wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 10 Reviewer(3rd monthly)

Total questions: 20

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ang kapangyarihan na gumawa ng pasya o pumili ng mga bagay na gusto mong gawin.

a)

gawi

b)

kilos-loob

c)

isip

d)

pagkukusa

2.

Ang kamangmangan ay di madaraig kung walang pamamaraan ng magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan at ito ay tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kanyang kilos o pasiya.

a)

tama

b)

mali

3.

Ang kilos ng tao(act of man) ay ginagamitan ng isip at kilos-loob.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Ang makataong kilos(human act) ay walang kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Ang bigat ng pananagutan sa isang makataong kilos ay nakabatay sa digri ng kagustuhan o pagkukusa.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Kung ang takot ay magdudulot ng pansamantalang kaguluhan ng isip at nawala ang kakayahang mag-isip ng wasto, ang pananagutan ay nawawala.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Ang gawi(habit) ay hindi nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong kilos.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Ang isip ay kaugnay ng salitang kilos-loob.

a)

tama

b)

mali

9.

Mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw.

a)

gawi

b)

takot

c)

kilos-loob

d)

masidhing damdamin

10.

Ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kalooban.

a)

kilos-loob

b)

karahasan

c)

takot

d)

masidhing damdamin

11.

Hindi maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?

a)

Pagsuntok sa kaibigan dahil sa biglaang panloloko.

b)

Pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo.

c)

Pagsagot sa lahat ng iyong manliligaw.

d)

Panlilibre sa barkada dahil birthday mo.

13.

Nasa pampublikong lugar kayo nang bigla kang hagisan ng iyong kaibigan ng laruang hawig ahas at ikaw ay napasigaw ng napakalakas dahil sa gulat. Maaari ka bang panagutin ng alarm and scandal sa naging kilos mo?

a)

Oo, dahil maraming tao ang maaaring naistorbo sa pagsigaw

b)

Hindi, dahil ito ay likas na reaksyon ng pagkagulat at hindi isip o kilos-loob

c)

Hindi, dahil nasa pampublikong lugar lang naman kami

d)

Oo, dahil malakas ang pagsigaw

14.

Nanlaban ka sa snatcher. Nagpambuno kayong dalawa dahil pilit niyang kinukuha sa iyo ang iyong alahas. Di sinadya ay napukpok mo ng batong nahawakan mo ang kanyang ulo. Duguan ang snatcher na tumakbong palayo. Meron ka bang kapanagutan sa iyong kilos?

a)

mayroong pananagutan, sapagkat nakasakit ako ng kapwa

b)

walang pananagutan, sapagkat pinagtanggol ko lamang ang sarili ko sa karahasan

15.

Isang taong wala sa matinong pag-iisip ang biglang binasag ang salamin ng iyong motorsiklo. Anong salik ang nakaapekto sa taong ito upang gawin ang nasabing kilos.

a)

takot

b)

masidhing damdamin

c)

karahasan

d)

kamangmangan

16.

Sa sobrang pagkagusto ni Jewerson sa kanyang nililigawan, ay nagagawa nitong magsinungaling sa kanyang magulang. Laging tinatakasan ang mga gawaing bahay na para sa kanya. Anong salik ang nakakaapekto sa kilos ni Jewerson?

a)

masidhing damdamin

b)

takot

c)

karahasan

d)

kamangmangan

17.

Inutusan si Riley na bumili ng gamot sa botika. Bumalik siyang may dalang gamot subalit ibang uri ito ang nabili dahil umalis siya na hindi malinaw ang pagkakarinig sa ibinabibiling gamot. Apektado ang kanyang kilos ng anong salik?

a)

gawi

b)

masidhing damdamin

c)

takot

d)

kamangmangan

18.

Ang makataong kilos(human act) ay malaya at kusa, subalit hindi na ginamitan ng pagsusuri ng konsensiya.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Ang kilos na walang kusang-loob ay walang pagkukusa subalit may paggamit ng kaalaman.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Ikaw ay masipag na gumagawa ng mga takdang-aralin, nagpapasa ng mga PT, at laging pumapasok sa Online class sa tamang oras. Anong uri ng kilos ang iyong ipinapakita?

a)

kusang-loob

b)

di kusang-loob

c)

walang kusang-loob

d)

kaalaman