Font size
Worksheets3rd Quarter Monthly Test in FILIPINO-3
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
______ ang gusto mo?
sino
ilan
ano
kanino
__________ ang iyong guro sa Filipino?
Paano
Ano
Sino
__________ umiiyak ang bata?
Bakit
Ano
Sino
__________ ang nais mong matanggap na regalo sa iyong kaarawan?
Kailan
Ano
Gaano
__________ ang napitas mong durian sa puno?
Sino
Bakit
Ilan
2. Alin sa mga ito ang panghalip pananong isahan ?
kailan
sino -sino
ano-ano
saan - saan
1.Alin sa mga ito ang panghalip pananong maramihan?
ano
sino
ilan
saan-saan
Piliin ang wastong panghalip pananong upang mabuo ang pangungusap.
4. ______________ ka magtatanim ng mga halaman?
Kailan
Ano
Ilan
Sino
Piliin ang wastong panghalip pananong upang mabuo ang pangungusap.
6. ________________ ang halaga ng halamang itatanim mo?
Kailan
Ilan
Saan
Magkano
Piliin ang wastong panghalip pananong upang mabuo ang pangungusap.
5. _____________ ang ipandidilig mo sa mga halaman?
Saan
Ano
Sino
Kailan
Salitang nagpapakita o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
pangngalan
panghalip
pandiwa
pang-uri
Nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, kung nasimulan na o natapos nang ganapin ang kilos.
uri ng pangngalan
aspekto ng pandiwa
gamit ng pandiwa
gamit ng pangngalan
Alin ang pandiwang perpektibo?
kumakain
kumain
kinakain
kakain
Alin ang pandiwang perpektibo?
naliligo
naligo
maliligo
ligo
Alin ang pandiwang imperpektibo?
lumilipad
lilipad
lumipad
liliparin
Ang kaibigan ko ay kumakanta sa harapan ng maraming tao.
Naganap
Nagaganap
Magaganap
Si Anna ay tatakbo bilang presidente sa aming paaralan.
Naganap
Nagaganap
Magaganap
Kumakain ako ng gulay araw-araw kaya ako ay malakas.
sanhi
bunga
Mataas ang aking mga iskor kasi nakikinig ako palagi sa aking mga guro.
sanhi
bunga
Madali kong mahanap ang aking mga gamit dahil inaayos ko ito palagi.
sanhi
bunga
Madilim ang ulap kaya malakas ang ulan kanina.
sanhi
bunga
Bumilis at humusay akong bumigkas sa wikang Filipino dahil palagi akong nagsasanay magbasa ng mga aklat na nasa Buribooks.
sanhi
bunga
Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog. Ano ang SANHI sa pangungusap?
Namatay ang mga isda
Ang mga isda
Marumi ang tubig sa ilog
Sa ilog
Kahit may kapansanan si Karen ay mahusay siyang sumayaw kaya siya ang nanalo sa paligsahan. Ano ang bunga sa pangungusap?
May kapansanan
Nanalo sa paligsahan
Mahusay sumayaw
Si Karen
Ito ay isang uri ng panghalip na pinapalit sa pangngalan sa paraan ng patanong, nagtatapos ang mga pangungusap sa tandang pananong (?)
panghalip pananong
panghalip panaklaw
panghalip pamatlig
Tukuyin kung anong uri ng panghalip pamatlig ang sinasaad:
Panghalili sa pook na kinaroroonan
pronominal
panawag pansin
patulad
panlunan
Nagpapahayag kung kailan naganap o nangyari ang isang kilos o galaw.
ASPEKTO NG PANDIWA
SANHI AT BUNGA
ASPEKTO NG PANGNGALAN
PANDIWA
Ito ang aspekto ng pandiwang mangyayari pa o panghinaharap pa. Ano ito ?
perpektibo
neutral
imperpektibo
kontemplatibo
Ito ang aspekto ng pandiwang nagaganap o nasa kasalukuyan ang kilos. Ano ito ?
neutral
perpektibo
imperpektibo
kontemplatibo
Nasayahan ang anak sa pasalubong nga mga magulang. Ang nakadiing pandiwa ay anong aspekto ?
perpektibo
neutral
imperpektibo
kontemplatibo
Piliin sa pangungusap ang pang abay na pamaraan.
