NEW
Font size
WorksheetsESP 8- 2ND PERIODICAL REVIEWER
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
Nagkaroon ng diskusyon ang iyong pangkat. Isa sa iyong mga kasama ay ayaw magpatalo kaya nagmungkahi ka nalang na idaan sa botohan. Anong kilos ang iyong naisagawa sa situwasyong ito?
A. pagiging kalmado
B. pagpapakita ng kalakasan
C. hindi nakipagtalo o nakipagsagutan
D. pagpapahalaga sa mga bagay na nasa sarili
Paano masasabing naimpluwensiyahan ng emosyong pagkagalit ang pagpapasiya ng isang taong may suliranin?
A. kapag masayang kausap
B. kapag umiiyak kung tinatanong
C. kapag bumubulyaw kung sumagot
D. kapag naguguluhan kung tinatanong
Nakaiimpluwensya ito sa pagkilos at pagpapakita ng nararamdaman ng tao.
A. aksyon
B. emosyon
C. pagpapasiya
D. Pagtugon
Alin sa mga sumusunod na emosyon ang mahalagang mapamahalaan nang mabuti?
A. dismayado
B. galit
C. pananabik
D. saya
Ano ang tawag sa isang gawain ng tao na nangangailangan ng masusing pagtimbang sa kung paano isasagawa ang isang bagay?
A. angkop na tao
B. angkop na kilos
C. aspeto ng buhay
D. angkop na emosyon
Ano ang magiging palatandaan sa gawi ng tao kapag siya ay malungkot?
A. masayang kausap
B. mahilig magkuwento
C. nagagawa nang maayos ang gawain
D. walang ganang kumilos at mapag-isa
Habang naglilinis si Lea sa loob ng klasrum ay aksidenteng nasagi ng kanyang walis ang plorera sa mesa ng kanyang guro kaya nabasag ito. Sa takot niya ay naisipan niyang ilihim ang kanyang nagawa. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang pasya ni Lea?
A. Naisipan ni Lea na ilihim ang kanyang nagawa.
B. Naisipan ni Lea na huminto nalang sa pag-aaral.
C. Binilisan ni Lea ang paglilinis para makauwi na siya.
D. Sasabihin ni Lea sa guro na ang kaklase niya ang may gawa.
Ano ang nasasalamin sa angkop na pagkilos?
A. Pamilya
B. Kaibigan
C. sarili at pakikipagkapuwa
D. pagkatao at pakikipagkapuwa
Naghinagpis si Massimo sa tuwing naalala niya ang napagdadaanang pagsubok subalit dinadaan niya lamang ito sa pagpipinta. Anong angkop na kilos ang isinagawa ni Massimo sa situwasyong ito?
A. ginawang abala ang sarili
B. magpasalamat at manalangin
C. ipapakita ang kalakasan sa iba
D. pagpapahalaga sa mga bagay na nasa sarili
Kaibigan mo si Jane. Sa tuwing nag-aalala ka dahil sa mga pagsubok, siya ang iyong sandalan. Ano ang isinagawang kilos ni Jane sa situwasyong ito?
A. ginawang abala ang sarili
B. nakipag-usap sa confidante
C. magpasalamat at manalangin
D. pagpapahalaga sa mga bagay na nasa sarili
Napagsabihan ni Betty si Anne ng masasakit na salita dahil sa pagsisinungaling nito.
Lungkot
Galit
Takot
Saya
Dismayado
Hindi nagawa ni Rina nang maayos ang kanyang proyekto sapagkat namatay ang kanyang lola noong nakaraang linggo.
Lungkot
Galit
Takot
Saya
Dismayado
Napalundag si Kert nang naipasa niya ang pagsusulit.
Lungkot
Galit
Takot
Saya
Dismayado
Nag-aral nang mabuti si Nina subalit mababa parin ang markang nakuha niya.
Lungkot
Takot
Saya
Dismayado
Galit
Nagdesisyon si Liezle na hindi na ipagpatuloy ang pagsali sa paligsahan ng pag-awit dahil sa kawalan ng kumpiyansa sa sarili.
Lungkot
Takot
Saya
Dismayado
Galit
Sinira ni Jose ang gamit ni Jun dahil hindi siya nito pinansin.
Lungkot
Galit
Takot
Saya
Dismayado
Hindi na nakakain ng maayus si Gavin simula ng makipaghiwalay ang kanyang kasintahan.
Lungkot
Galit
Takot
Saya
Dismayado
Nanlibre ng pagkain si Mr. Suarez dahil na promote siya sa kanyang trabaho.
Lungkot
Galit
Takot
Saya
Dismayado
Ipinamalas ni Seb ang kanyang husay sa pag awit ngunit hindi pa din siya nagwagi sa patimpalak.
Lungkot
Takot
Saya
Dismayado
Galit
Kumaripas ng takbo si Vic nang marinig niya ang kakaibang tunog sa daan.
Lungkot
Galit
Takot
Saya
Dismayado
