wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 2

Total questions: 60

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Anong panauhan ang ginagamit pamalit sa taong nagsasalita?

a)

Unang panauhan

b)

Ikalawang Panauhan

c)

Ikatlong Panauhan

2.

Ito ang panghalip panao na ipinapalit sa taong kinakausap.

a)

Unang Panauhan

b)

Ikalawang Panauhan

c)

Ikatlong Panauhan

3.

Anong panauhan ang ginagamit pamalit sa taong pinag-uusapan?

a)

Unang panauhan

b)

Ikalawang Panauhan

c)

Ikatlong Panauhan

4.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip.

Mahahanap siya sa likod ng bahay.

a)

sarili

b)

kinakausap

c)

pinag-uusapan

5.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip.

Gusto ko kumain ng pansit canton.

a)

sarili

b)

kinakausap

c)

pinag-uusapan

6.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip.

Ikaw ba ang magluluto ngayon?

a)

sarili

b)

kinakausap

c)

pinag-uusapan

7.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip.

Siya ang kasabay ni Natalie pauwi.

a)

sarili

b)

kinakausap

c)

pinag-uusapan

8.

Tukuyin an panghalip na ginamit sa pangungusap.

Ikaw ang magbabantay ng bahay.

a)

pananong

b)

pamatlig

c)

panao

9.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip.

Saan ka nakatira?

a)

pamatlig

b)

pananong

c)

panao

10.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip.

Tuturuan siya ni Ate Rose magbasa mamaya.

a)

sarili

b)

kinakausap

c)

pinag-uusapan

11.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip.

Ikaw ang pinakamatangkad sa ating klase.

a)

sarili

b)

kinakausap

c)

pinag-uusapan

12.

Tukuyin ang panauhan ng panghalip.

Sabi ni lola ako daw ang paborito nyang apo.

a)

sarili

b)

kinakausap

c)

pinag-uusapan

13.

Tukuyin ang panghalip na ginamit sa pangungusap.

Ang saya namin dito.

a)

pananong

b)

pamatlig

c)

panao

14.

Ito ay ginagamit panghalili o pamalit sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.

a)

pandiwa

b)

panghalip

c)

pangngalan

15.

Ito ay uri ng panghalip na pumapalit o ginagamit sa pagtatanong.

a)

pamatlig

b)

pananong

c)

panao

16.

Uri ng panghalip na ginagamit panghalili sa ngalan ng tao.

a)

panao

b)

pananong

c)

pamatlig

17.

Uri ng panghalip na inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan.

a)

panao

b)

pananong

c)

pamatlig

18.

Ang salitang " ako, ikaw at tayo" ay mga halimbawa ng panghalip _____.

a)

pananong

b)

pamatlig

c)

panao

19.

ang mga salitang naglalarawan ng tao, bagay or lugar ay tinatawag na

(words that describe a person, thing or place is called)

a)

PANG-URI

b)

PANDIWA

c)

PANGNGALAN

20.

Isang kilo ang nabili niyang isda. Ano ang pang-uri sa pangungusap ang nagsasaad ng dami?

a)

isang kilo

b)

nabili

c)

isda

21.

Piliin ang pang-uri na nagsasaad ng kulay

a)

parihaba

b)

berde

c)

mahinhin

22.

Masipag magtanim ng halaman si Tiya Almina. Alin ang pang-uri na nagsasaad ng katangian sa pangungusap?

a)

masipag

b)

magtanim

c)

Tiya Almina

23.

Piliin ang pang-uri na nagsasaad ng bilang.

a)

dalawa

b)

malawak

c)

tatsulok

24.

Alin sa mga pangungusap ang may pang-uri na nagsasaad ng bilang?

a)

Si Sora ay matalino.

b)

Ang relo ko ay bilog.

c)

Bumili ako ng tatlong mangga.

25.

Ang bola ay bilog. Ano ang pang-uri sa pangungusap?

a)

bilog

b)

bola

c)

ay

26.

Piliin ang pang-uri na nagsasaad ng katangian

a)

masipag

b)

pula

c)

tatsulok

27.

Alin sa mga sumusunod ang pang-uri na nagsasaad ng kulay?

a)

marami

b)

madilaw

c)

mahiyain

28.

Piliin ang angkop na pang-uri para sa larawan.

a)

malamig

b)

mataba

c)

mainit

29.

Piliin ang PANG-URI sa mga sumusunod na salita.

a)

paaralan

b)

mabango

c)

Mababang Paaralan ng San Andres

30.

Piliin ang PANG-URI sa mga sumusunod na salita.

a)

simbahan

b)

Mandaluyong

c)

kahel

31.

Piliin ang PANG-URI sa mga sumusunod na salita.

a)

ate

b)

silid-aklatan

c)

matulis

32.

Lima ang bilang ng mga magsasakang nagtatrabaho sa bukid.

a)

PANG-URING PAMILANG

b)

PANG-URING PANLARAWAN

33.

