NEW
Font size
Worksheetsfilipino 8
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
1. Lugar ng kapanganakan ng Florante at Laura.
a. Pandacan
b. Bataan
c. Tondo
d. Iloilo
2. Tauhang may labis na inggit at panibugho kay Florante na nagdahilan ng pnanakop nito sa Albanya.
a. Menandro
b. Menalipo
c. Adolfo
d. Salermo
3. Sino ang may-akda o sumulat ng "Florante at Laura"?
a. Francisco Baltazar
b. Jose Corazon De Jesus
c. Julian Felipe
d. Jose Rizal
4. Kanino inialay ng may-akda ang "Florante at Laura"?
a. Juana Tiambeng
b. Juana Dela Cruz
c. Maria Asuncion Rivera
d. Maria Clara
Sino ang unang naglakbay upang hanapin ang lunas sa sakit ng hari?
a. Don Pedro
b. Don Diego
c. Don Juan
d. Ermitanyo
Sa Florante at Laura, sino ang tumulong at nagligtas kay Florante mula sa tiyak na kamatayan?
a. Menandro
b. Aladin
c. Adolfo
d. Antenor
Anong uri ng tulang pasalaysay ang Florante at Laura?
a. Awit
b. Korido
c. Balad
d. Epiko
Sino ang naging karibal o kaagaw sa pag-ibig ni Balagtas kay Selya?
a. Adolfo
b. Mariano Capule
c. Mariano Pilapil
d. Huseng Sisiw
Pinaniniwalaang saang lugar isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura?
a. sa bahay niya
b. sa simbahan
c. sa bukid
d. sa kulungan
Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa dagat?
a. duplo
b. pamanhikan
c. karagatan
d. Huego de Prenda
Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sino mang nahatulang parusahan?
a. Balagtasan
b. karagatan
c. Batutuan
d. duplo
12. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu.
a. tula
c. dula
b. sanaysay
d. maikling kuwento
13. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay-suporta sa pangunahing ideya?
a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
b. madalas na itinatanong sa pagsusulit
c. nagbibigay-daan upang matandaan ang mga detalye
d. susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya
14. Paano mo malalaman na haiku ang tula?
a. may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
b. may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
c. may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
d. may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4
15. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku?
a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig
b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong
c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong
16. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran?
a. may ina, ama at mga anak
b. may masaganang pamumuhay
c. nakatira sa maayos na bahay
d. may pagmamahalan at respeto sa isa‟t isa.
17. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
a. magiging mapanagutang mamamayan
b. magiging sikat na mamamayan.
c. hindi masasangkot sa anomang gulo sa pamayanan
d. maayos ang pagpapalaki sa kanila.
18. “Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan
b. isang sanggol sa piling ng isang ina
c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
d. binabalikan ang mga pangyayari
19. Pagpapahayag ng mga kahulugan sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo rin ng pang-uri,karaniwang
patalinghaga ang isinasaad. Hal. Sa bawat takip-silim ay may darating na bukang liwayway na
nangangahulugan ng pag-asa.
a. Simbolo
b. Pahiwatig
c. Imahe
d. Paksa
20. Hindi sana kami naghihirap ngayon _____ hindi dahil sa mga magnanakaw.
a. kung
b. sakali
c. disin sana’y
d. kapag
21. Wala ng dapat lumabas ng silid aralan _____ oras na ng klase.
a. kung
b. sakali
c. disin sana’y
d. kapag
22. Dito inilalahad ang kinahihinatnan ng mga tauhan at mga pangyayari sa akda.
a. Panimulang pangyayari
b. Pababang aksyon
c. Kasukdulan
d. Wakas
23. Ang “Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti” ay pabula ng
a. Katagalugan
b. Maranao
c. Ilokano
d. Bikolano
24. Pakisabi na magluto siya ng hapunan ____ mang gabihin ako sa pag-uwi.
a. kung
b. sakali
c. disin sana’y
d. kapag
25. ‘Di niya alam ang gagawin _____ mang mawala ang kaniyang mga magulang.
