NEW
Font size
WorksheetsHome Economics 4 Diagnostic Test
Total questions: 40
Worksheet time: 40mins
Ito ay karaniwang gawa sa malambot na tela, maluwag at malayang nakagagalaw ang may suot nito.
damit pambahay
damit pamasok
damit pansimba
damit pang-okasyon
Si Gng. Deloraso ay isang guro, alin kaya sa mga kasuotang ito ang gagamitin niya sa paaralan?
daster
kaswal
T-shirt
uniporme
Pagkagaling sa paaralan, nagpalit agad ng damit si Cathal. Saan niya dapat ilagay ang unipormeng hinubad?
sa kama
sa sulok
sa upuan
isabit sa hanger
Paano mo maipapakitang ikaw ay may pag-iingat sa sariling kasuotan.
Isinabit sa pako ang hinubad na damit.
Ginawang panlaro ang uniporme pagkauwi galing paaralan.
Binabad agad ang damit na puti at nilagyan ng bleach ang namantsahan.
Umupo sa kung saan-saang lugar na hindi inalam kung malinis ba o marumi.
Bakit kailangang ibukod ang puti sa de kulay na damit kung labhan?
Upang piliin ang mga ibibilad sa araw.
Upang madaling labhan ang mga damit
Upang madaling tukuyin ang mga damit.
Upang hindi mahawa sa mga de kulay na damit ang mga puti.
Si nanay ay tumatanggap ng panahi. Kasalukuyan siyang nagsusukat ng tela. Ano ang ginamit niyang panukat nito?
didal
emery bag
gunting
medida
Nagtaka si Kris kung bakit kinalawang ang karayom niya. Saan itutusok ang karayom para hindi kalawangin?
didal
emery bag
pin cushion
sewing box
Para sa kaligtasan, kailangan natin iligpit nang maayos at nasa tamang lalagyanan ang mga kagamitan sa pananahi. Saan dapat ilagay ang karayom pagkatapos gamitin?
emery bag
pin cushion
sinulid
sewing box
Paano maipapakita ang ligtas na paggamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay?
Walang sewing box para sa mga kagamitan.
Iniwan ni Nena ang karayom at sinulid sa upuan.
Hinayaan na maabot ng bata ang gunting panahi.
Pagkatapos manahi iligpit ang mga kagamitan sa box at ilagay sa di maabot ng bata.
Ito ay uri ng panara ng damit na may nakaalsa sa likod.
imperdible
kutsetes
shank button
two-hole button
Ito ay uri ng panara ng damit na may dalawang butas.
imperdible
kutsetes
shank button
two-hole button
Napunit ng bahagya ang blusa ni Ela. Ano ang dapat niyang gawin?
Lagyan ng aspile ang may punit.
Itago na muna ang blusa na punit.
Susulsihin ang bahaging may punit.
Itapon sa basurahan ang punit na blusa.
Paano isasagawa ang tamang pagsusulsi ng tuwid na punit?
Tahiin ang unang hanay na sasalubong sa sira o punit.
Tahiin ang magkabilaang gilid ng punit nang hindi pantay.
Magsimula at magtapos ng dalawang sentimetro mula sa dulo ng mga punit.
Baliktarin ang tela o damit at pagdikitin ang punit na bahagi sa pamamagitan ng mga pinong tutos.
Napansin ni Christela na nawalan ng isang butones ang kanyang uniporme. Ano ang dapat niyang gawin?
Kabitan ng aspile.
Kabitang muli ng butones.
Tatahiin na lamang ang bahagi na walang butones.
Lagyan na lang ng perdible ang bahaging walang butones.
Paano isasagawa ang tamang hakbang sa pagkabit ng two-hole button?
I. Gupitin ang isang parte ng tela.
II. Isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit.
III. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones.