Maasahan sa mga gawaing bahay si Julia.

a)

PAMILANG

b)

PANLARAWAN

34.

Nagwagi ng unang gantimpala ang anak ni Cassandra.

a)

PAMILANG

b)

PANLARAWAN

35.

Mas kaakit-akit ang bagong damit Minchi kaysa kay Diana.

a)

PAMILANG

b)

PANLARAWAN

36.

Isandaang katao ang dumalo sa pagpupulong ng barangay.

a)

PAMILANG

b)

PANLARAWAN

37.

Nagsasabi ng pagkakasunud-sunod ng mga pangngalan

a)

Pamilang na Kardinal

b)

Pamilang na Ordinal

38.

Tukuyin kung ang pang-uri na nakasalungguhit ay kardinal o ordinal.


ikapitong puno

a)

kardinal

b)

ordinal

39.

Tukuyin kung ang pang-uri na nakasalungguhit ay kardinal o ordinal.


tatlong saging

a)

kardinal

b)

ordinal

40.

Tukuyin kung ang pang-uri na nakasalungguhit ay kardinal o ordinal.


isang sako ng bigas

a)

kardinal

b)

ordinal

41.

Tukuyin kung ang pang-uri na nakasalungguhit ay kardinal o ordinal.


ikalawang markahan

a)

kardinal

b)

ordinal

42.

Tukuyin kung ang pang-uri na nakasalungguhit ay kardinal o ordinal.


dalawampung taon

a)

kardinal

b)

ordinal

43.

Tukuyin kung ang pang-uri na nakasalungguhit ay kardinal o ordinal.


ika-siyam na palapag

a)

kardinal

b)

ordinal

44.

Tukuyin kung ang pang-uri na nakasalungguhit ay kardinal o ordinal.


unang apo

a)

kardinal

b)

ordinal

45.

Tukuyin kung ang pang-uri na nakasalungguhit ay kardinal o ordinal.


ikatlong mag-aaral

a)

kardinal

b)

ordinal

46.

Tukuyin kung ang pang-uri na nakasalungguhit ay kardinal o ordinal.


apat na bibe

a)

kardinal

b)

ordinal

47.

Tukuyin kung ang pang-uri na nakasalungguhit ay kardinal o ordinal.


dalawang krayola

a)

kardinal

b)

ordinal

48.

Punan ng wastong pandiwa,

Ako ay __________ ng bahay kahapon.

a)

naglinis

b)

naglilinis

c)

maglilinis

49.

Punan ng wastong pandiwa.

__________ kami sa Maynila bukas.

a)

Pumunta

b)

Pumupunta

c)

Pupunta

50.

Punan ng wastong pandiwa.

__________ ako nang maaga araw-araw.

a)

Gumising

b)

Gumigising

c)

Gigising

51.

Punan ng wastong pandiwa.

Kami ay __________ sa parke kanina.

a)

naglaro

b)

naglalaro

c)

maglalaro

52.

Ano ang tawag sa salitang nagsasaad ng kilos o galaw?

a)

Pang-uri

b)

Pang-abay

c)

Pandiwa

53.

Ano ang tawag sa Aspekto ng Pandiwa na nagpapakita ng kilos na tapos na o naganap na?

a)

Aspektong Naganap

b)

Aspektong Nagaganap

c)

Aspektong Magaganap

54.

Ano ang tawag sa Aspekto ng Pandiwa na nagpapakita ng kilos na kasalukuyang nangyayari o palaging nangyayari?

a)

Aspektong Naganap

b)

Aspektong Nagaganap

c)

Aspektong Magaganap

55.

Ano ang tawag sa Aspekto ng Pandiwa na nagpapakita ng kilos na mangyayari pa lang o magaganap palamang?

a)

Aspektong Naganap

b)

Aspektong Nagaganap

c)

Aspektong Magaganap

56.

Ang bata ay masayang nagbabasa. Piliin ang pandiwa sa pangungusap.

a)

bata

b)

masaya

c)

nagbabasa

57.

Si Kyle ay naligo kanina. Piliin ang pandiwa sa pangungusap.

a)

kyle

b)

naligo

c)

kanina

58.

Si nanay ay magluluto ng Adobo bukas.


Ano ang aspekto ng pandiwang "magluluto"?

a)

Pangnagdaan- tapos na

b)

Pangkasalukuyan-ginagawa pa lamang

c)

Panghinaharap- gagawin pa lamang

59.

Nagbabasa si Andrea ng libro


Ano ang aspekto ng pandiwang "nagbabasa"?

a)

Pangnagdaan- tapos na

b)

Pangkasalukuyan-ginagawa pa lamang

c)

Panghinaharap- gagawin pa lamang

60.

Sumali sa paligsahan ng pag-awit si Gina kahapon.


Ano ang aspekto ng pandiwang "sumali"?

a)

Pangnagdaan- tapos na

b)

Pangkasalukuyan-ginagawa pa lamang

c)

Panghinaharap- gagawin pa lamang