NEW
Font size
WorksheetsESP 7.2
Total questions: 80
Worksheet time: 40mins
Alin sa sumusunod na kasabihan ang may kaugnayan sa talento at kakayahan?
Time is gold
Practice makes perfect
Honesty is the best policy
Love takes time
Ayon kay Professor Erickson, napapatunayan ang kahusayan ng tao sa pamamagitan ng______.
karanasan
pinag-aralan
tiwala sa sarili
masusing pagsasanay
Ito ay pagkagusto o pagiging masaya sa ating ginagawa.
Tiyaga
mithiin
hilig
tiwala
Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nababago ng ____
pera
panahon
siyensya
lugar
Arkitektura
Verbal Linguistic
musical
visual/spatial
existential
abogasya
Verbal linguistic
musical
mathematical
interpersonal
Math teacher
VIsual
Verbal
Mathematical
Musical
Pari/Priest
Interpersonal
intrapersonal
existential
verbal
Dancer/ Mananayaw
bodily kinesthetic
musical
Magsasaka
Interpersonal
existential
Naturalist
musical
Kompositor ng Awit
Musical
Bodily Kinesthetic
Verbal
Researcher
Interpersonal
Intrapersonal
Existential
Mangangalakal
interpersonal
intrapersonal
existential
Mamamahayag/Journalist
Verbal
Visual
Logical
Ang pag- unlad ng tao ay nagsisimula sa _____
Pamilya
paaralan
sarili
kapwa
Si Nena ay magaling kumanta. Sinabi sa kanya ng kanyang guro na ssumali siya sa darating na paligsahan. Ano kaya ang maaaring gawin ni Nena?
A. Sabihin sa guro na hindi niya kaya.
B. Sasabihin sa guro na siya ay sasali ngunit hindi naman darating sa araw ng paligsahan.
C. Mag-eensayo upang maging handa sa paligsahan.
D. Tatakbo na lang pauwi.
Nakita ni Julio ang kanyang kaklase na nahihirapan sa pagguhit. Ano ang maaaring gawin ni Julio?
A. Pagtawanan ang kaklasse
B. Isumbong ito sa guro.
C. Ipahiya ito sa mga kaklase.
D. Tulungan ang kaklase sa pagguhit.
Marunong kang sumayaw. Nakita mo na nageensayo ang ilan sa iyong mga kaklase para sa isang programa. Ano ang gagawin mo?
A. Sasali ako upang lalo pang mahasa ang talento.
B. Panonoorin ko lamang sila.
C. Magtatago ako at hindi sa kanila magpapakita.
D. Uuwi na lang ako sa bahay.
Magaling kang tumula. Nais ng iyong ina na ikaw ay sumali sa paligsahan sa inyong baryo. Ano ang gagawin mo?
A. Iiyak ako upang hindi makasali
B. Maghahanda ako at mag-eensayo
C. Sasabihin ko kay nanay na ayaw ko.
D. Pipilitin ko na lang ang kaibigan ko na sumali.
1. Ito ay pambihira at likas na kakayahan.
a. Talento
b. Galing
c. Kakayahan
d. Gilas
2. Sino ang bumuo ng Theory of Multiple Intelligences?
a. Howard Gardner
b. Manuel Dy
c. Professor Erickson
d. Sean Covey
3. Nais maging arketek ni Dan, anong intelligences ang kailangan niyang paunlarin?
a. Verbal/Linguistics
b. Musical/Rhythmic
c. Interpersonal at Intrapersonal
d. Mathematical at Visual/Spatial
4. Takot sa pakikipag-usap sa iba si Leah ngunit nais niyang magkaroon ng mga kaibigan. Anong intelligence ang dapat niyang paunlarin?
a. Intrapersonal
b. Verbal
c. Interpersonal
d. Visual/Spatial
5. Pangarap ni Remy ang maging isang accountant. Magaling siya sa pagkukwenta at pagbabudget ng pera. Anong intelligence ang kagalingang ito?