Maingat na ibinalik niya ang alahas sa lalagyan nito.
ibinalik
maingat
alahas
lalagyan
Piliin sa pangungusap ang pang abay na pamaraan.
Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad.
tagahatid
maglakad
mabilis
mabagal
Piliin sa pangungusap ang pang abay na pamaraan.
Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip.
sumagot
nang
tsuper
pasigaw
Piliin sa pangungusap ang pang abay na pamaraan.
Ang mag-anak ko ay tahimik na namumuhay sa probinsiya.
mag-anak
tahimik
probinsya
namumuhay
Piliin sa pangungusap ang pang abay na pamaraan.
Masipag na nag-aaral ang mga kapatid ko
kapatid
nag-aaral
ang mga
masipag
Piliin sa pangungusap ang pang abay na pamaraan.
Ang mga liham na iyan ay binasa niya nang palihim.
palihim
liham
binasa
nang
Tukuyin ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa pangungusap.
Mabilis na bumangon si Dino.
mabilis
bumangon
Dino
Tukuyin ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa pangungusap.
Buong tapang na lumaban ang mga sundalo.
sundalo
lumaban
buong tapang
Tukuyin ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa pangungusap.
Ang sanggol ay mahimbing na natutulog sa duyan.
sanggol
mahimbing
natutulog
Tukuyin ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Lumangoy sila sa malaking lawa.
Lumangoy
sa malaking
sa malaking lawa
Tukuyin ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Dahan-dahan kaming tumawid sa lumang tulay.
Dahan-dahan
sa lumang tulay
sa tulay
Tukuyin ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Sa Malacañang tumitira ang pangulo ng Pilipinas.
Sa Malacañang
tumitira
pangulo ng Pilipinas
Tukuyin ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Inilagay ko sa loob ng kabinet ang mga pagkaing de-lata.
Inilagay ko
sa loob ng kabinet
sa kabinet
Tukuyin ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Sumasayaw ng tinikling ang pangkat ni Mario sa entablado.
Sumasayaw
Mario sa entablado
sa entablado
Tukuyin ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Natutulog ang aso sa ilalim ng kotseng nakaparada.
sa ilalim ng kotse
Natutulog
sa ilalim ng kotseng nakaparada
_____________ sa bagyo ang balita ngayon.
Ayon sa
Tungkol sa
Kina
Ang mga kapote ay ______________ Roberto at Liam.
para kay
para sa
para kina
Alin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap?
Sagrado para sa katutubo nating kababayan ang ugnayan
ng tao at kalikasan.
(a)
Magkakaroon tayo ng video advertisement ________________________ Bb. Labajo.
ayon kay
ayon sa
ayon kina
Ang pinag-aralan natin noong nakaraan ay ___________________________ mga pang-angkop.
ayon sa
dahil sa
tungkol sa
Si Angel ay hindi nakapasa _________________________ palagi niyang paglalaro ng gadyet.
dahil sa
dahil kay
dahil kina
Inialay ng ating mga bayani ang kanilang buhay _________________________ ating bansang Pilipinas.
tungkol sa
para sa
ukol sa
Ang coconut shampoo ay nakapagpapadulas ng buhok. Anong uri ito ng pangungusap?
pautos
padamdam
pasalaysay
patanong
Mag-ingat! Ang dengue ay nakamamatay! Kaya bumili na kayo ng kulambo. Anong uri ng pangungusap ang may salungguhit?
pautos
padamdam
pasalaysay
patanong
Kung maaari kunin mo sa mesa ang masarap na chocolate biscuit. Anong uri ito ng pangungusap?
pakiusap
padamdam
pasalaysay
patanong
Alin sa sumusunod ang pangungusap?
ang aso
sobrang sakit
matalinong-matalino
Siya ang kumain ng tinapay.
Ito ay lipon ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa?
pangungusap
simuno
parirala
pandiwa
Ito ay uri ng pangungusap na kung saan ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin?
padamdam
patanong
pautos
pasalaysay
Ang pangungusap na padamdam ay nagtatapos sa anong uri ng bantas?
tandang pananong
tuldok
tandang padamdam
panipi
Magsuot ka ng facemask kung ikaw ay lalabas. Anong uri ng pangungusap ang may salungguhit?
pautos
pasalaysay
padamdam
patanong
