NEW
Font size
WorksheetsAP-Q2 PT REVIEWER 1
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ano ang tawag sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa mga anito at diwata na nananahan sa kapaligiran?
Animismo
Kristiyanismo
Islam
Taoismo
Kadalasan makikita ang estatwang kahoy na tinawag na Bul-ol na sumisimbolo sa Diyos ng mga Ifugao, ano ang paniniwala nila dito ?
Magbibigay ng maraming huling isda
Magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Magkakaroon ng kapangyarihang makapaggamot
Magbibgay ng masaganang ani at proteksyon sa mga sakit
Ang paglalagay ng tato sa katawan noong unang panahon ay sumisimbolo ng kagitingan at kagandahan ng mga sinaunang Pilipino, ano ang tawag sa pamamaraang ito?
Pagbuburda
Pagbabatok
Paglalala
Pangangayaw
Paano inihahanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao para sa kabilang buhay?
Ang bangkay ay nililinis at agad inililibing.
Ang bangkay ay inilalagay agad sa tapayan.
Ang yumao ay dinarasalan ng siyam na araw bago ilibing.
Sa pamamagitan ng paglilinis, pagpapahid ng langis, at pagbibihis ng magagarang kasuotan sa bangkay.
Ang mga sumusunod ay sinaunang kasuotan ng mga kalalakihan, ano ang HINDI kabilang?
Bahag
Patadyong
Kangan
Putong
Ano ang tawag sa sinaunang instrumento ng mga katutubo na gawa sa sungay ng kalabaw?
Kaleleng
Gangsa
Tambuli
Pluta
Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao kabilang na ang paniniwala, kaugalian, musika, relihiyon, at pagpapahalaga?
Ritwal
Pamahiin
Angkan
Kultura
Ano ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino ?
Alibata
Baybayin
Panitikan
Babaylan
Bago simulan ng sinaunang Pilipino ang mga gawain, nagsasagawa sila ng ritwal na pinangungunahan ng Katalonan sa mga Tagalog. Ano naman ang tawag sa tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng diyos sa mga Bisaya ?
Anito
Diwata
Babaylan
Bathala
Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa isang Dakilang Nilalang na may likha ng langit, lupa at tao. Ano ang tawag ng mga Tagalog sa Dakilang Lumikha ng daigdig?
Bathala
Allah
Kristo
Diwata
Paano nakikilala ang mga magigiting at malalakas na mandirigma sa sinaunang Pilipino?
Sa bilang o dami ng napatay
Pagkakaroon ng maraming sandata
Batay sa kulay ng kanilang kasuotan
Pagkakaroon ng tato o permanenteng marka sa katawan
Ano ang sistema ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino ?
Pormal
Modular
Blended
Di-Pormal
Walang Pormal ang uri ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino, nangangahulugan ito na nag-aaral sila sa _______.
paaralan
unibersidad
silid-aralan
kani-kanilang tahanan
Bakit itinuturo ang mga kasanayan tulad ng pagsasaka, pangingisda at pagmimina sa mga batang lalaki ?
Upang ihanda sa pagiging isang datu
Upang maging huwaran sa kanyang pamayanan
Upang ihanda sa paglilingkod sa kanyang barangay
Upang ihanda sa pagiging mabuting tagapagtaguyod ng pamilya
Para sa mga sinaunang Pilipino , ang tato ay simbolo ng ___________.
pagiging kriminal
kagitingan at kagandahan
pagkaalipin
kayamanan
Anong tawag ng mga Espanyol sa mga Pilpinong puno ng tato ?
babaylan
katalonan
bul-ol
pintados
Ang tawag sa sistema ng pamahalaan ng unang Pilipino.
Balangay
Barangay
Demokratiko
Sultanato
Ang Barangay ay mula sa salitang balangay na isang uri ng __________ .
kagamitan
pagkain
tulay
sasakyang-pandagat
Ang tawag sa uri ng pamamahala ng mga Muslim ay __________ .
Barangay
Demokratiko
Sultanato
Monarkiya
Ang batas ng Barangay ay ipinapaalam sa pamamagitan ng Umalohokan. Siya ay __________ .
tagapagbalita
tagapayo
pinuno
pari
Bakit itinatag ng mga Unang Pilipino ang kalipunan ng mga barangay ?
magkakilala ang bawat isa
makabuo ng iba't ibang pangkat
maraming maging kaibigan
mapangalagaan ang isa't isa laban sa mga kaaway
Ang Sanduguan ay isang seremonyang sumasagisag sa __________ .
paglilitis
pakikipagkaibigan
kasaganaan
pakikipagkalakalan
Ang Barangay at Sultanato ang naging sistema ng pamamahala noong unang panahon bago dumating ang mga Kastila. Paano sila nagkakaiba ?
Namamana ang pagiging Sultan.
Walang kapangyarihan ang Barangay.
Higit na malawak ang nasasakupan ng Barangay kaysa sa Sultanato.
Ang Barangay ay pinamumunuan ng Datu at ang Sultanato ay Sultan.
Pinahahalagahan ng mga unang Pilipino ang mga kababaihan sa pamamagitan ng __________ .
paglalakad ng nahuhuli sa kalsada
pagbibigay ng tungkulin sa simbahan
ipatupad ang kautusan buhat sa Espanya
pagkilala na ang babae ay kapantay ng lalaki
Ang Islam ay isang salitang Arabe na ang kahulugan ay __________ .
kasipagan
katapatan
kapayapaan
katalinuhan
