Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ang Pagmamahal sa Diyos

Total questions: 5

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod na katangian ang hindi naglalarawan ng pagmamahal sa Diyos?

a)

Pagsunod sa kanyang mga utos

b)

Pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos

c)

Pagdarasal kung may pangangailangan at mga kahilingan

d)

Pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag ng Diyos

2.

Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?

a)

Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos

b)

Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay

c)

Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos

d)

Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga salita

3.

“Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay______.

a)

Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa

b)

Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisisimba

c)

Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa Kaniya

d)

Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos. kung minamahal din ang kapuwa

4.

Araw-araw ay nagsisimba si Aling Salome at hindi nakalilimot na magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si Aling Salome sa kaniyang kasambahay. Pinarurusahan niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Salome ng kaniyang pananampalataya?

a)

Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos

b)

Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos

c)

Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay

d)

Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa

5.

Ang sumusunod ang dahilan kung bakit itinuturing ang buhay ng tao bilang pangunahing pagpapahalaga, maliban sa isa. Alin sa mga ito?

a)

Ang buhay ay kaloob ng Diyos

b)

Ang mga bagay na walang buhay ay walang pakinabang at walang halaga

c)

Ang tao ay maaaring gumawa at mag-ambag lamang sa lipunan kung siya ay isilang at mabuhay

d)

Sa pamamagitan ng buhay magkakaroon ng tao ang pagkakataon na mapapaunlad ang sarili at lipunan