wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Panghalip Pamatlig

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Kay sarap ng biskuwit na kinakain ko! Bibili ulit ako _______.

a)

nito

b)

niyan

c)

niyon

2.

Maganda po, Inay, ang blusang suot ng babaeng katabi ninyo kanina. Puwede po ba ninyo akong igawa ng _______?

a)

ganito

b)

ganiyan

c)

ganoon

3.

Hindi ka pala marunong humawak ng kutsilyo. Tingnan mo ako. _______ ang tamang paghawak.

a)

Ganito

b)

Ganiyan

c)

Ganoon

4.

______ sa tabi mo ako uupo, ha?

a)

Dito

b)

Diyan

c)

Doon

5.

Ang mga puno _____ ay malalago.

a)

dito

b)

rito

c)

doon

d)

roon

6.

Gabi na, Rosa. _______ ka na matulog dahil baka mapahamak ka pa sa daan.

a)

Dito

b)

Diyan

c)

Doon

7.

Tingnan mo ang ibong nakadapo sa sanga ng Narra. _______ ay Maya.

a)

Ito

b)

Iyan

c)

Iyon

8.

O, _______ ang isang walis. Kunin mo sa akin.

a)

heto

b)

hayan

c)

hayun

9.

________ ang gupit sa buhok na bagay sa iyo.

a)

Iyan

b)

Diyan

c)

Hayan

10.

Teka, ________ pala siya at papalabas ng pinto.

a)

heto

b)

hayan

c)

hayun

11.

Pahingi naman _______ hawak mo.

a)

nitong

b)

niyang

c)

niyong

12.

Rod, lakad na. _______ ka na lang magpahinga sa bahay ng lola mo.

a)

Dito

b)

Diyan

c)

Doon

13.

Hinahanap mo nga ba ang suklay? E, ______ sa ulo mo, a.

a)

heto

b)

hayan

c)

hayun

14.

Lolita, _______ bang hawak mo ang laruang ipinadala ng iyong Tita Eden?

a)

ito

b)

iyan

c)

iyon

15.

Tingnan mo ang larawan na nakasabit sa pader. Kuha _____ noong nag-tour ako sa bansa.

a)

ito

b)

iyan

c)

iyon