wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 4

Total questions: 30

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Paano mo malalaman kung ang pangungusap na binabasa mo ay pangngalang pantangi?

a)

Kapag ito ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan.

b)

Kapag ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan. At nagsisimula sa malaking titik

c)

Kapag ito ay tumutukoy sa walang tiyak na ngalan.

d)

Kapag ito ay tumutukoy sa ngalan lamang.

2.

Anong uri ng pangngalan ang ginagamitan ng mga pangkaraniwang pangngalan lamang?

a)

Pantangi

b)

Pambalana

c)

Palansak

d)

Tahas

3.

Paano mo malalaman kung ang salitang gagamitin sa pangungusap ay lansak?

a)

Kapag ito ay gagamitan ng pagsasaad ng grupo o pangkat.

b)

Kapag ito ay gagamitan ng mga materyal na bagay na nakikita, nahahawakan at nadarama gamit ang limang pandama.

c)

Kapag ito ay ngalang nagsasaad ng kaisipan, pangyayari; di-nakikita at di-nahahawakan

4.

Paano mo malalaman kung ang mga salitang ginagamit sa pangungusap ay basal?

a)

Kapag ito ay nagsasaad ng kaisipan, pangyayari; di-nakikita at di-nahahawakan, hindi materyal na bagay.

b)

Kapag ito ay ngalan ng mga materyal na bagay na nakikita, nahahawakan at nadarama gamit ang limang pandama.

c)

Kapag ito ay ngalang nagsasaad ng grupo o pangkat

5.

Ang magkapatid na Ana ta Ella ay nasa kuwarto na upang magpahinga. Anong kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

silid-aklatan

b)

silid-kainan

c)

silid-tulugan

6.

Piliin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.

Pagsama-samahin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok.

a)

tipunin

b)

itapon

c)

ikalat

7.

Saan ginagamit ang tsart?

a)

Ang tsart ay ginagamit upang hindi makapagtala ng mga impormasyon.

b)

Ang tsart ay ginagamit upang magulong maitala ang mga impormasyon.

c)

Ang tsart ay ginagamit upang hindi maayos na maitala ang mga impormasyon.

d)

Ang tsart ay ginagamit upang maayos na maitala ang mga impormasyon.

8.

Tukuyin ang kasarian ng pangngalan na may salungguhit.

Ang alkansya na gawa sa kawayan ay puno na ng barya.

a)

pambabae

b)

panlalaki

c)

di-tiyak

d)

walang kasarian

9.

Saan kasarian ng pangngalan kabilang ang mga salitang ito?

( guro, kabataan, pinsan, kapatid, at bunso )

a)

walang kasarian 

b)

di-tiyak

c)

pambabae

d)

panlalaki

10.

Paano malalaman kung ang bahagi ng aklat ay Bibliograpi?

a)

Kapag ito ay hindi nakapaalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sanggunian. 

b)

Kapag ito ay paalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sanggunian.

c)

Kapag ito ay may maikling paliwanag sa pagbuo ng aklat.

d)

Kapag ito ay naaayon sa kabuuan ng lahat ng paksang tinatalakay.

11.

Paano mo malalaman kung ang pangyayaring naganap ay Sanhi?

a)

Kapag ito ay nagsasaad ng epekto o resulta ng pangyayari.

b)

Kapag ito ay nagsasaad ng dahilan ng pangyayari.

c)

Kapag ito ay nagsasaad ng dahilan at epekto ng pangyayari.

12.

Ito ay pahinang kakikitaan ng mga pangalan ng nais pasalamatan ng may akda. Anong bahagi ito ng Aklat?

a)

Bibliograpi

b)

Panimula

c)

Dedikasyon

d)

Tala

13.

Masasabing ito ay teksto o katawan ng aklat kapag ito ay ______?

a)

kabuuan ng lahat ng paksang tinatalakay.

b)

talaan ng mga kapaki-pakinabang na paksang makatutulong sa mambabasa.

c)

maikling paliwanag sa pagbuo ng aklat.

d)

paalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sanggunian.

14.

Alin sa mga sumusunod na Kailanan ng pangngalan ang may panandang pantukoy na ang, si, ni, kay, sa, ng?

a)

maramihan

b)

dalawahan

c)

isahan

15.

Basahing mabuti ang pangungusap at piliin ang tamang kahulugan ng nakasalungguhit.

Mababakas sa mukha ng mag-asawa ang kaligayahan pagkakita sa kanilang anak.

a)

maitatago

b)

masasabi

c)

maiiiyak

d)

makikita

16.

Nagbabakasakali pa rin siyang makita ang kanyang nawawalang pitaka. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?

a)

nasasabik

b)

sumusubok

c)

umaasa

d)

nagtatago

17.