a. Visual/Spatial
b. Verbal
c. Mathematical
d. Musical
6. Mataas ang nakuha ni Che sa Verbal/Linguistics, anong trabaho sa ibaba ang pinakaakma sa intelligence na ito?
a. Pamamahayag
b. Inhinyero
c. Mathematician
d. DJ
7. Ang pag-aalaga ng mga mababangis na hayop sa zoo ay mapanganib kung kaya’t kailangan ng pag-iingat at pag-intindi sa ugali ng mga hayop. Anong intelligence ang pinaka-akma sa trabahong ito?
a. Intrapersonal
b. Interpersonal
c. Existentialist
d. Naturalist
8. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad rito. Ang pangungusap ay:
a. TAMA, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
b. TAMA, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal
c. MALI, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
d. MALI, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
9. Alin sa mga sumusunod ang paglalarawan sa isang intrapersonal?
a. Magaling sa basketball
b. Kayang makipag-usap sa iba
c. Magaling sa Problem Solving
d. Madalas mapag-isa
10. Alin sa mga sumusunod ang paglalarawan sa isang existentialist?
a. Malalim ang mga katanungan
b. Magaling tumugtog ng piano
c. Magaling mag-drawing
d. Mabilis tumakbo
11. Anong katalinuhan ang pinaka-angat kina Manny Pacquiao, Lebron James at Michael Pelps?
a. Musical/Rhythmic
b. Bodily-Kinesthetic
c. Visual/Spatial
d. Mathematical/Logical
12. Isa sa mga itinuturo ng Law of Seeds ay ang pagbubunga ng maraming buto ng isang puno upang siguruhin na may susunod ulit na puno. Kung ilalapat ito sa talento, ano ang dapat nating mahinuha?
a. Dapat ay sumubok ng iba’t ibang bagay upang malaman kung anong talento ang mas mapapaunlad
b. Ibigay ang lahat upang mapaunlad ang isang talento
c. Maging mapili sa mga talento na paunlarin
d. Dapat ay maging matatakutin sa pagpapaunlad ng talento
13. Ano ang nakapagpapaperpekto sa talento ng isang tao?
a. Pagsasanay
b. Hilig
c. Interes
d. Kakayahan
14. Sino sa mga sumusunod ang higit na makapagpapaunlad ng kanyang talento?
a. Si Rey na ipinagyayabang ang talento
b. Si Mel na napupukaw ang atensyon sa pagsasayaw kahit hindi ito ng atalento niya
c. Si Ren na nagpaplano ng pagpapaunlad ng kanyang talento at kakayahan
d. Wala sa nagbanggit
15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA ukol sa talento?
a. Ito ay likas
b. Ito ay napapaunlad
c. Ito ay namamana
d. Lahat ng nagbanggit
Ang sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangiang minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.
Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?
a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal.
Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?
a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sinuman na kanyang narinig sa paaralan.
b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.
c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anumang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan
d. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao
Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang makapaglingkod sa pamayanan
d. Lahat ng nabanggit
Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilang team. Makikitang halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pag-aaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?
a. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
b. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan.
c. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
d. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.
6. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase at inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligang sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nakapaglalaro ng volleyball kahit minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasya siyang sumali rito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline?
a. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa pagsasanay.
b. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya makasasabay sa kanyang mga kasamang matagal ng nagsasanay.
c. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng volleyball.
d. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa anumang sports sa matagal na panahon.
Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay
a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
d. Mali, dahil maaaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
Ang sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:
a. Ito ay hindi namamana
b. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
c. Ito ay hindi nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili
d. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan
Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na mag-recite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng ingles. Ano ang maaaring maging solusyon sa suliranin ni Leo?
a. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles
b. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
c. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paunlarin
d. Lahat ng nabanggit
Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahang talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon
Si Raquel ay magaling sumayaw kaya lang kapag napansin niyang
may nakatingin sa kanya hihinto nalang siya sa pagsasayaw at
magtago . Ano kaya ang kanyang nararamdaman?
Ayaw lang niyang sumayaw sa harap ng tao
Nalulungkot dahil may nakatingin sa kanya.
