NEW
Font size
WorksheetsESP - Primary - SET 1
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Alin sa mga sumusunod ang kayang gawin ng isang batang katulad mo?
Maglaro ng tumbang preso
Magpalipad ng Philippine Airline
Gumawa ng program sa computer
Magpatakbo ng dyip
Ang mga sumusunod ay kayang gawin ng isang batang tulad mo maliban sa_________.
Umawit sa koro ng simbahan
Maglaro ng sipa
Sumali sa paligsahan sa pagtakbo
Sumali sa paligsahan sa pagluluto
Aling kakayahan ang nagpasikat kay Manny Pacquiao?
pagtakbo
pagsayaw
Pagboboksing
pag-awit
Bakit kailangang sumali/makilahok ang batang tulad mo sa mga programa sa paaralan?
upang umunlad ang kakayahan
upang lumakas
Upang yumaman
Upang hindi magkasakit
Kanino nagmula ang kakayahan ng isang tao?
sa guro
sa nanay
sa kaibigan
sa Diyos
Ang mga sumusunod ay kakayahang nagagawa mo sa tahanan maliban sa_______.
Pamamalantsa
Pagwawalis
Paghuhugas ng pinggan
Pagpupunas ng mesa
Ano ang nararamdaman mo kapag tumutulong ka sa mga gawain sa tahanan?
naiinis
nalulungkot
natutuwa
nababalisa
Ano ang dapat mong gawin sa pagtupad ng mga gawaing iniatang sa iyo?
isapuso
Ipagwalang bahala
Ipagawa sa iba
Iutos sa nanay
Ang mga sumusunod ay mga gawaing maaari mong gawin sa paaralan maliban sa_____.
pagwawalis ng sahig
pagbubura ng sulat sa pisara
Pagdidilig ng halaman
Pagcocompute ng grades
Ang kusang-loob na paggawa ay ______________.
naghihintay ng kapalit
naghihintay ng regalo
walang hinihintay na kapalit
naghihintay ng bayad na pera
Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na bumibili rin. Binati mo siya at ikaw ay nagmano.
Tama
Mali
Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong Nanay. Ikaw lang ang nadatnan sa bahay. Nagmano ka at siya ay iyong pinatuloy.
Tama
Mali
Inutusan ka ng iyong Tatay na pumunta sa iyong Lolo para maghatid ng ulam. Kumatok ka sa kanyang pintuan, at sinabing “Magandang tanghali po Lolo. Narito po ang ulam na ipinabibigay ni Tatay.”
Tama
Mali
Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana. Dumaan sa tapat ng kanilang bahay si Aling Susan, ang Nanay ng kanyang kaibigan. Binati niya si Aling Susan nang pasigaw na parang galit.
Tama
Mali
Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay galing sa paaralan, magalang siyang nagsabi sa kanyang Nanay na gusto na niyang kumain dahil mag-aaral pa siya ng kaniyang mga aralin.
Tama
Mali
Alin ang mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may karamdaman.
Pagtulong sa pagpapainom ng gamot.
Hindi pagbisita sa taong may sakit
Pagtawanan ang taong may karamdaman
Pang –bubully sa taong may sakit
Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng sakit ng kanyang ngipin. Ano ang dapat mong gawin?
Pabayaan lamang siyang umiyak.
Pagtawanan ang kaklaseng masakit ang ngipin
Samahan siyang nagpunta sa dentist upang magamot ang sumasakit na ngipin
Bigyan ng tsokolate ang kaklase upang lalo pang sumakit ang ngipin
Alin sa mga sumusunod ang maaaring mong maitulong sa iyong kaklase na may sakit?
Pagtawanan ang kaklaseng may sakit
Pagdalaw at pagbibigay ng prutas sa kaklaseng may sakit
Pag –aaya sa kaklaseng ay sakit na maligo at maglaro sa ulan
Wala kang gagawin
May sakit ang nanay ni Samuel kaya hindi ito makagawa ng gawain sa bahay. Ano ang dapat gawin ni Samuel?
Umalis ng bahay
Manood ng sine at mamasyal sa mall
Makipag laro sa kapit-bahay
Gumawa ng gawaing bahay at alagaan ang nanay
Kailan nagpapakita ng malasakit sa taong may karamdaman o kapansanan?
