wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP Reviewer

Total questions: 42

Worksheet time: 2hrs 6mins

Name
Class
Date
1.

ito ay tumutukoy sa pag-alis sa bansa ng mga propesyonal upang magtrabaho sa ibang bansa na nagdudulot ng kakulangan ng mga manggagawang may sapat na kakauahan at kaalaman sa iba’t ibang larangan sa bansa.

(a)  

2.

ito ay tumutukoy sa bahagi ng populasyon ng bansa na may hanapbuhay, nagnanais magkaroon ng hanapbuhay at may kakakayahang maghanapbuhay.

(a)  

3.

ito ay ang malayang pagpasok ng mga kalakal mula sa ibang bansa.

(a)  

4.

ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.

(a)  

5.

ito ay isinasagawa upang mabawasan ang kabuuang gastusin sa produksyon ng mga kumpanya sa pamamagitan ng paglilipat ng ilang bahagi ng operasyon sa ibang kumpanya sa pamamagitan ng paglilipat ng ilang bahagi ng operasyon sa ibang kumpanya upang makatipid.

(a)  

6.

tumutukoy ito sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.

(a)  

7.

ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang local.

(a)  

8.

ito ay isang reyalidad sa buhay ng tao.

(a)  

9.

ayon sakanila, ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.

(a)  

10.

ito ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa.

(a)  

11.

ito ay itinuturing na isa ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na may mataas na bahagdan ng mga mamamayanang kabilang sa tinatawag na “working population” o yaong aktibo at maaaring maging aktibo sa pagtatrabaho at tuwirang magkaroon ng partisipasyon sa mga gawaing pang-ekonomiya.

(a)  

12.

ito ay nasa edad 15-60 na gustong magtrabaho o naghahanap ng trabaho ngunit hindi o walang makitang trabaho.

(a)  

13.

ito ay porsyento ng mga taong unemployed.

(a)  

14.

ito ay nagbibilang ng mga taong unemployed.

(a)  

15.

ito ay malayang pagpasok ng mga kalakal mula sa ibang bansa

(a)  

16.

ito ay ang sektor na kinabibilangan ng maraming manggagawang Pilipino.

(a)  

17.

ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.

(a)  

18.

ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng wasto at maaasahang mga datos para sa malalim na pagsusuri.

(a)  

19.

ito ay isang pangunahing pandaigdigang institusyon sa pananalapi na nagpapautang sa mga bansa sa digdig.

(a)  

20.

ito ang kagawarang binigyan ng mandato ng pamahalaan upang pangunahan ang mga proyekto/programa para sa mga manggagawa.

(a)  

21.

hangad din nito itaguyod and mas maraming oportunidad sa mga Pilipino na makapaghanapbuhay at mapangalagaan ang mga manggagawa.

(a)  

22.

tumutukoy ito sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.

(a)  

23.

ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang local.

(a)  

24.

ito ay naapektuhan din nang labis dahil sa pagpasok ng mga tinatawag na Transnational Corporations (TNCs) at Multinational Corporations (MNCs) sa bansa.

(a)  

25.

ang programang ito ay naglalayong makapagbigay ng agarang impormasyon sa mga manggagawa hinggil sa mga kinakailangan o indemand na trabaho sa labor market.

(a)  

26.

tumutukoy ito sa mga kumpanya at institusyong nangangailangan ng tauhan, tumatanggap ng aplikante at nagbibigay ng rekomendasyon.

(a)  

27.

naglalayon itong gabayan at tulungan ang mga manggagawa upang makahanap o magkaroon ng maayos at disenteng trabaho sa tulong ng mga PESO network sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

(a)  

28.

ang layunin ng programang ito na tulungan ang mga mag-aaral at mga out-of-school-youth na tustusan ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho.

(a)  

29.

sa programang ito, 60% ng kanilang suweldo ay mula sa mga kumpanya at ang 40% ay magmumula naman sa pondo ng DOLE mismo.

(a)  

30.

Ang programang ito ay nagkakaloob ng pagkakataon sa mga kabataan mula sa maralitang pamilya ng gamitin ang kanilang talino at kakayahan sa larangan ng paglilingkod-bayan.

(a)  

31.

naglalayon itong patuloy na mapaghusay ng mga propesyonal ang kanilang mga sarili at ganap na kayaning makipagsabayan sa usapin ng kaalaman at kakayahan ng pandaigdigang pamantayan.

(a)  

32.

kilala ito bilang Rules Implementing Articles 106 to 109 of the Labor Code, as Amended.

(a)  

33.

ipinagbawal nito ang labor-only contracting o pagtanggap ng isang kumpanya ng mga manggagawang kontraktuwal nang paulit-ulit.

(a)  

34.

ang tao ay gumagawa upang kumita ng salapi na magagamit upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan sa buhay.

(a)  

35.

ang tao ay may taglay na talent at kakayahan upang gamitin ito sa pagpapaunlad ng sarili at komunidad.

(a)  

36.

iinaasahang ang paggawa ay magamit na instrumento upang higit na mapagyaman ang kultura at pagkakakilanlan ng lipunang kinabibilangan.

(a)  

37.

ang tao ay may moral na obligasyon na tumulong sa kapwa na nangangailangan.

(a)  

38.

ang paggawa ay nagbibigay ng katuturan sa buhay ng tao. Binibigyan nito ng patutunguhan o direksyon ang pang-araw-araw na pakikipagsapalaran ng tao.

(a)  

39.

ang sektor na ito ay sumasakop sa pananalapi, insurance, transportasyon, komunikasyon, libangan, komersiyo, turismo, medical, pakyawan at pagtitinging kalakalan, edukasyon, at ang lumalawak na business processing outsourcing (BPO) sa kasalukuyan.

(a)  

40.

ang pokus ng sektor na ito ay pagbibigay ng serbisyo sa halip na produkto gawa ng dalawang naunang sektor.

(a)  

41.

ang sektor na ito ang pangunahing dahilan kung bakit kinilala ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) and Pilipinas bilang “emerging and developing country.”

(a)  

42.

pinangungunahan ngayon nito ang paglikha ng mga polisya at paggawa ng mga programang makatutulong sa mga manggagawang Pilipino.

(a)