Nahihiya siya baka pagtawanan siya habang sumasayaw
Nawawalan siya ng tiwala sa sarili kapag may nakatingin
sa kanya.
Mas mabuti kung ang pagtuklas ng mga talento at kakayahan ay
magawa habang maaga at bata pa. Ang pangungusap ay ;
Tama, dahil habang bata hindi pa siya mahiyang ilabas ang
talento
Mali, dahil ang bata ay hindi pa marunong mag-alaga ng
talento at kakayahan
Mali, dahil nasa mga magulang nakasalalay ang paghubog
ng talento at kakayahan sa mga anak
Tama, dahil kung maagang matuklasan ang talento at
kakayahan mas mahubog niya ito at mas mapaunlad ang
sarili.
Kung mahalaga ang pagtuklas ng talento at kakayahan ng isang
nagdadalaga at nagbibinata, mahalaga din na malaman niya
ang kanyang kahinaan. Ang mga sumusunod na sagot ay tama
maliban sa isa,
Maging hamon sa kanya at gagawa ng mga hakbang na
malampasan ito.
Dahil magbibigay ito nang pagkakataong alamin din niya
kung paano ito malampasan
May panahon pa siyang baguhin ang kahinaan niya at
maging kalakasan din sa huli.
Para matanggap niya na wala na siyang magagawa sa
kanyang kahinaan at tanggapin na lang
Ang talento at kakayahan ng isang dalaga at binata ay nagbibigay
ng tiwala sa sarili.
Tama
Mali
Siguro nga
Hindi naman
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tiwala sa sarili?
Di nalang umimik sa klase para hindi tawagin
Hindi sasagot sa klase kapag di sigurado sa sagot
Palaging sumubok na sumagot mali man o tama ang
kanyang sagot
Kapag tinawag ng guro at di alam ang sagot humingi nalang
nang paumanhin
Ano ang dapat mong gawin kung matuklasan mo ang sariling
kahinaan?
Magmuk-mok at maging malungkot
Tanggapin na lang na hindi ka perpekto
Sikaping malampasan ang sariling kahinaan para magawa
mo itong kakayahan.
Tanggapin na ganyan talaga ang buhay mayron kang
kakayahan at mayron ka ding kahinaan
Bakit may mga taong tumanda na hindi alam na may talento silang
taglay?
Dahil tanggap na nila na wala talaga silang talento
Dahil hindi nila pinag-ukolan nang pansin na tuklasin ang
sariling talento
Dahil naging kontento sila sa buhay kaya di na nila inisip
ang talento nila
Dahil inisip nila na wala ring talento ang kanilang mga
magulang at sila ay nagmana rin
Ano ang kaibahan ng talento at kakayahan?
Ang talento ay ang kapasidad ng utak na mag-isip at ang
kakayahan ay ginamitan ng mga kamay.
Ang talento ay likas na kakayahan ng tao mula nang siyaý
ipinanganak habang ang kakayahan ay nakukuha sa labas
Ang talento ay namamana sa mga magulang samantalang
ang kakayahan ay bunga ng pagsisikap na mahasa ang sarili
Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon at
ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng
pagsasanay
Si Madelyn ay may magandang boses at alam niya na may talento
siya sa pag awit. Upang mahasa ang kanyang talento ginawa niya
ang lahat ng mga ito maliban sa isa;
Sumali siya sa choir sa paaralan
Sumasali sa ibat ibang patimpalak
Kapag may paligsahan sa pag awit sasali siya
Handa siyang sumali sa mga laro kapag may kasama siya
Ang lahat ng kabataan ay may kanya kanyang talento at kakayahan.
Tama, dahil may talento at kakayahan ka naman talaga
Tama, dahil likas sa tao na may talento at kakayahang
bigay ng Diyos
Mali, dahil may mga ipinanganak na hindi alam ang
talento at kakayahan
Mali, dahil may mga anak na ipinanganak sa mga
magulang na wala namang talento at kakayahan
Ang yugto ng pagbibinata at pagdadalaga.
