NEW
Font size
WorksheetsFPL_Akad Quiz 1
Total questions: 25
Worksheet time: 4mins
1. Ikaw ay nahilingang magbigay ng talumpati ukol sa pagpapatuloy ng online class sa bansa. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang una mong gagawin?
A.Pagbuo ng pangunahing kaisipan ng paksang tatalakayinA.
B. Pananaliksik ng datos
C. Pagpili ng naaangkop na istilong gagamitin
D. Paghihimay-himay sa mahahalagang detalyeng bibigyang pansin upang maging komprehensibo ang talumpati.
2. Ang layunin ng talumpati ay ang mga sunusunod, maliban sa ____________.
manghikayat
tumugon
mangatwiran
makipag-away
3. Ang layunin ng talumpati ay ang mga sunusunod, maliban sa ____________.
magbigay ng kaalaman
maglaan ng badyet
manlibang
magpakilala
4. Ang layunin ng talumpati ay ang mga sunusunod, maliban sa ____________.
magbigay-galang
magparangal
maglakbay
pumukaw ng damdamin
5. Ano ang uri ng talumpati na kung saan ang pamamaraan ay biglaan kung saan ito ay hindi napaghandaan ng mananalumpati?
Impromptu
Extemporanyo
Pinaghandaan
Instropeksyon
6. Ano ang uri ng talumpati na kung saan ang mananalumpati ay may maikling panahon lamang upang pag-isipan ang sasabihin, karaniwang hindi ito naisulat at hindi rin naisaulo ang sasabihin?
Impromptu
Extemporanyo
Pinaghandaan
Instrospeksyon
7. Ano ang uri ng talumpati na kung saan ang mananalumpati ay may panahon upang pag-isipan ang sasabihin, kadalasan itong binabasa?
A. Impromptu
Impromptu
Extemporanyo
Pinaghandaan
Pictorial
8. Anong bahagi ng talumpati na kung saan ang layunin ng paksa ay inilalahad kasabay ng stratehiya upang makuha ang atensyon ng tagapakinig?
Impromptu
Simula
Katawan
Wakas
9. Anong bahagi ng talumpati na kung saan ang paksa ay tinatalakay at masusing inilalahad ang mga puntong sumusuporta rito?
Impromptu
Simula
Katawan
Wakas
10. Anong bahagi ng talumpati na kung saan ang paksa ay binubuod at hinihikayat ang tagapakinig ng pagkilos?
Impromptu
Simula
Katawan
Wakas
11. Sa pagpili ng paksang gagamitin sa isang talumpati, mahalaga na sundin ang mga sumusunod upang makabuo ng isang mahusay na talumpati, maliban sa _________
A. Gawing organisado ang mga pangungusap at talata.
B. Ibatay sa katotohanan ang mga impormasyon.
C. Magpaimpres sa tagapakinig sa pamamagitan ng paggamit ng salitang hindi nauunawaan ng lahat.
D. Gawing lohikal ang pagpapahayag.
12. Sa pagpili ng paksang gagamitin sa isang talumpati, mahalaga na sundin ang mga sumusunod upang makabuo ng isang mahusay na talumpati, maliban sa _____________.
A. Pumili ng magandang paksa
B. Simulan sa pagbabalangkas ng ideya.
C.Iwasang maging nakakabagot ang iyong pagtatalumpati.
D. Iwasang maging senstibo.
13. Ang talumpating nagpaparangal ay isinasagawa sa mga okasyong tulad ng mga sumusunod maliban sa ___________:
A. Patimpalak
B. Pamamaaalam sa yumao
C. Paglipat ng Katungkulan
D. Panayam
14. Ang talumpati ay isinasagawa sa mga okasyong tulad ng mga sumusunod maliban sa ___________:
A. Patimpalak
B. Misa sa patay
C. salu-salo
D. Pakikipag-usap sa kaibigan
15. Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining na kailangang paghandaan bago bigkasin sa harap ng mga tao. Isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati, maliban sa _________.
A.Tema o paksang tatalakayin
B. Huwaran sa pagbuo ng talumpati
C. Kasanayan sa paghabi ng mga talumpati
D. Badyet na kakailanganin.
16. Ito ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
A. Talumpati
B. Panukalang Proyekto
C. Lakbay Sanaysay
D. Replektibong Sanaysay
17.Anong bahagi sa panukalang proyeto nakasaad ang pangalan ng proyekto?
A. Layunin
B. Timeline
C. Pamagat
D. Tagapamahala
18.Anong bahagi sa panukalang proyeto nakasaad ang pakay ng proyekto?
A. Layunin
B. Timeline
C. Pamagat
D. Tagapamahala
19.Anong bahagi sa panukalang proyeto nakasaad ang mga tao na responsable sa pagsasakatuparan proyekto?
A. Layunin
B. Timeline
C. Pamagat
D. Tagapamahala
20.Anong bahagi sa panukalang proyeto nakasaad ang halaga ng salaping gagamitin upang maisakatuparan ang proyekto?
A. Layunin
B. Timeline
C. Pamagat
D. Badyet
21.Anong bahagi sa panukalang proyeto nakasaad ang iskedyul ng pagsasakatuparan ng proyekto?
A. Layunin
B. Timeline
C. Pamagat
D. Badyet
22.Ang mga sumusunod ay katangian ng panukalang proyeto maliban sa __________:
A. Ang target na badyet ang naglalaman ng iskedyul kung gaano katagal ang proyekto.
B. Ito ay detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema.
C. Mahalaga na maging praktikal at ispesipiko ang isang panukala.
D. Makatutulong kung gagamit ng chart para markahan ang pagsagawa ng bawat gawain.
23.Ang mga sumusunod ay katangian ng panukalang proyeto maliban sa __________:
A. Mahalaga na maitala ang mga kailangan upang malutas ang kanilang mga suliranin.
B. Ang layunin ay kailangang maging simple.
C. Mahalaga na makabuo ng kongklusyon base sa larawang inilahad.
D. Nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos.
24.Ang mga sumusunod ay katangian ng panukalang proyeto maliban sa __________:
A. May basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto.
B. Nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
C. Mahalaga ang kabuuang kaisipan upang maipahayag ang argumento.
D. Makikita rito ang listahan ng mga taong hahawak ng responsibilidad.
25. .Anong uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay?
A.Lakbay-Sanaysay
Bionote
Replektibong Sanaysay
Talumpati
