Font size
WorksheetsInteraksiyon ng Demand at Supply
Total questions: 40
Worksheet time: 18mins
Ito ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa atkayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayangipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyongkanilang pinagkasunduan.
surplus
shortage
ekwilibriyo
market failure
Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser
ekwilibriyo
ekwilibriyong dami
suggested retail price
ekwilibriyong presyo
Ito ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.
ekwilibriyo
ekwilibriyong dami
suggested retail price
ekwilibriyong presyo
Ito ang tawag sa punto kung saan ang quantity demanded at quantity supplied ay may parehong bilang sa isang takdang halaga o presyo.
punto ng ekwilibriyo
ekwilibriyong dami
surplus
ekwilibriyong presyo
Ito ang dalawang uri ng disekwilibriyo sa pamilihan.
scarcity and shortage
market failure at SRP
surplus at shortage
prodyuser at konsyumer
Kailangan ni Chiello ng isang dosenang rosas para sa kaarawan ngkaniyang ina ngunit siyam na rosas lamang ang natitira sa flower shop.
ekwilibriyo
shortage
surplus
Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang Php50 at sa damina 30.
ekwilibriyo
shortage
surplus
May 100 sako ng palay si Isko ngunit 70 sako lamang ang handang bilhinng bumibili nito.
ekwilibriyo
shortage
surplus
May 36 na panindang payong si Berlin. Dahil sa biglaang pagbuhos ngulan, naubos lahat ang kaniyang paninda.
ekwilibriyo
shortage
surplus
Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni Aling Nery dahil sa suspensiyonng klase kaninang umaga.
ekwilibriyo
shortage
surplus
Naubos kaagad ni Mang Kiko ang kaniyang paninda nang bilhin lahat ngmga turista ang mga ito.
ekwilibriyo
shortage
surplus
Sa sobrang init ng panahon, naging matumal ang benta ng lugaw ni Jocelyn.
ekwilibriyo
shortage
surplus
Isandaang kilo ang supply ng sibuyas sa Gapan City Public Market atisandaang kilo rin ang demand para rito
ekwilibriyo
shortage
surplus
May 50 lapis ang kailangan ng mga mag-aaral sa Paaralang Elementaryang San Roque ngunit 30 lamang ang natitirang supply ng Rose School Supplies.
ekwilibriyo
shortage
surplus
Biniling lahat ni Ventor ang mga tindang biko ni Clara.
ekwilibriyo
shortage
surplus
Ang ekwilibriyo sa pamilihan o market equilibrium ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang presyo ay __________________.
tataas sanhi ng kompetisyon ng mga sellers.
nasa antas kung saan walang surplus o shortage.
mataas, sapat para sa mga kompanya na magkaroon ng sapat na tubo
mababa, sapat upang mabili ng mga konsyumers ang kanilang gusto.
Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas marami kaysa sa quantity demanded.
Ekwilibriyo
Disekwilibriyo
Shortage
Surplus
Ang kalagayan ng pamilihan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied.
Ekwilibriyo
Disekwilibriyo
Shortage
Surplus
Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas kaunti kaysa sa quantity demanded.
Shortage
Surplus
Ekwilibriyo
Disekwilibriyo
Kung may surplus sa pamilihan, ano ang mangyayari sa presyo ng produkto o serbisyo?
Mananatili
Bababa ang presyo
Mawawala ang halaga
Tataas ang presyo
Ano ang P sa supply function na Qs = 400P, kung ang nakompyut na Qs ay 1,200?
3
4
5
10
Kung ang P ay Php2 sa demand function na Qd =1000 - 200P, ano ang Qd?
400
500
600
800
Ang puntong ekwilibriyo ay bahagi ng graph ______________________
kung saan nagsisimula ang demand curve.
kung saan nagkakaroon ng shift ng supply curve.
kung saan ang demand curve at supply curve ay nag- iintersect.
kung saan ang demand curve at supply curve ay magkahilera.
.Anong konseptong pang-ekonomiya ang isinasaad sa pahayag sa ibaba?
Naisipan ni Geraldine na magtinda ng kaniyang home-made ice cream. Sa unang araw, gumawa siya ng 50 ice cream at ibinenta sa halagang sampung piso kada piraso. Nalungkot siya dahil maraming natira sa kaniyang paninda.
surplus
shortage
ekwilibriyo
disekwilibriyo
May 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas
6
10
20,000
30,000
Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng quantity demanded sa quantity supplied. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
Sa presyong ito, hindi masaya ang kosyumer dahil ang labis na quantity demanded ay hindi napupunan ng labis na quatity supplied
Sa presyong ito, may labis na quantity supplied sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang tumaas ang kita.
Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer
Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito
Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito
Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas. Ito ang nagbibigay-daan sa paglipat ng kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.
Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahala sa buhay.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahayag sa konseptong pang-ekonomiya ng surplus?
Biniling lahat ni Alexis ang mga tindang ice cream ni Mary Ann.
Naubos kaagad ang panindang barbecue ni Tiya Isabel matapos itong pakyawin ng mga papauwing studyante.
Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni Mang Selo dahil sa suspensiyon ng klase kaninang umaga.
Nais bumili ni Allan ng isang kilong sibuyas ngunit kalahating kilo lamang ang dala nito pag-uwi dahil nagkaubusan na sa palengke.
Ang pamilihan ay maaring makaranas ng shortage kung mas marami ang quantity supplied kaysa quantity demanded.
TAMA
MALI
Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at kayang ipagbiling produkto o serbisyo ng prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang napagkasunduan.
TAMA
MALI
Mahalaga ang pagsusuri ng demand at supply dahil naitakda nito ang presyo ng produkto at serbisyo.
TAMA
MALI
Ang surplus ay nararanasan sa pamilihan kung ang dami ng demand ay mas malaki kaysa sa dami ng supply
TAMA
MALI
Kapag tumaas ang kita ng mga tao at walang paggalaw sa dami ng supply. Ang kurba ng demand ay papunta sa kanan.
TAMA
MALI
Ang disekwilibriyo ay isang sitwasyon na kalagayan sa pamilihan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied sa takdang presyo.
TAMA
MALI
Ang pagmura ng hilaw na sangkap sa paglikha ng produkto ay manganagahulugan na paglipat ng kurba ng supply sa kanan.
TAMA
MALI
Kapag ang sabay na gumalaw ang kurba ng demand at kurba ng supply papuntang kanan na pawang pareho ang itinaas, ang presyong ekwillibriyo ay mananatili.
TAMA
MALI
Ang presyong ekwilibriyo ay napagkasunduang presyo ng mamimili at prodyuser.
TAMA
MALI
Ang pamilhan ay isang lugar na nagpapakita ng epektibong transaksyon sa pagitan ng mamimili at nagbibili.
TAMA
MALI
Anong equation ang nagpapakita ng ekwilibriyo?
QD > QS
QD < QS
QD ≦ QS
QD = QS
Tignan ang larawan. Ano ang ekwilibriyong Presyo nito?
20
30
50
70
