wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Second Periodic Test in EPP-5

Total questions: 50

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?

a)

Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.

b)

Malusog na paglaki ng mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong             komersiyal.

c)

Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.

d)

Lahat nang nabanggit.

2.

Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, alin sa mga sumusunod ang puwede mong gamitin bilang compost o isang lalagyan ng mga tuyong dahon,     balat ng         prutas at gulay at mga tirang pagkain?

a)

Lumang kariton.

b)

Pinagpatong-patong na mga lumang gulong ng sasakyan.

c)

Kahong gawa sa karton.

d)

Maliit na balde.

3.

Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang             nauunang gawin?

a)

Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain, at iba         pang             nabubulok na bagay.

b)

Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit anumang pantakip.

c)

Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.

d)

Ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 12                       pulgada o 30 sentemetro ang taas.

4.

Ang mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko       maliban             sa isa? Alin dito?

a)

Maganda ang texture at bungkal (tilt)

b)

Malambot    

c)

Hindi mabilis matuyo

d)

Matigas

5.

Gaano katagal bago magamit bilang pataba ang mga nabubulok na basura?

a)

Limang araw            

b)

Dalawang linggo    

c)

isang buwan    

d)

Dalawang buwan

6.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa abonong organiko?

a)

Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong urea at sabon.

b)

Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong asin, asukal at gatas.

c)

Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong nabubulok na dahon, tirang       pagkain,             balat ng prutas, gulay at dumi ng hayop.

d)

Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong karne ng baboy at gulay.

7.

Mahalagang gumamit ng ___________________ sa pagpapataba ng mga

halamang gulay.

a)

Abonong organiko

b)

Personal protective equipment

c)

kamay

d)

kagamitan

8.

Ang paggamit ng ______________________ o PPE ay malaking tulong upang maiwasan ang             anumang aksidente sa paggawa.

a)

Abonong organiko

b)

Personal protective equipment

c)

Kamay

d)

kagamitan

9.

Huwag kalimutang maghugas ng __________________ at maligo pagkatapos gumawa ng             abonong organiko.

a)

Abonong organiko

b)

Personal protective equipment

c)

 kamay

d)

 kagamitan

10.

Tiyaking nasa maayos na kondisyon ang lahat ng mga __________________ na gagamitin             sa paggawa ng abono.

a)

Abonong organiko

b)

Personal protective equipment

c)

kamay

d)

kagamitan

11.

Gumamit ng _______________________ o anumang pantakip sa ulo kung sa labas   gagawin ang gawain lalo na kung matindi ang sikat ng araw.

a)

 sombrero

b)

Personal protective equipment

c)

kamay

d)

kagamitan

12.

Ito ay nagsasaad ng mga pamantayan na dapat sunding tuwing gagawa ng abonong             organiko MALIBAN sa isa, ano ito?

a)

Gumamit ng mga kasangkapang nasa maayos ang kondisyon.

b)

Huwag hugasang mabuti at itago ang mga kasangkapang ginamit sa

permanenteng lugar upang hindi ito masira at maka-aksidente.

c)

Tiyaking angkop ang mga kasangkapang gagamitin sa paggawa ng abonong organiko.

d)

Maging maingat sa pagtapak sa basing lugar upang di-madulas.

13.

Ito ay mainam na paraan ng pagdidilig sa maliit na taniman at para sa malawak na             taniman naman, ang pagamit ng hose ay iminumungkahi dahil nakokontrol nito ang             daloy ng tubig galing sa gripo.

a)

hand watering

b)

hand trowel

c)

rake

d)

basal application method

14.

Mainam gamitin ang mga ito para palambutin ang lupang nakapaligid sa halaman             upang makahinga ang mga ugat.

a)

hand watering

b)

hand trowel

c)

basal application method

d)

rake

15.

Ginagamit ang kagamitang ito upang pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak na lupa sa halamanan.

a)

hand watering

b)

hand trowel

c)

 rake

d)

basal application method

16.

