wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paunang Pagtataya

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng suliraning pangkabuhayan na kinaharap ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Daigdig?

a)

Tinangkilik ang produktong imported

b)

Umaasa ang pamahalaan sa tulong ng Amerika

c)

Hindi pantay na kasunduan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas

d)

Maraming nagtayo ng mga tirahan sa estero, tabi ng riles at ilalim ng tulay

2.

Ano ang bunga ng pagbilis ng paglaki ng populasyon sa pook-urban?

a)

Nagdulot ng labis na kaginhawaan sa mga mamamayan

b)

Nagkaroon ng trabaho ang maraming mamamayan

c)

Higit na masaya ang mga pamilya sa pook-urban

d)

Nagdulot ng malaking suliranin sa pagsikip at kakulangan sa tirahan

3.

Bakit binigyan-tuon ng pamahalaan ang pagpapaunlad ng rural na komunidad?

a)

Upang lumaki ang kita ng mga mamamayan

b)

Upang maganyak ang mga taong manatili at manirahan dito

c)

Dahil higit na nangangailangan ng tulong ang mga mamamayan dito

d)

Dahil karamihan sa kanila ay gustong guminhawa ang buhay

4.

Ang mga sumusunod ay suliranin sa panlipunan maliban sa isa. Alin dito?

a)

Marami ang nawalan ng trabaho

b)

Mabilis ang populasyon sa urban

c)

Naging maayos ang buhay sa probinsya

d)

Nagdulot ng problema sa pagsikip at kakulangan sa tirahan

5.

Paano mabigyan ng solusyon ang isyu sa squatting?

a)

Itinatag ng pamahalaan ang NARRA o National Resettlement and Rehabilitation Administration sa paglipat ng mga informal settlers

b)

Naglabas ng kautusan na ang mamamayan ay magkaroon ng sariling bahay.

c)

Gumawa ng bahay ang pamahalaan sa mga mamamayan

d)

Lahat ng nabanggit

6.

Lagyan ng ✓ kung may kaugnay sa suliraning pangkabuhayan at panlipunan at X kung hindi.

"Higit pang lumakas ang pananatili ng kapangyarihang militar ng Amerikano sa bansa."

7.

Lagyan ng ✓ kung may kaugnay sa suliraning pangkabuhayan at panlipunan at X kung hindi.

"Dahil mas maraming oportunidad sa Kamaynilaan, maraming mga mamamayan mula sa lalawigan ang tumutungo rito"

8.

Nagdulot ng malaking problema sa pagsisikip at kakulangan sa tirahan.​ (a)  

Choose from the below words
Suliraning Panlipunan
Suliraning Pangkabuhayan
9.

Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang ekonomiya at kabuhayan ng bansa ay lubos na naapektuhan.​ (a)  

Choose from the below words
Suliraning Pangkabuhayan
Suliraning Panlipunan
10.

Maraming nagtayo ng kanilang tirahan sa mga estero, tabi ng riles ng tren, sa gilid ng parke at ilalim ng tulay.​ (a)  

Choose from the below words
Suliraning Panlipunan
Suliraning Pangkabuhayan