Sa paanong paraan mo maipapaliwanag ang Kaganapang Pansimuno?

a)

Sa pamamagitan ng pangngalang pinaglalaanan ng kilos o galaw.

b)

Sa pamamagitan ng pagtanggap ng kilos at ito'y sumasagot sa tanong na ano.

c)

Sa pamamagitan ng pangngalang pinaguusapan sa pangungusap.

d)

Sa pamamagitan ng pangngalang tumutukoy sa simuno at laging sumusunod sa panandang ay.

18.

Ang kuya Joaquin ko ay isang magaling at mahusay gumawa ng mga arkitektura.

Sa anong uri ng gamit ng pangngalan ito kabilang?

a)

Simuno o Paksa

b)

Kaganapang Pansimuno

c)

Tuwirang Layon

d)

Layon ng Pang-ukol

19.

Alin sa sumusunod na gamit ng pangngalan ang tumatanggap ng kilos at ito'y sumasagot sa tanong na ano.

a)

Layon ng Pang-ukol

b)

Tuwirang Layon

c)

Kaganapang Pansimuno

d)

Simuno o Paksa

20.

Basahin at suriin kung anong anyo ng pangngalan ay may salungguhit.

Ang punong-kahoy ay unti-unti ng nauubos sa kagubatan.

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Tambalan

d)

Inuulit

21.

Ano ang kayarian ng pangngalan na nakasalungguhit sa pangungusap?

Ialay natin ang kapurihan at kapasalamatan sa Diyos na Siyang nagbibigay lakas at sigla sa ating lahat.

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Tambalan

22.

Ang matapang na Leon ay nag-imbento ng mga mapanirang salita upang sirain ang samahan ng magkakaibigang baka. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

matatakutin

b)

mabangis

c)

madamot

d)

maalalahanin

23.

Ang hindi pagkikibuan ng magkakaibigan ang nagbigay ng pagkakataon sa leon para isagawa ang kanyang masamang plano. Ano ang HINDI tumutukoy sa salitang nakasalungguhit?

a)

pag-aaway

b)

pagpapansinan

c)

pag-uusap

d)

pagkukulitan

24.

Paano mo gagamitin sa pangungusap ang Walang Kasarian?

a)

Ito ay gagamitin sa pamamagitan ng mga bagay na may buhay.

b)

Ito ay gagamitin sa pamamagitan ng mga bagay na may kaunting buhay.

c)

Ito ay gagamitin sa pamamagitan ng mga bagay na nabubuhay.

d)

Ito ay gagamitin sa pamamagitan ng mga bagay na walang buhay.

25.

Anong halimbawa ng paggamit ng isahan?

a)

Sasaan, Kakailan, Alin-alin, at Ga-gaano

b)

Sasaan, Kakailan

c)

Ano-ano, Sino-sino, Ilan-ilan, Alin-alin, at Ga-gaano

d)

Ano, Sino, Ilan, Alin, at Gaano

26.

Alin sa mga sumusunod na panghalip ang sumasaklaw sa kalahatan, dami, o kaisahan ng mga tao, bagay, at iba pa?

a)

Panghalip Pamatlig

b)

Panghalip Panaklaw

c)

Panghalip Pananong

d)

Panghalip Panao

27.

Ang paglalahad ng problema ay nakagagaan ng pakiramdam. Ano ang kahulugan ng may salungguhit.

a)

pagsasabi

b)

pagtatago

c)

pag-iisip

d)

paglimot

28.

Paano mo masasabi na ang kailanan ng panghalip pananong ay isahan lamang?

a)

Ito ay ginagamitan ng nila, atin, at tayo.

b)

Ito ay ginagamitan ng ako, mo, ko, akin, kanya, siya, niya, at iyo.

c)

Ito ay ginagamitan ng kami, namin at kata.

d)

Ito ay ginagamitan ng sino, ano, kanino, alin, at ano.

29.

Paano mo masasabi na ang kailanan ng panghalip pananong ay maramihan lamang?

a)

Ito ay ginagamitan ng ako, mo, ko, akin, kanya, siya, niya, at iyo.

b)

Ito ay ginagamitan ng nila, atin, at tayo.

c)

Ito ay ginagamitan ng sino-sino, ano-ano, kani-kanino, alin-alin, at nino-nino.

d)

Ito ay ginagamitan ng kami, namin at kata.

30.

Alin sa mga sumusunod na panghalip ang humahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar sa paraang patanong?

a)

Panghalip Panao

b)

Panghalip Pamatlig

c)

Panghalip Panaklaw

d)

Panghalip Pananong