Paraan ng paglalagay ng abonong organiko sa pamamagitan ng paghahalo ng pataba             sa lupa bago itanim ang halaman.

a)

 hand watering

b)

hand trowel

c)

 rake

d)

basal application method

17.

Ang mga ito ay nananatili at namumugad sa mga halaman tuwing nagdidilig sa hapon.

a)

foliar method

b)

rake

c)

basal application method

d)

peste

18.

Ang paraang ito ng pag-aabono ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-            iispray ng organikong abono sa mga dahon ng halaman sa hapon.

a)

 peste

b)

foliar method

c)

rake

d)

basal application method

19.

Ito ay isang uri ng organikong pestisidyo na kailangan tadtarin ng pino ang           bawat             sangkap at sabay-sabay na pakuluan ng 1 hanggang 2 minuto.

a)

lady bug       

b)

 aphids

c)

leaf roller                  

d)

luya, sibuyas, sili

20.

.Ang pesteng ito ay naninirahan sa mga dahon at nagiging dahilan ng pagkasira           at             pagkabulok nito. Maaaring puksain ang mga ito sa pamamagitan ng organikong             pestisidyo.

a)

lady bug       

b)

aphids

c)

leaf roller      

d)

luya, sibuyas, sili

21.

Mabilis itong umatake sa mga dahon ng mga halamang gulay at binubutas ang            mga ito. Mabilis itong mapuksa gamit ang NIA o Natural Insect Attractants

a)

lady bug

b)

aphids

c)

leaf roller      

d)

luya, sibuyas, sili

22.

Uri ng organikong pestisidyo na tuyong dahon ang ginagamit at kailangan           pakuluan             at palamigin muna sa isang lalagyan bago gamitin. Maaari itong ibomba             sa mga halaman        na mayroong matinding pinsala.

a)

lady bug       

b)

aphids

c)

leaf roller      

d)

 tabako

23.

Ang pesteng ito ay madalas umatake sa mga dahon ng halaman na mabilis       naman             nitong ikinasisira. Maaaring puksain ang mga ito gamit ang pagpapausok.

a)

lady bug

b)

aphids

c)

leaf roller

d)

tabako

24.

Ito ay ginagamit upang maiwasan masira ang kalikasan.

a)

organikong pestisidyo

b)

artificial

c)

abono

d)

wala sa nabanggit

25.

Si Leni ay may alagang manok sa likod bahay nila, ano ang kabutihang dulot            nito sa kanyang pamilya?

a)

dagdag kita sa pamilya

b)

nakapagdulot ng kalat sa bakuran

c)

dagdag gastos wala namang pera

d)

Para may ulam ang kapitbahay

26.

Paano mapakinabangan ang balahibo ng alagang manok?

a)

gawing pagkain

b)

gawing palamuti sa bahay at kasuotan sa mga paligsahan.

c)

itago sa loob ng bahay

d)

Sunugin ito

27.

May palaisdaan ang iyong pamilya, ano ang kabutihang dulot nito sa inyo?

a)

ulam ng pamilya

b)

dagdag gastos

c)

palamuti sa bahay

d)

Wala sa nabanggit

28.

Ano ang maaaring gawin sa mga dumi ng iyong alagang hayop?

a)

hindi lilinisan

b)

itatapon sa dagat

c)

gawing pataba sa halaman

d)

Itapon sa bakuran ng kapitbahay

29.

Piliin ang angkop na kabutihang dulot ng pag-aalaga ng kalapati sa tao.

a)

nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip

b)

nakadagdag stress sa pamilya

c)

pabayaan na lamang

d)

D. Hayaan mamatay at itapon sa basurahan

30.

Ang mga __________ ay nakapagbibigay ng masustansyang pagkain tulad ng karne at itlog.

a)

dahon

b)

hayop

c)

 talbos

d)

prutas

31.

