wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Noli me Tangere

Total questions: 51

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?

(a)  

2.

Sino ang pangunahing tauhan ng Noli Me Tangere?

a)

Maria Clara

b)

Padre Damaso

c)

Don Rafael Ibarra

d)

Don Crisostomo Ibarra

3.

Ano ang ipinapahiwatig ng helmet ng gwardiya sibil sa pabalat ng nobela?

a)

kawalan ng kalayaan

b)

kasawian

c)

kapangyarihan

d)

kamangmangan

4.

Anong puno ang nakalagay sa kanang bahagi ng pabalat ng nobela?

a)

niyog

b)

kawayan

c)

bayabas

d)

ipil-ipil

5.

Kaninong paa ang nakalagay sa pabalat ng nobela?

a)

Jose Rizal

b)

Ibarra

c)

Maria Clara

d)

Prayle

6.

Sino ang ina ni Maria Clara?

a)

Donya Consolacion

b)

Donya Victorina

c)

Donya Pia Alba de los Santos

d)

Tiya Isabel

7.

Sino ang tunay na ama ni Maria Clara?

a)

Kapitan Tiyago

b)

Kapitan Pablo

c)

Padre Salvi

d)

Padre Damaso

8.

Mamamatay ba si Ibarra ?

a)

Oo dahil nawalan na siya nang malay nang matagpuan ni Basilio

b)

Hindi dahil babalik siya bilang si Simoun

9.

Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:

a)

pampulitika

b)

panrelihiyon

c)

panlipunan

d)

pampamilya

10.

Kaninong bahay gaganapin ang malaking pagtitipon sa Kalye ng Anluwage?

a)

Kapitan Tinong

b)

Kapitan Basilio

c)

Kapitan Tiago

11.

Kilala si Kapitan Tiago bilang matulungin sa mga mahihirap.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Mabilis na kumalat ang balita ng pagtitipon sa maraming distrito ng Maynila hanggang sa loob ng Intramuros.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Ano ang pangalan ng pinsan ni Kapitan Tiago na tumatanggap ng mga bisita?

a)

Tiya Isabel

b)

Tiya Palasya

c)

Tiya Maria

14.

Puno ng mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiago.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Sino ang binata na bumisita sa bahay ng Kapitan na interesado sa kaugalian ng mga katutubong Pilipino?

a)

Linares

b)

Crisostomo Ibarra

c)

Basilio

16.

Sino ang paring mahilig manlait at nagulat sa pagdating ng binata?

a)

Padre SAlvi

b)

PAdre Damaso

c)

Padre Sibyla

17.

Nagkaroon ng kanya kanyang pagpapahayag na nagresulta sa mainit na sagutan sa pagitan ng mga panauhin laban kay Padre Damaso.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

Walang karapatan ang Kapitan Heneral sa pagpaparusa dahil hindi ito ang kinatawan ng hari ng bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Pinalipat si Padre Damaso sa ibang lugar dahil pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagkamalang isang erehe dahil sa hindi nito pagkumpisal.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Umikot ang nobela sa buhay ni Crisostomo Ibarra, isang binatang nag-aral ng ________ taon sa Europa.

a)

siyam

b)

pito

c)

labintatlo

d)

sampu

21.

Ang nagtapat ng totoong nangyari sa pagkamatay ng ama ni Crisostomo Ibarra na si Don Rafael

a)

Pilosopo Tasyo

b)

Padre Salvi

c)

Kapitan Tiyago

d)

Tinyente Guevarra

22.

Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito, ngunit dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin ang bangkay kung kaya’t itinapon nalang ito sa _________.

a)

lawa

b)

ilog

c)

libingan ng mga Intsik

d)

kalye

23.

Sa halip na maghiganti sa mga maghiganti sa mga taong nagpahirap sa ama, ano ang ginawa ni Crisostomo Ibarra?

a)

Tumulong kina Basilio at Crispin

b)

Nagpakasal kay Maria Clara

c)

Nagpatayo ng paaralan

d)

Nag-aral sa pagkaabogado

24.

Ang tauhang hiningian ng payo ni Crisostomo Ibarra sa pagpapatayo ng paaaralan na dati rin niyang pangarap noong siya'y binata pa.

a)

Padre Sibyla

b)

Kapitan Tiyago

c)

Elias

d)

Pilosopo Tasyo

25.

Habang nagbabasbas sa ipapatayong paaaralan, muntik ng patayin ng Taong Madilaw si Ibarra ngunit iniligtas siya ni ________.

a)

Elias

b)

Tarsilo

c)

Tenyente Guevarra

d)

Maria Clara

26.

Muntik nang saksakin ni Ibarra ng kutsilyo sa pananghalian ng pagbabasbas kaya't hinatulan siya ng ________.

a)

erehe

b)

pilibustero

c)

ekskomulgado

d)

Vae Victus

27.

Sa halip na ipakasal kay Ibarra, si Maria Clara ay ipinagkasundo kay _______.

a)

Alfonso Linares

b)

Agapito Linares

c)

Manuel Linares

d)

Ismael Linares

28.

Tatlong bagay ang dahilan ng pagpaparatang kay Ibarra, ang ekskomunikado, ang pamumuno sa panununog sa kwartel ng gwardiya sibil at ________.

a)

ang pakikipagsabwatan niya kay Elias

b)

liham ni Maria Clara

c)

ang pagpapatayo ng paaralan

d)

ang kasal nina Linares at Maria Clara

29.