IV. Itusok ang karayom sa butas ng butones at ilabas sa likuran ng tela.
III,I,IV,II
I,II,III,IV
II,III,IV,I
IV,III,II,I
Ito ay ginagamit sa pagtanggal ng alikabok at pamunas ng kasangkapan.
basahang tuyo
iskoba o brush
mop
vacuum cleaner
Maraming nagkalat na tuyong dahon sa bakuran nila Kristel. Alin ang dapat niyang gamitin para madakot ang mga dumi o basura?
dust pan
vacuum cleaner
walis tambo
walis tingting
Ikaw ay maglilinis ng kisame at mag-aagiw. Ano ang dapat mong gawin?
Tumuntong sa bintana.
Lumundag para walisin ang agiw.
Gamitin ang cabinet para maabot ang kisame.
Gamitin ang walis na may mahabang tangkay.
Nakatakda kang magwalis at maglinis ng mga muwebles, ano ang dapat mong gawin para makaiwas sa sakit?
Gumamit ng gloves.
Gumamit ng hairnet
Gumamit ng apron
Gumamit ng facemask
Ikaw ay nautusan ng iyong nanay na maglinis sa bahay, paano mo maipapakita ang tamang paglilinis?
Gumamit ng walis tingting sa pagwawalis ng sahig
Bunutan agad ang sahig pagkatapos malagyan ng floorwax
Ang paglalampaso ng sahig ay ginagawa bago walisan ang sahig
Simulan sa mataas na bahagi ng mga kasangkapan hanggang pababa ang pag-aalikabok
Bakit kailangang sundin ang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay at bakuran?
Upang makaiwas sa iba pang gawain.
Upang magawa ang mga nakatakdang gawain
Upang makapaglaro agad pagkatapos ng gawain
Upang maiwasan ang anumang disgrasya at sakuna
Bilang isang mamamayan, paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa ating kalikasan?
Itapon ko ang balat ng kendi sa kalsada.
Susunugin ko ang mga nawalis kong tuyong dahon at plastik
Hahayaan ko ang mga tumubong ligaw na damo sa aming bakuran
Linisin ko ang daanan ng tubig o kanal upang maiwasang pamahayan ng daga at peste
Nakita mo si bunso na itinapon ang balat ng saging sa sahig, ano ang iyong gagawin?
Pagsabihan ko siya na pulutin at huwag na uulitin pa.
Pupulutin ko ang balat ng saging at itapon sa tamang tapunan.
Ituturo ko kay bunso ang posibleng mangyaring aksidente sa pagkadulas ng balat ng saging.
Lahat ng nabanggit ay gagawin ko.
May nabasag na baso at kailangang itapon. Ano ang gagawin mo?
Ibabaon sa lupa
Pupulutin isa-isa ang bubog
Dadakutin at ilagay sa basurahan
Babalutin ng lumang diyaryo at ilalagay sa basurahang may takip
Walang trak na kumukuha ng basura sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
Itapon sa malapit na ilog.
Susunugin ang lahat ng basura.
Itapon sa bakanteng lote ang basura.
Paghihiwalayin at ibaon sa lupa ang nabubulok na basura.
Suliranin natin ngayon ang basura. Alin sa mga paraang ito ang kaya mong gawin?
Itambak ang basura sa likod bahay.
Walisin ang basura tungo sa kalsada
Magbulag-bulagan sa mga kalat sa paligid
Susundin ang tamang pagtapon ng nabubulok, di-nabubulok at nare-recycle na basura
Anong pangkat ng pagkain ang nagbibigay enerhiya, lakas at sigla sa katawan?
Go Foods
Glow Foods
Grow Foods
Junk Foods
Pagkaing tumutulong sa paglaki ng kalamnan at buong katawan.
Mga pagkaing sagana sa protina
Mga pagkaing mula sa gulay at prutas
Pagkaing sagana sa bitamina at mineral
Pagkaing sagana sa carbohydrates, taba at langis
Bakit kailangan nating maghanda ng masustansiyang pagkain?
Upang hindi magkasakit
Upang mas makatipid ang mag-anak
Upang maging malakas at malusog nang sa gayon ay magampanan ang araw-araw na gawain
Lahat ng nabanggit
Ikaw ay nautusan ng nanay mo na magluto para sa inyong hapunan. Ano ang iyong gagawin?
