Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino

Total questions: 50

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang nagbibigay ng panuto?

a)

Maaraw ang panahon ngayon.

b)

Kunin mo ang payong.

2.

Gumuhit ng bilog sa loob ng parisukat.

Alin ang tamang larawan?

a)
b)
c)
3.

Alin ang panuto na dapat sundin kapag nasa loob ng silid-aklatan?

a)

Makipag-usap sa katabi.

b)

Magbasa ng tahimik.

c)

Kumuha ng maraming aklat.

4.

Tumingin sa ilaw trapiko bago tumawid ng daan.

Saang lugar sinusunod ang panutong ito?

a)

SIMBAHAN

b)

PAARALAN

c)

KALSADA

5.

Aling larawan ang nagpapakita ng tamang pagtataas ng kamay upang sumagot sa guro?

a)
b)
c)
6.

Isang umaga, nasalubong ni Ana ang kanyang guro. Anong pagbati ang nararapat niyang sabihin?

a)

Magandang umaga po.

b)

Magandang hapon po.

c)

Magandang gabi po.

d)

Salamat po.

7.

Mabilis na naglalakad si Lito dahil mahuhuli na siya sa klase nang bigla niyang nasagi ang bata? Ano ang dapat niyang sabihin sa bata?

a)

Mabuti naman

b)

Paumanhin po.

c)

Kamusta po.

d)

Nasaktan kita.

8.

Binigyan ka ng pagkain ng Tiya mo. Ano ang sasabihin mo?

a)

Kamusta ka?

b)

Wala pong anuman.

c)

Maraming salamat po.

d)

Mabuti naman po.

9.

Papasok ka sa paaralan. Ano ang sasabihin mo sa iyong Tatay at Nanay?

a)

Magandang umaga po, Tatay/ Nanay.

b)

Salamat po, Tatay/ Nanay.

c)

Paalam na po, Tatay/ Nanay.

d)

Paumanhin po, Tatay/ Nanay.

10.

Nagpasalamat ang iyong kalaro sa pagtulong mo sa kanyang makatayo dahil nadapa siya. Ano ang iyong isasagot?

a)

Walang anuman po.

b)

Makikiraan po.

c)

Magandang umaga po.

d)

Salamat po.

11.

May mga gurong nag- uusap sa tapat ng inyong silid- aralan at ikaw ay lalabas. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Paumanhin po.

b)

Kamusta po.

c)

Makikiraan po.

d)

Walang anuman po.

12.

Wala kang baon, hinatian ka ng iyong kamag- aral. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Walang anuman po.

b)

Magandang gabi po.

c)

Salamat po.

d)

Paumanhin po.

13.

Ano ang KASINGKAHULUGAN ng salitang maganda?

a)

katamtaman

b)

marikit

c)

pangit

14.

Ano ang KASINGKAHULUGAN ng salitang matangkad?

a)

pandak

b)

mataba

c)

mataas

15.

Ano ang KASINGKAHULUGAN ng salitang matalino?

a)

marunong

b)

mahina

c)

mabilis

16.

Ano ang KASINGKAHULUGAN ng salitang malinamnam?

a)

mapait

b)

masarap

c)

marami

17.

Ano ang KASALUNGAT ng salitang mali?

a)

hindi

b)

tama

18.

Tumutukoy sa mga gumaganap sa kwento gaya ng tao at hayop.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

19.

Tumutukoy sa mahahalagang pangyayari sa kuwento ayon sa tamang pagkakasunod - sunod.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

pangyayari

20.

Tumutukoy sa lugar at panahon ng kuwento.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

pangyayari

21.

Anong elemento ng kwento ang ipinapakita sa larawan

a)

Tauhan

b)

Panahon

c)

Suliranin

d)

Tagpuan

22.

Anong elemento ng kuwento ang mga sumusunod:


Si Jessie ay walong taong gulang at nasa ika-tatlong baitang.

a)

Tauhan

b)

Panahon

c)

Tagpuan

d)

Suliranin

e)

Banghay

23.

__________ ang prinsesa habang sumasayaw ng Singkil.

a)

Pinapasan

b)

Pinapakain

c)

Pinapayungan

24.

Ang mga lalaki ay gumagamit ng mahabang kawayan habang ang magkapareha ay __________ ng Tinikling.

a)

kumakanta

b)

tumutula

c)

sumasayaw

25.

__________ sa bangko ang mga mananayaw ng sayaw sa Bangko.

a)

Nakatuntong

b)

Nakalutang

c)

Lumilipad

26.