Tutol sa pagpapakasal nina Maria Clara at Ibarra si Padre Damaso dahil _________.

a)

si Linares ay dugong Kastila

b)

ang padre ang tunay na ama ni Maria Clara

c)

sa pagbibintang sa kanyang ekskomunikado

d)

mahigpit na kaaway ni Padre Damaso si Don Rafael

30.

Sa pag-aakalang patay na si Ibarra, pinapili ni Maria Clara ang kanyang ama kung kumbento ba o ________.

a)

kamatayan

b)

tumiwalag sa simbahan

c)

pagpunta sa Espanya

d)

pag-anib sa mga tulisan

31.

Ang huling nagsalita sa nobela ng Noli Me Tangere.

"Ako'y mamamatay na hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang liwayway sa aking bayan. Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi."

a)

Maria Clara

b)

Ibarra

c)

Basilio

d)

Elias

32.

Siya ang sumisimbolo sa ideal na babae ni Rizal. Kinikilalang anak ni Kapitan Tiyago kay Pia Alba na nagpakasakit dahil sa karahasang naranasan ng kasintahan.

a)

Doña Concolacion

b)

Sisa

c)

Doña Victorina

d)

Maria Clara

33.

Ang sawimpalad na ito ay biyograpikal na representasyon sa aktibong si Rizal. Namundok at naging tulisan para ipaglaban sa karapatan ng mga naaapi.

a)

Crisostomo

b)

Bruno

c)

Elias

d)

Tarsilo

34.

Ang maganda at mahinhing anak ni Kapitan Tiyago.

a)

Sinang

b)

Victoria

c)

Maria Clara

35.

Ang binatang nag-aral sa Europa, nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego.

a)

Crisostomo

b)

Linares

c)

Elias

36.

Ang batang napagbintangang nagnakaw ng sa simbahan

a)

Basilio

b)

Crispin

c)

Delfin

37.

Ang babaeng tumayong pangalawang ina ni Maria Clara

a)

Donya Pia

b)

Tiya Isabel

c)

Hermana Penchang

38.

1. Sino sa mga tauhan sa Noli Me Tangere ang naghanda ng isang salusalo sa kanyang tahanan?

a)

Tiya Isabel

b)

Kapitan Tiago

c)

Crisostomo

d)

Tinyente Guevarra

39.

Ang Noli Me Tangere ay pahayag na Latin na ang katumbas sa wikang Ingles ay _______.

a)

Touch Me Not

b)

Don't Touch Me

c)

The Reign of The Greed

d)

The Social Cancer

40.

Paano naging mabisa ang Noli Me Tangere sa mambabasa?

a)

Iminulat niya ang kamalayang panlipunan ng mga tao.

b)

Nagkaroon tayo ng kaalaman sa kasaysayan

c)

Tinuruan niya ang tao na maghimagsik.

d)

Ipinakita niya ang kanyang kagalingan sa pagsulat.

41.

Ama ni Crisostomo Ibarra na pinaratangan, kinulong, namaltrato at inilibing at ipinalipat ang bangkay sa Libingan ng mga Intsik ngunit hinulog na lamang sa lawa dahil sa malakas na pag-ulan.

a)

Don Rafael

b)

Don Saturnino

c)

Elias

d)

Taong Madilaw

42.

Lumapit kay Ibarra sa simbahan at siya’y pinayuhang iwasang mapalapit sa batong ihuhugos.

a)

Crispin

b)

Basilio

c)

Elias

d)

Sinang

43.

Ang taong namatay dahil sa pagguho ng panghugos o malaking bato

a)

Indio

b)

Alperes

c)

Tulisan

d)

Gwardiya Sibil

44.

"Kailangan mong mag-ingat para sa kapakanan ng bayan"


Sino ang taong nagsabi nito kay Ibarra?

a)

Tiyago

b)

Padre Salvi

c)

Elias

d)

Pedro

45.

Hindi nakapagpigil ng sarili nang paringgan tungkol sa kanyang ama.

a)

Kapitan Tiyago

b)

Basilio

c)

Alperes

d)

Crisostomo Ibarra

46.

Ayon sa kanya, dapat sirain ang kasunduang pagpapakasal ni Maria Clara kay Crisostomo.

a)

Padre Salvi

b)

Padre Damaso

c)

Padre Irene

d)

Padre Sibyla

47.

Talagang malaki ang paghanga kaya’t natigilan nang marinig ang pag-awit ni Maria sa prusisyon.

a)

Paulita Gomez

b)

Maria Clara

c)

Donya Pia

d)

Donya Victorina

48.

Sa tingin niya'y maganda, kaakit-akit at magandang manamit ang pagkakakilala sakanyang sarili.

a)

Donya Sinang

b)

Donya Victorina

c)

Donya Consolacion

d)

Donya Pia

49.

Ano ang hanapbuhay ni Donya Consolacion bago niya napangasawa ang alperes?

a)

Mangingisda

b)

Mangagamot

c)

Magsasaka

d)

Labandera

50.

Ano ang ginamit na pamalo ni Donya Consolacion kay Sisa?

a)

Latigo

b)

Kawayan

c)

Sanga ng Kahoy

d)

Sandata

51.

Ipinatawag ng heneral ang mga Prayle. Dahil dito, sinabi ng mga ito na pinatawan nila ng parusang____________________ si Ibarra.

a)

magnanakaw

b)

erehe

c)

pilibustero

d)

sinungaling