Paminsan-insan
Palagi
Hindi
Pag may makitang Guro
Nakita mo na pinupunit ng iyong kamag-aaral ang mga pahina ng isang banal na aklat
Kukuhain ko ang Koran mula sa kanya sa kaniya upang di na niya ito tuluyang mapunit
Hahayaan ko na lamang sya sa kanyang ginagawa
Sasabihin ko na huwag niyang punitin ang mga pahinan ng banal na aklat
Malakas ang tunog ng radio habang nakikinig ang iyong tatay ng balita. Narinig mong nagdarasal ang mag-anak na Muslim na inyong kapitbhay.
Magpapaalam ako sa aking tatay na hihinaan ko ang radyo dahil nagdarasal ang aming kapit-bahay
Tatahimik na lamang ako habang habang sila ay nagdarasal
Hihintayin ko ang aking tatay na sabihan akong hinaan ang radyo
Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng iyon kapatid sa inyong bahay sa araw ng piyesta.
Sasabihin ko sa kanya ang mga handa naming walang sahog na baboy na maari niyang kainin
Sasabihin ko sa aking nanay na puro lutong may karne ng baboy ang dapat naming ihanda
Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang siyang papuntahin
Ipinakikilala sa iyo ng iyong pinsan ang kaniyang matalik na kaiibigan. Isa siyang kasapi ng Iglesia ni Cristo at ikaw naman ay Methodist
Makikipagkaibigan ako sa kaniya kahit iba ang aming paniniwala tungkol sa Diyos
Hahayaan ko ang aking pinsan sa nais niyang gawin
Maayos ko siyang kakausapin matapos kong magpakilala sa kaniya ngunit hindi ibig sabihin ay makikipagkaibigan na ako sa kanya.
Nakita mong naglalaro sa loob ng isang kapilya ang mga bata
Hahayaan ko sila sa kanilang paglalaro at hindi ako sasali sa kanilang paglalaro upang hindi na makadagdag sa ingay
Pagsasabihan ko sila na maglaro na lamang sa palaruan
Hahabulin ko sila hanggang mapilitan silang lumabas ng kapilya
Nagkamali ang kaklase mo sa pagbigkas ng isang salita habang pinababasa ng iyong guro. Napansin mong lihim siyang pinagtawanan ng iyong katabi. Ano ang iyong gagawin?
Sasabihin ko sa aking kaklaseng nagkamali na pinagtawanan siya ng aking katabi
Sasawayin ko ang aking katabi sa pamamagitan ng senyas at kakausapin pagkatapos ng klase
Pagsasabihan ko siya nang malakas para malaman ng lahat ang ginawa niya
Napansin mong nag-iisa at hindi kasali sa inyong laro ang bago ninyong kaklase
Aayaw na ako sa laro at sasamahan ko na lamang ang aking bagong kaklase
Pagsasabihan ko siyang pumunta na lamang sa silid-aklatan dahil wala siyang kausap
Yayayain ko siyang sumali sa aming laro
Nakita mong pinagagalitan at kinukurot ng iyong kaibigan ang kapatid niyang maliit
Sasabihin kong kausapin niya nang mahinahon ang kanyang kapatid at huwag itong saktan
Tatanungin ko siya kung ano ang ginawa ng kanyang kapatid
Imumungkahi kong isumbong na lang niya sa Nanay nila ang kanyang kapatid
Dalawang beses mo nang napansin na sinadyang patirin ng kaklase mong pinakamalaki ang kaklase mong pinakamaliit. Pinagsabihan mo na siya noong unang makita mong ginawa niya ito. Humingi siya ng paumanhin at sinabing hindi ito sinasadya pero nahalata mong hindi siya tapat sa kanyang sinabi. Ngayon ay inulit na naman niya ito
Tatahimik na lang ako dahil baka ako ang kanyang pagbalingan
Sasabihan ko ang iba ko pang kamag-aral na patirin din namin siya
Isusumbong ko siya sa aking guro upang matigil na siya sa kanyang ginagawa
May kaibigan ka na kinasanayan mo nang tawaging pagong dahil nababagalan ka sa kanyang kilos. Kahit binansagan mo siya nito, itinuturing ka pa rin niyang kaibigan kahit alam mong hindi lang niya ipinahahalatang nasasaktan din siya. Isang araw, napansin mong pati ang iba mong kaklase ay tinatawag siyang pagong.
Sasawayin ko sila at sasabihing ako lang ang puwedeng tumawag sa kanya ng ganoon dahil magkaibigan kami
Sasawayain ko sila at ipakikita ko sa kanila ang paghingi ko ng paumanhin sa aking kaibigan sa pagkakamali kong nagawa
Hahamunin ko sila ng away upang maipakita na handa akong ipagtanggol ang aking kaibigan