Isa sa mga hayop na madaling alagaan at paramihin. Ito ay inaalagaan para sa                        kanyang itlog at karne. Karaniwang ulam ito ng mag-anak sa hapagkainan.

a)

Itik at pato

b)

layer  

c)

tilapia

d)

manok

32.

Ang itlog nito ay mayaman sa protina kung kaya’t ito ay mainam sa pagpapalaki ng             katawan at mga kalamnan.

a)

pugo

b)

layer

c)

tilapia

d)

manok

33.

Uri ng isdang madaling alagaan at masarap kainin. Nagtataglay ito ng bitamina na       kailangan ng ating katawan gaya ng protina. Karaniwang pinalalaki ito sa mga palaisdaan            sa likod-bahay.

a)

Itik at pato

b)

layer

c)

tilapia

d)

manok

34.

Isang uri ng manok na inaalagaan para sa mga itlog nito.

a)

Itik at pato    

b)

 layer

c)

tilapia

d)

manok

35.

Karaniwang inaalagaan ang mga ito sa mga lugar na malapit sa tubig kung saan          may mga suso at tulya para sila ay maipastol at makatipid sa pagkain.

a)

Itik at pato    

b)

 layer

c)

tilapia

d)

manok

36.

Ito ay may bahay na hindi dapat bababa sa 34 sq. feet ang laki at may tubigan o          paliguan na may laking 10 piye ang lapad ng haba para sa 50 na dami nito.

a)

itik      

b)

broiler

c)

kalapati

d)

pugo

37.

Ito ay uri ng manok na nangangailangan ng ilaw o bombilyang may 50 watts para             mailawan ang bagong pisang sisiw at may patukaan sa loob ng kulungan na gawa sa yero,             kahoy, o biyak na kawayan

a)

itik                          

b)

broiler                   

c)

kalapati               

d)

pugo

38.

Ang hayop na ito ay may kulungan na mataas para hindi maabot ng mga daga, pusa at ahas.

a)

itik                        

b)

broiler                   

c)

kalapati               

d)

pugo

39.

Ito ay may kulungan na may sukat na “4 x 8 x 1“talampakan, may sahig na may 1⁄4             pulgadang wire mesh at may pantakip sa ibabaw tulad ng lawanit o plywood.

a)

itik                          

b)

broiler                   

c)

kalapati               

d)

pugo

40.

Ito ay may kulungan at bakod na may sukat na 1 1⁄2 hanggang tatlong metrong             kuwadrado, lubid pantali, kawayan at pawid at sementadong sahig para madali itong             linisin.

a)

itik                          

b)

broiler                   

c)

kalapati               

d)

baka

41.

Si Nene ay nagtitinda sa palengke. Ano ang dapat niyang gawin upang maging            maayos at matagumpay ang kaniyang pagtitinda?

a)

Bilanging mabuti ang bayad ng mamimili

b)

Magsuot ng lumang damit

c)

Makipagtalo sa mamimili

d)

Bawalan ang mamimili na hawakan ang paninda

42.

Alin ang iyong gagamitin upang matukoy na ikaw ay kumita o nalugi?

a)

Talaan ng ginastos at kinita

b)

Talaan ng materyales

budget

c)

Talaan ng bibilhin

d)

Talaan ng budget

43.

Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng             hayop na inaalagaan?

a)

Magasin

b)

Aklat

c)

Internet

d)

Dyaryo

44.

Sa pagsasapamilihan ng iyong alagang manok, kailangan ito ay:.

a)

Malusog

b)

Payat

c)

Sakitin

d)

Wala sa nabanggit

45.

Sa paanong paraan ipinagsasapamilihanl/ibinibenta ng mga produkto?

a)

Pagpapautang

b)

Tingian/pakyawan

c)

Barter

d)

Wala sa nabanggit

46.