a. kung
b. sakali
c. disin sana’y
d. kapag
26. Ito ang anyo ng panitikan na naglalayong mabigyang-kasagutan ang pinagmulang ng mga bagay, pangalan, pook, pangyayari, o katawagan na bagamat mahiwaga at hindi kapani-paniwala ang nilalaman ay kasasalaminan ng kultura ng rehiyong pinagmulan nito?
a. Epiko
b. Pabula
c. Alamat
d. Salawikain
27.Ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa kwento.
a. tauhan
b. tagpuan
c. banghay
d. wakas
28. Ang lugar kung saan nangyari o ginanap ang kwento.
a. tauhan
b. banghay
c. wakas
d. tagpuan
29. .Ang kumikilos at gumaganap sa kuwento.
a. tunggalian
b. tauhan
c. banghay
d. wakas
30. Ito ang kinahinatnan ng mga pangyayari sa kwento.
a. banghay
b. tunggalian
c. wakas
d. tagpuan
31. Ito ang humahadlang / suliranin sa kwento.
a. wakas
b. tagpuan
c. tunggalian
d.banghay
32. Kung ako’y naging seryoso sa pag-aaral _____ di ako naghihirap ng ganito sa buhay.
a. kung
b. sakali
c. disin sana’y
d. kapag
33. Ang mga kalahok ay nakahanda na ______ mang tawagin upang magtanghal
a. kung
b.sakali
c. disin sana’y
d. kapag
34. Ito ay kuwento tungkol sa Diyos at Diyosa.
a. dagli
b. epiko
c. alamat
d. mitolohiya
35. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na pangyayari.
a. mito
b. epiko
c. alamat
d. mitolohiya
36. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.
a. pastoral
b. elehiya
c. dalit
d. soneto
37. Mga kuwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
a. dagli
b. nobela
c. pabula
d. parabula
38. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na paksa?
a. dula
b. tula
c. sanaysay
d. maikling kuwento
39. Isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang halaga o diin ay kilos o galaw. Ang pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan.
a. kuwentong makabanghay
b. kuwento ng katutubong kulay
b. kuwento ng tauhan
d. kuwento ng kababalaghan
40. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
a. ibalon
b. iliad at odessy
c. Gilgamesh
d. korido
41. Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng relasyong _________________
a. layunin at resulta
b. paraan at layunin
c. paraan at resulta
c. sanhi at bunga
42. Siya ay kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar ___________ karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap?
a. tiyak
b. tuloy
c. dahil sa
d. kung gayon
43. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba?
Naghayag na naman si Ramon ng mga kuwentong barbero.
a. katotohanan
b. kagandahan
c. kasinungalingan
d. kuwento sa paggugupit
44. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba?
Sabi sa akin ng aking nobya, babalik siya ngunit mangyayari yata ito sa pagputi pa ng uwak.
a. sa kasalukuyan
b. sa hinaharap
c. may kaunting pag-asa
d. malabong matuloy o maganap
45. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pahayag gamit ang tono bilang masidhing patunay na masaya ka sa iyong pagbabago?
a. Nagbago na ako.
b. Nagbago na ako?
c. Nagbago na ako!
d. Nagbago na, ako.
46. Tukuyin ang uri ng bigkas sa patinig ng pantig batay sa kahulugang nakatala sa panaklong.
Kaibigan (Friend)
a. /Ka.ibigan/
b. /Kaibi.gan/
c. /Kai.bigan/
d. /Kaibig.an/
47. Ito ang nagpapalinaw ng mensahe o intensiyong nais ipahatid sa kausap.
a. Tono
b. Diin
c. Haba
d. Antala
48. Tukuyin ang uri ng bigkas sa patinig ng pantig batay sa kahulugang nakatala sa panaklong.
Kasama (Companion)
a. /Ka.sama/
b. /Kasa.ma/
C. /Ka.sa.ma/
d./Kas.ama/
49. Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag ang pagpaparating ng tamang damdamin sa pagpapahayag. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga ponemang suprasegmental?
a. Intonasyon, Tono at Punto
b. Haba at Diin
c. Palaisipan
d. Hinto o Antala
50. Ang wika ay ________________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon.
Alin ang angkop na salita para sa pangungusap?
a. /bu.hay/
b. buh-ay
c. /bu—hay/
d. /buhay
