NEW
Font size
WorksheetsESP 2nd Grading Long Quiz
Total questions: 25
Worksheet time: 10mins
1. Ito ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak, at sitwasyon.
Desisyon
Mabuti
Pagtulong
Tama
2. Sino ang nagwika ng pangungusap na ito, “Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan”?
Santo Tomas de Aquino
Max Scheler
Dr. Manuel Dy Jr.
Jacques Maritain
3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
Ito ay ayon sa mabuti.
Walang nasasaktan.
Makapagpapabuti sa tao.
Magdudulot ito ng kasiyahan.
4. Bakit kailangang sundin ang batas?
Upang mabawasan ang mga krimen sa lipunan
Upang maging magaan na ang trabaho ng mga pulis
Upang makamit ang mithiin tungo sa kaunlaran at kapayapaan
Upang maging malaya ang bawat isa
5. Alin sa sumusunod na mga karapatan ang may kaakibat na tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa?
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Karapatan sa buhay
Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
Karapatang sumamba
6. Ito ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay.
Dignidad
Kalayaan
Karapatan
Tungkulin
7. Ano ang obheto ng paggawa?
Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha.
Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.
Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.
8. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa. Alin ang hindi mo dapat isagawa?
Ang paggawa para sa aking kapuwa at kasama ang aking kapuwa.
Ang paggawa ko ng isang bagay para sa iba.
Ang paggawa ko nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot ko sa aking kapuwa.
Ang paggawa ko ay pagpakilala ng kagalingan ko sa paglikha.
9. Ang mga sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa:
Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
Isang gawain ng tao na palagiang isinagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa.
Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagklukusa, at pagkamalikhain.
Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa.
10. Alin sa sumusunod ang hindi umaayon sa Likas na Batas na Moral?
Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga mangagawa ng walang konsultasyon.
Pagmungkahi sa mga Ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar.
Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili.
Paghikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng lingo.
"Itinakas ni Harun ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State."
11. Anong karapatan sa sitwasyon na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan?
Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib.
Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon).
Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas.
12. Maraming sako ng bigas ang nakatago sa 50-container van ni Mang Jose bukod sa nakikita sa kaniyang tindahan sa palengke. Sa gitna ng panawagan ng pamahalaan ng tulong sa pagkain, pera at damit para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, 30 sako ng bigas lamang ang pinadala niya sa Samar at Leyte.
Anong uri ng likas na karapatan ng tao ang nilabag sa sitwasyon?
Karapatan sa buhay
Karapatan sa magtrabaho o maghanapbuhay
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatang mag-asawa
13. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
Iniiwasan ni Samantha kumain ng karne at matatamis na pagkain.
Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Yvette para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
Sumasali si Jonie sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
Nagsimula ng soup kitchen ang magkapatid na Ronier at Renier para sa mga batang kalye.
14. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa. Alin ang hindi mo dapat isagawa?
Ang paggawa para sa aking kapuwa at kasama ang aking kapuwa.
Ang paggawa ko ng isang bagay para sa iba.
Ang paggawa ko nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot ko sa aking kapuwa.
Ang paggawa ko ay pagpakilala ng kagalingan ko sa paglikha.
15. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
Pananagutan
Dignidad
Karapatan
Tungkulin
16. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
Pagkakaisa
Kabutihang Panlahat
Pag-unlad
Pagtataguyod ng Pananagutan
17. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
Karapatan sa buhay
Karapatanng maghanapbuhay
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatang pumunta sa ibang lugar
18. Aling karapatan ang isinasaaad sa bawat tungkulin na nasa larawan? ·
Karapatan sa buhay
Karapatang maghanapbuhay
Karapatang magpakasal
Karapatang pumunta sa ibang lugar
19. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat mamamayan?
Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan.
Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming batas.
Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pagunlad ng ekonomiya ng bansa.
Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan.
20. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
Si Maria na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo.
Si Jose na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.
Si Carlos na nag- eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.
Si Denise na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.
21. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala tungkol sa Likas na Batas Moral?
Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
Nag-iiba ang likas na batas moral batay sa kultura at kinagisnan.
Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat.
Maraming anyo ang likas na batas moral.
22. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
Ito ay mahalaga sapagkat...
Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Lahat ng nabanggit.
23. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hanggat kaya mo at mayroon kang kayang gawain para sa ikabubuti ng iyong lipunan. Ang pahayag na ito ay:
Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilika ayon sa wangis ng Diyos.
Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibong kasapi nito at ginagawa niya ito bilang pampalipas-oras.
Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kaniyang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.
Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroon silang hinihintay na kapalit.
24. Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa
pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon.
Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
25. Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” ng mga medical na doctor?
Gawin lagi ang tama.
Ingatan na huwag saktan ang tao.
Gamutin ang sarling sakit bago ang iba.
Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.
