng wika sa kanilang komunidad?

a)

Ang wika ay hindi mahalaga sa pagbuo ng kultura.

b)

Ang wika ay isang koleksyon ng mga salita na walang kabuluhan.

c)

Ang wika ay nag-uugnay sa mga tao at nagiging daan sa pagkakaintindihan.

d)

Ang wika ay ginagamit lamang sa paaralan.

19.

Sa anong paraan nakakatulong ang wika sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng isang lahi?

a)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tradisyon at kwento na naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa iba.

b)

Ang wika ay hindi nakakaapekto sa pagkakakilanlan ng lahi.

c)

Ang wika ay ginagamit lamang sa pakikipag-usap.

d)

Ang wika ay nagiging hadlang sa pagkakaintindihan.

20.

Sa isang bayan, may dalawang grupo ng mga tao na gumagamit ng iba't ibang dayalekto. Si Daniel ay nakatira sa hilagang bahagi ng bayan at gumagamit ng isang dayalekto na naiiba sa ginagamit ni Anika na nakatira sa timog. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pagkakaiba ng dayalekto at wika?

a)

Ang dayalekto ay mas mataas kaysa sa wika.

b)

Ang dayalekto ay hindi ginagamit sa pang-araw-araw na buhay.

c)

Ang dayalekto ay isang anyo ng wika na ginagamit sa isang partikular na lugar.

d)

Ang dayalekto ay hindi nagbabago habang ang wika ay nagbabago.

21.

Isipin mo na si Maya at si Noah ay nagkakaroon ng pag-uusap sa isang kainan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epekto ng wika sa pakikipag-ugnayan ng mga tao?

a)

Ang wika ay ginagamit lamang sa mga pormal na sitwasyon.

b)

Ang wika ay hindi mahalaga sa pakikipag-ugnayan.

c)

Ang wika ay nag-uugnay sa mga tao at nagiging daan sa pagkakaintindihan.

d)

Ang wika ay nagiging hadlang sa komunikasyon.

22.

Sa isang silid-aralan, si Ginoong Santos ay nagtuturo ng matematika sa kanyang mga estudyante. Habang siya ay nag-eeksplika ng mga konsepto, nakikipag-usap siya sa mga estudyante at tinatanong ang kanilang mga opinyon at sagot. Anong antas ng komunikasyon ang nagaganap sa sitwasyong ito?

a)

Komunikasyong Interpersonal

b)

Komunikasyong Pampubliko

c)

Komunikasyong Intrapersonal

23.

Isipin mo si Maya na nakatira sa isang bayan sa Pilipinas. Napansin niya na may iba't ibang dayalekto ang mga tao sa kanyang paligid. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga dayalekto sa isang bansa?

a)

Upang mapanatili ang pagkakaiba-iba ng kultura at tradisyon.

b)

Ang mga dayalekto ay hindi mahalaga sa lipunan.

c)

Upang mas madaling maunawaan ng lahat ang iisang wika.

d)

Upang magkaroon ng isang unipormeng wika sa buong bansa.

24.

Sa isang seminar, tinalakay ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng isang pambansang wika. Ano ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang pambansang wika sa Pilipinas?

a)

Upang maiwasan ang paggamit ng mga banyagang wika.

b)

Upang mas madaling makipag-ugnayan ang mga tao sa iba't ibang rehiyon.

c)

Upang magkaroon ng mas maraming dayalekto sa bansa.

d)

Upang mapanatili ang pagkakaiba-iba ng mga wika sa bansa.

25.

Isipin mo na si Leo ay nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan sa isang kainan. Paano nakakatulong ang wika sa kanilang pakikipag-ugnayan?

a)

Ang wika ay hindi mahalaga sa kanilang samahan.

b)

Ang wika ay ginagamit lamang sa pormal na sitwasyon.

c)

Ang wika ay nag-uugnay sa kanila at nagpapadali ng kanilang komunikasyon.

d)

Ang wika ay nagiging hadlang sa kanilang pag-uusap.