wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP1_ARALI 1-4

Total questions: 25

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at isakatuparan ang napili? Na ayon kay Santo Tomas, ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.

a)

Karapatan

b)

Kilos-loob

c)

Dignidad

d)

Isip

2.

Ito ay kakakyahang makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.

a)

Makaunawa

b)

Magdesisyon

c)

Magnilay

d)

Mag-isip

3.

Inilarawan ito ni Santo Tomas bilang isang makatuwirang pagkagusto (rational appetency) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama, ito ay tinatawag na _________.

a)

Kilos-loob

b)

Konsensiya

c)

Isip

d)

Puso

4.

Ang mga sumusunod ay mga panloob na pandama maliban sa .

a)

Kamalayan

b)

Intrinsic

c)

Imahinasyon

d)

Memorya

5.

Ito ang kakayahang makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.

a)

Kamalayan

b)

Instinct

c)

Makaunawa

d)

Mag-isip

6.

Bakit sinasabing hindi nilikhang tapos ang tao?

a)

Sapagkat walang sinuman ang nakaaalam kung ano ang kahihinatnan niya mula sa kaniyang kapanganakan.

b)

Sapagkat hindi pa kompleto ang kanyang pag-iisip at kanyang katawan nang siya ay pinanganak.

c)

Sapagkat wala pang nakakaalam kung magpapatuloy ba siya sa kaniyang buhay.

d)

Sapagkat mahina pa ang kanyang pangangatawan at kaisipan.

7.

Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?

a)

Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama.

b)

Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay impormasyon sa isip.

c)

Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip.

d)

Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito.

8.

“Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito.

b)

Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan.

c)

May kasama ako na makakita sa katotohanan.

d)

Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao.

9.

Buuin ang konsepto: Isip: Pangkaalaman Kilos-loob: _______

a)

Ispiritwal

b)

Materyal

c)

Pagkagusto

d)

Pangkarunungan

10.

Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?

a)

Kakayahang mag-abstraksyon

b)

Kamalayan sa sarili

c)

Pag-unawa

d)

Pagmamahal

11.

Ano ang dalawang kakayahan na ito?

a)

Pantao at pansariling pakultad

b)

Pangkalikasan at pantaong pakultad

c)

Panloob at panlabas na pakultad

d)

Pangkaalaman at pagkagustong pakultad

12.

Ayon kay Auguste Comte, ito ay ang prinsipyo at moral na kaugalian hinggil sa malasakit para sa kaligayahan ng mga ibang tao o ibang hayop, na nagreresulta sa kalidad ng buhay na materyal at espirituwal. Anong prinsipyo ito?

a)

Altruismo

b)

Eudaimonia

c)

Positibismo

d)

Stoicism

13.

Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang pahayag ay _________

a)

Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa.

b)

Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.

c)

Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.

d)

Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.

14.

Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang ______.

a)

gawin ang nais

b)

tumulong sa kapwa

c)

pumili ng malaya

d)

magdasal araw-araw

15.

Kapag ninanais ng isang tao ang mas kaaya-aya sa kanyang pakiramdam kaysa sa mas mahalaga sa kanyang buhay, mas pinipili ng isang tao ang __________.

a)

Horizontal Freedom

b)

Inner Freedom

c)

Outer Freedom

d)

Vertical Freedom

16.

Ang resulta ng pagpili ng tao sa fundamental option na pataas patungo sa mataas na halaga ay __________.

a)

Free Choice

b)

Inner Freedom

c)

Pakamakasarili (Egoism)

d)

Pagmamahal (Love)

17.

Bakit kailangang lumaya ng tao mula sa makasariling interes, pangmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag- uugali?

a)

Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang katangian.

b)

Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.

c)

Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.

d)

Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.

18.

Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?

a)

Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo.

b)

Para maging malaya ang tao sa pansarling kahinaan at maging malayang tumugon sa pangangailangan ng sitwasyon.

c)

Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang nais na walang nakahahadlang.

d)

Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kaniya ang kalayaan.

19.

Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng iyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kanya. Dahil dito wala kang natutunan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang- ayon ka ba sa kanya?

a)

Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag- aaral ang aralin.

b)

Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aral.

c)

Di-sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.

d)

Di-sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.

20.

Ayon kay Lipio, ang kalayaan ng tao ay parang tubig sa karagatan na binibigyan ng hugis o limitasyon ng _______.

a)

Batas Moral

b)

Batas ng Buhay

c)

Batas ng Tao

d)

Batas ng Paligid

21.

Ito ay tumutukoy sa pagiging “karapat-dapat” ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.

a)

Konsensiya

b)

Karangalan

c)

Dignidad

d)

Tagumpay

22.

May iba’t-ibang kahulugan ang Dignidad, ito ay nag-uugat ayon sa pagkakalikha sa tao na kalarawan at kawangis ng Diyos. Ang pananaw na ito ay mula sa __________.

a)

Ancient Stoic Tradition

b)

Eudaimonia

c)

Relihiyon

d)

Stoicism

23.

Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang lipunan dahil dito ito nagsisimula. Ang pangungusap ay _______.

a)

Tama, dahil itinatadhana ng saligang-batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.

b)

Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.

c)

Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.

d)

Mali dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.

24.

Ayon kay ________, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.

a)

Dr. Manuel Dy Jr.

b)

Papa Juan Pablo II

c)

Propesor Patrick Lee

d)

Santo Tomas de Aquino

25.

Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng tao?

a)

Magiging malaya ang tayo na ipakita ang kanyang totoong sarili.

b)

Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.

c)

Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.

d)

Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makakasama sa ibang tao.