NEW
Font size
WorksheetsESP Q2
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
Ano ang tawag sa kilos ng tao na isinasagawa nang may kaalaman, malaya at kusa?
Kilos ng tao
Kilos na wasto
Makataong kilos
Mapagpanggap
Ilang uri ang kilos ng tao?
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Ayon kay (Aristotle) Aristoteles, mayroong ilang uri ng kilos ayon sa kapanagutan (accountability)?
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Kung mabuti ang kilos ito, ay katanggap-tanggap, at kung masama ang kilos, ito ay kahiya- hiya at dapat ____
Ikahiya
Itago
Pagsisihan
Tularan
Ilan ang salik na nakaaapekto sa makataong kilos?
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anong salik na nakaaapekto sa makataong kilos ang tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao?
Gawi
Kamangmangan
Konsensiya
Takot
Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa. Anong salik na nakaaapekto sa makataong kilos ang tinutukoy nito?
Gawi
Karahasan
Masidhing Damdamin
Takot
Ito ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humarap sa anumang uri ng pagbabanta sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay. Anong salik na nakaaapekto sa makataong kilos ang tinutukoy nito?
Gawi
Kamangmangan
Masidhing Damdamin
Takot
Kailan walang pananagutan sa isang krimen ang isang taong nakapatay? Kapag ____
Resulta ang kanyang kilos bilang pagtatanggol ng sarili o ng ibang tao.
Nagawa niya ito sa isang tao na itinuturing na patapon sa lipunan.
Kailangan ng tao na kumilos ng ayon sa napapanahong kilos.
Importante itong gawin dahil wala siya sa tamang pag-iisip.
Bakit walang pananagutan sa isang krimen ang isang taong wala sa matinong pag-iisip?
Wala siyang kakayahan na ipagtanggol ang kanyang sarili
Salat siya sa kaalaman kung anong gawain ang tama at mali.
Hindi siya binibigyan ng tamang gabay sa kanyang mga kilos.
Itinuturing siyang banta sa kaligtasan ng kanyang kapuwa tao.
Ilan ang kategorya ng yugto ng makataong kilos?
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Ilan ang yugto ng makataong kilos ayon kay St. Thomas Aquinas?
Labing Dalawa
Labing Tatlo
Labing Apat
Labing Lima
Para maisagawa ang isang Moral na Pagpapasiya, makakatulong sa tao ang proseso ng _____. Ano ang nawawalang salita sa patlang?
Gawi
Pagkatakot
Pakikinig
Tanong
Isang hakbang para sa moral na pagpapasiya ay ang pag-alam sa kung ano ang sinasabi ng inyong . Ano ito?
Gawi
Konsensiya
Pakikinig
Tanong
Anong yugto ng makataong kilos ang ipinapakita kapag nagkaroon ng hindi magandang resulta ang isang kilos ng tao?
Bunga
Pagpili
Pagkaunawa sa Layunin
Utos
Bakit kaliangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao? Upang ____
Magsilbing gabay sa buhay
Magsilbing paalala sa mga gawain
Magkaroon ng sapat na pagpipilian
Mapagnilayan ang bawat panig ng isang isasagawang pagpili
Kung ikaw ay magsagawa ng pasiya, ano ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
Isaisip ang posibilidad
Umasa at magtiwala sa Diyos
Maghanap ng ibang kaalaman
Umasa sa sarili lamang
Ano ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian?
Kakayahan
Kilos
Damdamin
Pasiya
Ano ang tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos?
Kilos
Layunin
Sino
Sirkumstansya
Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang
itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy? At bakit?
Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan
Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
Mali, kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