Adolescence
Adulthood
Childhood
Maturity
Mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos.
Duties
Developmental Tasks
Responsibilities
Rights
Ang mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa:
pagkakaroon ng tiwala sa sarili at paghahanda sa susunod na yugto ng buhay at maging mapanagutang tao
para maging mayaman
pagiging maunlad at kilalang tao sa lipunan
para maging matapang at hindi inaapi
Lahat ay mga inaasahang kilos at asal ng isang kabataan maliban sa isa.
Marunong magdala ng mga suliranin.
Magkaroon ng boyfriend at girlfriend.
Mahusay sa pakikisalamuha sa kapwa.
Matutong pamahalaan ang mga peer pressure.
Ang yugto ng buhay mo bilang isang tinedyer ay tinatawag na transition period. Ano ang pangunahing dahilan nito?
Kasunod ito ng iba pang mga yugto.
Maraming katanungan ang uusbong sa yugtong ito.
Maraming pagbabago sa yugtong ito.
Maraming suliranin sa yugtong ito.
Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan.
Pangkaisipan
Panlipunan
Moral
Pandamdam
Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka
sa klase, at pangangatawan.
Pandamdam
Panlipunan
Moral
Pangkaisipan
Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian
ang mga babae kaysa mga lalaki.
Panlipunan
Pandamdam
Moral
Pangkaisipan
Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa.
Moral
Panlipunan
Pangkaisipan
Pandamdam
Siya ang nagsabi ng "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
Jose Rizal
Ferdinand Marcos
Andres Bonifacio
Ninoy Aquino
aling pagabago ang ipinapakita?
Pisikal na pagbabago
Pagbabago sa uugali
Mapanagutang Asal
Pagbabago sa sarili na kung saan ay nararamdaman mo na ikaw ay minamahal at tinatanggap.
Pagbabago sa pisikal na kaanyuan
Papel sa Lipunan
Pag-unlad ng Emosyon
Anong pag-babago ang inilalahad sa larawan?
Mapanagutang Asal
Paggawa ng Pasya
Papel sa Lipunan
Alin ang hindi kabilang sa mga inaasahang kakayahan at kilos ng nagdadalaga at nagbibinata?
Pagkikipag ugnayan sa kapwa
Pagbabago sa katawan
Pagbabago sa pakikipag-usap
Pagbabago sa pisikal na kaanyuan, ano ang inaasahang kilos at kakayahan ng mga tinedyer?
Maayos na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
Pag-iingat sa katawan
Nakagagawa ng tamang pagpapasya
Pagbabago sa pakikipag ugnayan sa kasing edad. Anong pagbabago sa sarili ang nagaganap?
Pisikal
Emosyonal
Kaisipan
Ang developmental task ay ang ______________ .
Inaasahang kakayahan at kilos sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o gampanan
Paglinang ng kakayahan at talento
Pagtalikod sa anumang resposibilidad sa sarili at pamayanan
A at B
Ano ang dapat gawin sa pagbabago na nagaganap sa iyong katawan o pisikal na anyo?
Itanggi ito sa iyong sarili.
Ikahiya ito sa ibang tao
Pabayaan na lamang
Tanggapin ito ng buong puso
Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon
Mataas ang tinatawag na muscle memory ng taong may ganitong talino
Visual Spatial
Mathematical/Logical
Bodily/Kinesthetic
Existential
Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kaniyang nararamdaman at motibasyon. Malalim ang pagkilala niya sa kaniyang angking mga talento, kakayahan at kahinaan.
Existential
Mathematical/Logical
Bodily/Kinesthetic
Visual Spatial
Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
Upang makapaglingkod sa pamayanan
Lahat ng nabanggit
Madali para sa akin na makaalaala ng letra o liriko ng awitin.
musical
spatial
kinesthetic
intrapersonal
Ito ang talino sa interaksiyon o
pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
interpersonal
intrapersonal
logical
bodily / kinesthetic
Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).
Musical/Rhythmic
Mathematical/Logical
Verbal/Linguistic
Interpersonal
