NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 9 & 10
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
a. Panlapi
b. Gramatika
c. Pagpapakahulugan
d. Pagsasaling-wika
2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
a. Pangangatuwiran
b. Paglalarawan
c. Paglalahad
d. Pagsasalaysay
3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao
a. Tula
b. Sanaysay
c. Talumpati
d. Balagtasan
4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.
a. Nobela
b. Karilyo
c. Dula
d. Maikling kwento
5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. Idyoma
b. Matatalinghagang pananalita
c. Simbolismo
d. Tayutay
6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita.
a. Pandamdamin
b. Malaya
c. Blangko berso
d. Tradisyonal
7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalaunan ay naging tuluyan.
a. Epiko
b. Anekdota
c. Sanaysay
d. Mitolohiya
8. Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
a. Anekdota
b. Talambuhay
c. Alamat
d. travelogue
9. Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe, o paglalakbay sa ibang lugar.
a. Anekdota
b. Talambuhay
c. Alamat
d. Tala ng Paglalakbay
10. Sino ang may akda ng Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan?
a. Pat V. Villafuerte
b. Amado V. Hernandez
c. Idries Shah
11. Saan dinala ni Ravana si Sita?
a. Langka
b. Lanka
c. Shri Lanka
12. Isang awit ng papuri, lawulhati, kaligayahan o pasasalamat..
a. Elehiya
b. Awit
c. Himno
13. Alin sa mga sumusunodang ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng tao?
a. Di-totoo
b. Di-gaano
c. Di-gasino
14. Ano ang literal na kahulugan ng ubasan?
a. Taniman ng ubas
b. Palayan
c. kakahuyan
15. Ano ang literal na kahulugan ng saliping pilak?
a. Biyaya
b. Sahod
c. Pagpapatawad
16. Alin sa mga sumusunod ang sa mga hambingang bagay lamang ang ginagamit?
a. Di-totoo
b. Di-gaano
c. Di-gasino
17. Ano ang nakita ni Sita habang namimitas ng bulaklak sa kagubatan?
a. Porselanang Banga
b. Usa
c. Gintong Usa
18. Ano ang metaporikal na kahulugan ng oras?
a. Minuto
b. Segundo
c. Panahon
19. Saan matatagpuan sa Bibliya ang Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan?
a. Mateo 20:1-16 sa Bagong Tipan
b. Mateo 16:1-20 sa Bagong Tipan
c. Mateo 1:16-20 sa Lumang Tipan
20. Ang gusaling ipinatayo ni Sha Jahan para sa kaniyang namayapang asawa na si Muntaj Mahal ay ano?
a. Taj Mahal
b. Thaj Mahhal
c. Tajh Majal
21. Pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan.
A. morpema
B. salitang – ugat
C. ponema
D. pantig
22. Tulang mula hapon na binubuo ng 31 na pantig.
A. Ambahan
B. Tanaga
C. Haiku
D.Tanka
23. Kailan naisulat ang Tanka sa kasaysayan ng panitikang Hapon?
A. Ika-13 Siglo
B. Ika Walong siglo
C. Ika-15 siglo
Ikasiyam na siglo
24. Ano ang ibig sa!ihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga Tanka ng Hapon.
A. Paglipas ng panahon
B. Malapit na ang taglamig
C. Mainit na ang panahon
D. Nalanta na ang Cherry Blossoms
25. Ano ang tawag sa sinaunang tula ng mga Pilipino na binubuo ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod?
A. Tanaga
B. haiku
C. Tanka
D. soneto
26. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang ___________.
A. mas maging malakas ang ating tinig sa pagbigkas.
B. maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat.
C. maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid
D. maipaabot sa kausap ang tumapak na mensahe at damdamin.
27. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at Tanka ng Japan?
