wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 1

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Anong antas ng wika kabilang ang salitang MANGAN?

a)

Jargon

b)

Pambansa

c)

Balbal

d)

Lalawiganin

2.

"Lumilindol". Anong uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa?

a)

Temporal

b)

Eksistensyal

c)

Penomenal

d)

Pantawag

3.

Ayon kay Gleason, ang wika ay pinagkakasunduan ng isang lahi at kaya naman ay naunawaan ng lahat ng kasapi ng lahi.

a)

Masistema

b)

Dinamiko

c)

Likas

d)

Arbitraryo

4.

Ang DAMUKOL na batang ito ay itinapon pa ang pagkain.

a)

Malikot

b)

Mataba

c)

Maarte

d)

Hindi mabuti

5.

Kararating lang ni tatay mula sa trabaho. Ano ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap?

a)

Pangnagdaan

b)

Pangkasalukuyan

c)

Panghinaharap

d)

Katatapos

6.

Ang DASIK na tubo ng halaman ay nakapagpapahina sa paglaki ng mga ito.

a)

Masikip

b)

Hiwa-hiwalay

c)

Marami

d)

Diit-diit

7.

Dahan-dahan ang DATIG at nang hindi siya mapukaw

a)

Pagpasok

b)

Pagsasalita

c)

Paglapit

d)

Pag-akyat

8.

Hangarin nitong makapagbigay nang wasto at epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang mga sagisag pangwika?

a)

Talastasan

b)

Bokabularyo

c)

Talasanggunian

d)

Linggwistika

9.

Anong antas ng wika ang salitang DYAHI?

a)

Jargon

b)

Pidgin

c)

Kolokyal

d)

Balbal

10.

Ang Luneta ay isang bantog na DAYANDAYAN sa Maynila.

a)

Tanawin

b)

Tambayan

c)

Pook kainan

d)

Pook pasyalan

11.

"Nagpupuyos sa galit" ang kanyang ina nang malaman nito ang pagbubulakbol sa klase.

a)

Inis na inis sa galit

b)

Nagbubuhos ng galit

c)

Nagngingitngit sa galit

d)

Nagkikimkim ng galit

12.

Ano ang dapat iwasan ng guro base sa panuntunan sa pagbuo ng aytem para sa pagsusulit ng pagtapat-tapatin?

a)

Susing-sagot

b)

Padron sa Pagmamarka

c)

Talahanayan

d)

Distrakter

13.

Si Marlon ay taimtim na NAG-AAYUNO

a)

Nagdarasal

b)

Naghihirap

c)

Nagpipigil

d)

Nag-iisip

14.

Nagitla siya sa biglang DANI ng kaibigan.

a)

Pagtabi

b)

Pagsigaw

c)

Pag-awit

d)

Pagtayo

15.

Isang dula na sumikat nang humina ang zarzuela sa Pilipinas. Ito ay tinatawag ding stage show sa Ingles.

a)

Bodabil

b)

Duplo

c)

Karagatan

d)

Korido

16.

Bakit Tagalog ang siyang napiling batayan ng kauna-unahang wikang pambansa sa Pilipinas?

a)

Dahil sa ito ang ginagamit ng mga taga-Manila kung saan naman matatagpuan ang kabisera ng Pilipinas.

b)

Dahil sa ito ay binubuo ng mga kaakit-akit na mga salita at bokabularyo

c)

Dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit na ng mga nakaraming Pilipino

d)

A at C

17.

Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?

a)

Pilipino

b)

Filipino

c)

Tagalog

d)

Wikang Pambansa

18.

Ang damit ni Ara ay PALASAK na.

a)

Pangkaraniwan

b)

Luma na

c)

Hindi uso

d)

Mumurahin

19.

Aklat na nagtataglay ng mga pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan tulad ng kaganapan sa isang bansa, palakasan, relihiyon, pulitika.

a)

Diksyunaryo

b)

Ensayklopedia

c)

Atlas

d)

Almanac

20.

Ang istruktura sa pagsusulat na tinatawag na "inverted pyramid"

a)

Maikling kwento

b)

Balita

c)

Tula

d)

Sanaysay

21.

Ang gawang Mabuti ay pinagpala, may kaparusahan ang gawang masama, Kung ang pagsisikap at may pagtitiyaga, ang lahat ng tao'y di mananalanta. Ito ay nagsasaad ng:

a)

Pagtitipid

b)

Katapatan

c)

Pagkamatapat

d)

Pagsisikap at pagtitiyaga

22.

Ang ibig sabihin ng amoy-lupa ay _____.

a)

Matanda

b)

Magsasaka

c)

Pulubi

d)

Tambay

23.

Alin sa mga sumusunod ang opisyal na wika mula sa panahon ng republika hanggang sa kasalukuyan?

a)

Tagalog

b)

Ingles

c)

Kastila

d)

Ingles at Filipino

24.

Ang nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o isang pangkat ng tao.

a)

Dayalekto

b)

Idyolek

c)

Sosyolek

d)

Ekolek

25.

Sila ang mga tinatawag na konserbatibong gumagamit ng Filipino na hindi tumatanggap ng mga pagbabagong dulot ng modernisasyon.

a)

Miskomunikasyon

b)

Purista

c)

Modernista

d)

Intelektuwal

26.

Siya'y isang bulag ngunit kaya niyang gumuhit ng larawan. Siya'y isang _____.

a)

Imbentor

b)

Manunulat

c)

Dalubhasa

d)

Pintor

27.

Kung dumating kayo agad, DISIN ay nakalakad tayo nang maaga at nakita sana natin ang parada.

a)

Kahit na

b)

Baka

c)

Sana

d)

Subali

28.

Sa komunikasyon na pasulat, alin sa mga sumusunod ang nararapat na isaalang-alang?

a)

Lakas ng boses

b)

Maayos na pagpapalugit

c)

Maliksing mga mata

d)

Pagkibit ng balikat

29.

Nag-alsa balutan si Claudia dahil sa malimit umanong pananakit ni Reymar.

a)

Lumayas

b)

Nagtampo

c)

Nagtago

d)

Nagmaktol

30.

Anim na malalaking mangga ang ibinigay niya sa akin. Anong uri ng pang-uring pamilang ang sinalangguhitang salita?

a)

Patakaran

b)

Panunuran

c)

Pamahagi

d)

Pahalaga