Si Mang Kanor ay bumili ng 20 biik sa halagang ₱2,000 bawat isa. Inilagay niya ito sa kanyang ipinagawang kulungan na nagkakahalaga ng ₱25,000. Sa loob lamang ng anim na buwan, gumastos siya ng ₱15,000 para sa pagkain nito. Kumuha si Mang Kanor ng dalawang tao na tagapag-alaga ng kanyang mga baboy na binayaran naman niya ng ₱2,000 bawat isa. Pagkaraan ng anim na buwan, naibenta ni Mang Kanor ang kanyang mga baboy sa halagang ₱12,500 bawat isa.Magkano ang isang biik ni Mang Kanor?

a)

2,000                                   

b)

     4,000          

c)

3,000                                  

d)

5,000

47.

Si Mang Kanor ay bumili ng 20 biik sa halagang ₱2,000 bawat isa. Inilagay niya ito sa kanyang ipinagawang kulungan na nagkakahalaga ng ₱25,000. Sa loob lamang ng anim na buwan, gumastos siya ng ₱15,000 para sa pagkain nito. Kumuha si Mang Kanor ng dalawang tao na tagapag-alaga ng kanyang mga baboy na binayaran naman niya ng ₱2,000 bawat isa. Pagkaraan ng anim na buwan, naibenta ni Mang Kanor ang kanyang mga baboy sa halagang ₱12,500 bawat isa.Magkano ang ginastos ni Mang Kanor para sa kulungan ng kanyang mga biik?

a)

25,000                        

b)

15,000           

c)

20,000             

d)

12,500

48.

 

Si Mang Kanor ay bumili ng 20 biik sa halagang ₱2,000 bawat isa. Inilagay niya ito sa kanyang ipinagawang kulungan na nagkakahalaga ng ₱25,000. Sa loob lamang ng anim na buwan, gumastos siya ng ₱15,000 para sa pagkain nito. Kumuha si Mang Kanor ng dalawang tao na tagapag-alaga ng kanyang mga baboy na binayaran naman niya ng ₱2,000 bawat isa. Pagkaraan ng anim na buwan, naibenta ni Mang Kanor ang kanyang mga baboy sa halagang ₱12,500 bawat isa.Si mang Kanor ay gumastos ng 15,000.00 para s mga pagkain ng kanyang mga biik,       ilang buwan ang 15,000?

a)

siyam na buwan                     

b)

anim na buwan          

c)

     sampong buwan                       

d)

pitong buwan

49.

 

Si Mang Kanor ay bumili ng 20 biik sa halagang ₱2,000 bawat isa. Inilagay niya ito sa kanyang ipinagawang kulungan na nagkakahalaga ng ₱25,000. Sa loob lamang ng anim na buwan, gumastos siya ng ₱15,000 para sa pagkain nito. Kumuha si Mang Kanor ng dalawang tao na tagapag-alaga ng kanyang mga baboy na binayaran naman niya ng ₱2,000 bawat isa. Pagkaraan ng anim na buwan, naibenta ni Mang Kanor ang kanyang mga baboy sa halagang ₱12,500 bawat isa.Magkano ang benta ni Mang Kanor sa isang biik pagkalipas ng anim na buwan?

a)

      12,000                   

b)

12, 700          

c)

12, 200         

d)

12,500

50.

 

Si Mang Kanor ay bumili ng 20 biik sa halagang ₱2,000 bawat isa. Inilagay niya ito sa kanyang ipinagawang kulungan na nagkakahalaga ng ₱25,000. Sa loob lamang ng anim na buwan, gumastos siya ng ₱15,000 para sa pagkain nito. Kumuha si Mang Kanor ng dalawang tao na tagapag-alaga ng kanyang mga baboy na binayaran naman niya ng ₱2,000 bawat isa. Pagkaraan ng anim na buwan, naibenta ni Mang Kanor ang kanyang mga baboy sa halagang ₱12,500 bawat isa.Magkano ang kabuuan na benta ni Mang Kanor sa 20 na biik?

a)

   250,000                       

b)

230,000         

c)

   200,000                  

d)

210,000