A. May tugma sa tanaga sa Tanka ay wala.
B. Mas mahaba ang Tanka kaysa sa tanaga.
C. Malalim ang kahulugan ng Tanka, ang tanaga’y mababaw
D. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang Tanka ay sa panahon
28. Naulinigan kong may tinatanong siya sa kanyang kapatid. Alin ang tamang kahulugan ng may salungguhit?
A. nakita
B. nalutas
C. narinig
D. natanto.
29. Ayon sa akdang Tiyo Simon, sino ang higitna nakaimpluwensiya kay Boy upang magsimba?
A. Tiyo Simon
B. ina
C. pari
D. kaibigan
30. Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring nagdulot kay Tiyo Simon na magbalik-loob sa Diyos? Pagkakita sa batang------------
A. nasagasaan na kahit namatay na ay may ngiti pa sa mga labi
B. namatay na may hawak na manika
C. nagpapahalaga sa laruang manika
D. Wala sa mga binanggit
31. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng salita.
A. Diin
B. Tono
C. Antala
D. Hinto o Saglit na Pagtigil
32. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na simula ng panitikang Hapon kung historikal ang pagbabatayan?
A. Manyoshu
B. Kana
C. Tanka
D. Haiku
33. Ano ang bagong anyo ng pagbuo ng tulang Hapon?
A. Manyoshu
B. Kana
C. Tanka
D. Haiku
34. Ano ang karaniwang paksa ng haiku?
A. kalikasan
B. pag-ibig
C. kalikasan at pag-ibig
D. pag-ibig at pag-iisa
35. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?
A. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.
B. Walang pagkakaiba ang Tanka at Haiku ng mga Hapon.
C. Parehong-pareho ang paksa ng dalawang anyong tula sa Hapon.
D. Pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng haiku o Tanka.
36. Ayon sa kasaysayan, alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng Tanka ?
A. maikling awitin
B. tulang binibigkas
C. maikling katha
D. tulang inaawit
37. _______________ magtrabaho sina Fred at Jose
a. Magkasinbilis
b. Magkasingbilis
c. Napabilis
d. Magkasimbilis
38. Samahan mo si Lola sa palengke __________ hindi maligaw.
a. kung saan
b. noong
c. ng
d. nang
39. Nakaranas ang mga tao sa Maynila ng gutom __________ panahon ng Hapon
a. noong
b. ng
c. nang
d. dating
40. ____________ ka bang naimpok sa bangko?
a. saan
b. ano
c. mayroon
d. meron
41. _________ piraso ang dala niyang pasalubong
a. labingwalong
b. labimwalong
c. labinwalong
d. labing-walong
42. ___________talagang gusto mong magtagumpay, kailangan mong magsumikap.
a. upang
b. kung
c. subalit
d. maski
43. nananawagan ang pamilyang naging biktima ng kalamidad ____________ humingi ng tulong.
a. upang
b. bago
c. subalit
b. maski
44.ito ang paglalarawan o pagbibigay ng karagdagang impormasyon sa paksa ng pangungusap.
a. Ingklitik
b. atribusyon
c. panuring
d. kaganapan
45.Ito ay mga pang-abay na kataga na nagsisilbing paningit sa pangungusap upang mabigyang diin ang pinatutungkulan.
a. Ingklitik
b. atribusyon
c. panuring
d. kaganapan
46. Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na pagpapahayag ng buong diwa. Ito ang nagbibigay impormasyon tungkol sa paksa.
a. Simuno
b. panaguri
c. pang-uri
d. kaganapan
47.Kung si Homer ang may-akda ng Iliad; siya naman ang may akda ng Oedipus Rex.
a. Shakespeare
b. Plato
c. Dante
d. Sophocles
48. Ito ay kaganapang isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa.
a. Direksiyonal
b. ganapan
c. instrument
d. layon
49. Ito ang kailangan at nakatutulong upang magkaroon ng mas malinaw at lohikal na pangungusap sa tuwing magsusulat ng akda.
a. kaalaman at kasanayan
b. kaalaman at talino
c. kasanayan at talina
d. karunungan at talinao
50. Ang paningit na malayang nagpapalitan ay ang rin/din,raw/daw,lang/lamang. Ito ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa y at w.
a. rin/raw
b. din/daw
c. lang/lamang
