NEW
Font size
Worksheetsgrade 6 filipino second quarter
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
Ang ating bansa ay mayaman sa mga selebrasyon at piyesta na dinadayo ng mga dayuhang turista. Ang mga piyesta ay isa sa mga pamanang kultura sa atin ng ating mga ninuno.
Sa maikling talata, anong uri ng kayarian ang sinalungguhitang salita?
payak
maylapi
inuulit
tambalan
Taos-pusong pasasalamat ang iginawad namin sa panauhing -tagapagsalita. Alin ang tambalan na kayarian ng pang-uri sa pangungusap?
taos-pusong
pasasalamat
iginawad
panauhing-tagapagsalita
Ang klase ng Grade 6 Laboratory ay mahuhusay sa asignaturang Matematika at Agham kung kaya’t sila ang laging ipinanlalaban sa mga kompetisyon. Anong uri ng kailanan ang mahuhusay?
isahan
dalawahan
tatlohan
maramihan
Isang dakilang ina si Doňa Teodora. Siya ang unang guro ng kanyang mga anak. Aling salita ang kailanan ng pang-uring isahan?
isang
dakila
ina
unag guro
Sa isang barangay sa Marawi may isang binatang nagngangalang Ali. Siya ay umibig at nagpakasal sa isang napakagandang alipin. Pagkalipas ng panahon, nagkaroon sila ng anak na si Duri.
Anong damdamin ang tinukoy ng may akda?
takot
tuwa
lungkot
gulat
Nagkaroon ng taggutom sa bayan ni Duri. Natuyo ang mga pananim, namatay ang mga hayop at walang makuhang mga lamang-dagat. Tanging ang punong tumubo sa libingan ni Duri ang masaganang namumunga. Subalit dahil sa amoy at itsura nito, ni isa ay walang nagtangkang kumain. Isang araw ay isang sultan ang dumalaw sa libingan. Siya’y pumitas ng bunga at inalis ang matinik na balat nito. Tinikman niya ang bunga. Namangha ang mga saksi dahil walang anumang nangyari sa sultan nang matikman nito ang bunga ng duryan.
Ano ang naramdaman ng mga tao ayon kuwento?
pagkabahala
pagkasaya
pagkamangha
pagkagulat
Masakit ang katawan ni Melay nang siya ay umuwi mula sa paaralan. Ibig niyang mawala ang di kasiya-siyang pakiramdam kaya siya ay nagpasyang __________.
kumain at magpahinga
baliwalain ang iniindang sakit
uminom ng gamot
maligo para maaliwalasan ang katawan
Ang Dead Sea ay matatagpuan sa pagitan ng Israel at Jordan. Sinasabing ito raw ang pinakamababang lugar sa mundo. Ang tubig-dagat ay maalat, ngunit mas maalat ang tubig sa Dead Sea. Sa katunayan, ito ang pinakamaalat na tubig sa lahat ng mga anyong tubig sa buong daigdig. Sa sobrang alat nito, walang nabubuhay na hayop o halaman sa tubig ng Dead Sea. Ang mga isdang napapadpad dito mula sa mga kalapit na anyong tubig kapag bumabaha ay namamatay kaagad.
Ano ang paksa sa tekstong binabasa?
Ang Dead Sea ay ang pinakamababang lugar sa mundo
Ang katangian ng Dead Sea
Walang nabubuhay sa Dead Sea
Ang Dead Sea ay nasa pagitan ng Israel at Jordan
Naglalaro ang mga bata sa bakuran nang biglang kumulog at kumidlat ng malakas. Ano ang susunod na mangyayari?
MAgtatawanan ang mga bata.
Papasok sila sa bahay dahil sa takot at pagkabigla.
Pupunta sila sa mall at mamasyal
Magbibihis sila ng magandang kasuotang pangpyesta.
Maputik ang lugar na pinaglabahan ni Ate Dess.
Ano ang uri ng pokus sa pangungusap na ito?
direksyon
tagaganap
ganapan
sanhi
Binilhan kami ng mga damit at sapatos ni Tiya Bella.
tagaganap
tagatanggap
kagamitan
direksyunal
Bulwagan ng barangay ang napagdausan nila ng pulong. Alin ang salita sa pangungusap nagsasaad ng pokus sa ganapan?
pulong
barangay
bulwagan
napagdausan
Alin sa mga pangungusap ang pokus sa aktor o tagaganap?
Namasyal si Ana sa araw na iyon.
Kakantahan ni Leo si Lani.
Inayos ni Kapitana ang kanyang opisina.
Pinuntahan nila ang bagong mall.
Mahirap sa buhay sina Lito. Maliit na magsasaka ang trabaho ng kanyang ama at nasa bahay lang ang kanyang ina. Hindi sila nakapag-aral lahat sa kolehiyo ng lima niyang kapatid. Masaya pa rin ang kanilang pamilya kahit na sila ay mahirap.
Alin ang nagpapakita ng sanhi?
Mahirap sa buhay sina Lito
Magsasaka ang kanyang ama
Hindi nakapag-aral sa kolehiyo ang magkapatid
Nasa bahay lang ang kanilang ina.
Pumunta sina Daisy at mga kaibigan nito sa palaruan. Biglang may lumapit na gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom. Nakatitig lamang ito sa mga pagkaing kinakain nila. Nakaramdam ng awa si Daisy sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain. Ano ang dahilan sa pagbibigay niya ng pagkain sa bata?
Pumunta sina Daisy sa palaruan.
Nakatitig ito sa mga pagkain nila.
Nakaramdam ng awa si Daisy sa batang kalye.
Lumapit ang gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom.