Magkunware akong maysakit at matulog na lang.
Magluto na lang ako ng noodles dahil tinatamad na ako.
Hindi ko papakinggan ang utos ni nanay at magsarado ako ng kwarto.
Magluto ako ng pakbet dahil bukod sa sagana ito sa bitamina at mineral ay paborito pa ni bunso.
Sa paghahanda ng hapag-kainan, ano ang ilalagay sa kanang bahagi ng plato sa bandang itaas?
baso
kutsara
tinidor
serbilyeta
Paano mo maipapakita ang kagandahang-asal sa hapag-kainan?
Huwag magsalita kung may laman ang bibig
Hipan ang mainit na pagkain dahil nagugutom na
Umupo ng nakaangat ang tuhod sa hapag-kainan
Magkuwento ng mga nakakalungkot na pangyayari
Paano mo maipapakita ang tamang paghahanda ng hapag-kainan?
Lagyan ng punong tubig ang baso
Ilagay sa gilid ng mesa ang tray ng prutas
Ilapag ang plato nang nakataob at walang mantel o placemat.
Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor at sa kanang bahagi ng plato ang kutsara.
“Mahalaga sa isang pamilya ang sabay-sabay na pagkain sa hapag-kainan.” Paano mo ito mapatunayan?
I. Magandang pagkakataon upang makapag-usap, alamin ang mga nararamdaman at kumustahin ang isa’t isa.
II. Maipakikita dito ang pagkakaisa at pagmamahalan.
III. Mas nagiging masaya ang samahan ng buong pamilya.
IV. Maipakikita dito ang pagiging responsible ng bawat isa.
I, II at III
I, II at IV
I, III at IV
I, II, III at IV
Sa paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan, alin ang unang huhugasan?
baso
kaldero
plato
sandok
Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang sundin ang tamang paraan sa paglilinis o pagliligpit ng pinagkainan MALIBAN sa isa.
Para maiwasan ang anumang aksidente
Para lalapitan ng ipis ang mga kasangkapan
Para matuto sa mga responsibilidad na iniatas
Para maging maayos at malinis ang mga kasangkapan
Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, papaano mo maipakikita ang pagtulong sa paglilinis ng bahay at bakuran?
Maglinis ng bahay at bakuran isang beses sa isang linggo
Ayain ang mga kaklase sa bahay at magpatulong sa paglilinis
Maglaan ng oras para sa paglilinis bago pumasok at pagkauwi mula sa paaralan.
Makipaglaro sa mga kaibigan sa labas at hahayaan ang mga kalat na nakikita sa bahay at bakuran.
Paano isagawa ang tamang paglilinis ng mesa?
Hayaan muna sa mesa ang mga pinagkainan
Iwanan sa mesa ang mga pagkaing hindi naubos.
Pagpatong-patungin ang mga platong may tirang pagkain
Pagpatong-patungin ang mga platong may tirang pagkain
Paano isagawa ang wastong paghuhugas at pagliligpit ng pinagkainan at pinaglutuan?
Paano isagawa ang wastong paghuhugas at pagliligpit ng pinagkainan at pinaglutuan?
Ilagay agad sa kabinet ang mga kagamitan pagkatapos mahugasan
Ilagay sa patuyuan o dish rack at hayaang tumulo ang tubig bago iligpit sa kabinet
Ilagay sa likurang bahagi ng kabinet ang mga kasangkapang karaniwang ginagamit.
Bilang isang responsableng miyembro ng pamilya, papaano mo mapanatiling ligtas at maayos ang inyong tahanan?
Ilagay ko ang mga matutulis na bagay sa lugar na kayang abutin ni bunso.
Susundin ko ang tamang hakbang sa pagliligpit ng pinagkainan at pinaglutuan.
Banlawan ko ang mga kasangkapang may mantika gamit ang malamig na tubig
Pagpatong-patungin ko ang mga babasaging gamit tulad ng baso, mangkok at plato sa lababo