Ang mga babae ay __________ ng ilaw habang sumasayaw ng Pandanggo.

a)

nagdadala

b)

nagsisindi

c)

gumagawa

27.

Ang Maglalatik ay sayaw na __________ ng bao.

a)

ginagatungan

b)

ginagamitan

c)

ginagalingan

28.

Kumakain ako ng gulay araw-araw kaya ako ay malakas.

a)

sanhi

b)

bunga

29.

Mataas ang aking mga iskor kasi nakikinig ako palagi sa aking mga guro.

a)

sanhi

b)

bunga

30.

Maaga akong natutulog sa gabi kaya nakakapasok din ako nang maaga sa klase.

a)

sanhi

b)

bunga

31.

Madali kong mahanap ang aking mga gamit dahil inaayos ko ito palagi.

a)

sanhi

b)

bunga

32.

Maraming langgam sa mesa kasi naiwang bukas ang mga tsokolate.

a)

sanhi

b)

bunga

33.

Ito ang takip ng aklat. Karaniwan itong may matingkad na larawan upang makatawag pansin sa mambabasa.

a)

Katawan ng aklat

b)

Pahina ng pamagat

c)

Glosari

d)

Pabalat

34.

Makikita sa bahaging ito kung sino ang nagpalimbag ng aklat at kung kailan ito ipinalimbag.

a)

Pabalat

b)

Paunang Salita

c)

Pahina ng Karapatang Sipi

d)

Indeks

35.

Nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat ng may-akda ang aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito.

a)

Pahina ng Karapatang Sipi

b)

Paunang Salita

c)

Talaan ng Nilalaman

d)

Bibliograpi

36.

Nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na nakaayos nang paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.

a)

Indeks

b)

Pabalat

c)

Pahina ng Pamagat

d)

Katawan ng Aklat

37.

Nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang impormasyon.

a)

Bibliograpi

b)

Indeks

c)

Pabalat

d)

Pahina ng Karapatang Sipi

38.

Makikita rito ang pahina ng bawat paksang tinatalakay sa aklat.

a)

Katawan ng Aklat

b)

Indeks

c)

Talaan ng Nilalaman

d)

Pabalat

39.

Nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang impormasyon.

a)

Bibliograpi o Talasanggunian

b)

Indeks

c)

Glosari

d)

Phina ng Pamagat

40.

Nakatala rito ang mga kahulugan ng mahihirap na mga salitang ginamit sa aklat.

a)

Glosari

b)

Talaan ng Nilalaman

c)

Pabalat

d)

Pahina ng Karapatang Sipi

41.

Makikita rito ang mga paksa at araling nilalaman ng aklat.

a)

Katawan ng Aklat

b)

Pahina ng Pamagat

c)

Pabalat

d)

Talaan ng Nilalaman

42.

Ito ang takip ng aklat. Karaniwan itong may matingkad na larawan upang makatawag pansin sa mambabasa.

a)

Katawan ng aklat

b)

Pahina ng pamagat

c)

Glosari

d)

Pabalat

43.

(Nagsipilyo, Nagsisipilyo, Magsisipilyo) ako ng ngipin araw-araw.

a)

Nagsipilyo

b)

Nagsisipilyo

c)

Magsisipilyo

44.

(Tinupi, Tinutupi, Tutupiin) ko ang mga damit ngayon.

a)

Tinupi

b)

Tinutupi

c)

Tutupiin

45.

Si Nenita ay (nagluto, nagluluto, magluluto) ng ginataan mamaya.

a)

nagluto

b)

nagluluto

c)

magluluto

46.

Ssshh! Huwag kayong maingay kasi (natulog, natutulog, matutulog) nang mahimbing ang sanggol sa duyan.

a)

natulog

b)

natutulog

c)

matutulog

47.

(Umalis, Umaalis, Aalis) na sila kanina.

a)

Umalis

b)

Umaalis

c)

Aalis

48.

Ang maagap na bata ay (kumilos, kumikilos, kikilos) agad sa paggawa ng anumang gawain.

a)

kumilos

b)

kumikilos

c)

kikilos

49.

Si Mang Ambo ay lagi naming (tinawag, tinatawag, tatawagin) kapag may problema sa tubig sa aming bahay.

a)

tinawag

b)

tinatawag

c)

tatawagin

50.

Ang mga kabataan sa aming barangay ay (tumulong, tumutulong, tutulong) sa paglilinis ng kapaligiran kahapon.

a)

tumulong

b)

tumutulong

c)

tutulong