WorksheetsQ3M1 Parabula (Pagsasanay)
Total questions: 22
Worksheet time: 11mins
Nagkasundo sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon. Ano ang ibig ipahiwatig ng nakasalungguhit na salita?
pera
salapi
renta
kaukulang bayad
Nagkasundo sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon. Ano ang metaporikal na kahulugan ng nakasalungguhit na salita?
buhay na walang hanggan
kaligtasan
kaligayahan
kaukulang bayad
Alin sa sumusunod ang kahulugan ng pahayag na “Ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna’’?
Mahalaga ang oras sa paggawa.
Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.
Kung sino ang naunang dumating ay siya ring unang aalis.
Lahat ay may pantay-patay na karapatan ayon sa napagkasunduan.
“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ano ang layunin ng pahayag na ito?
nagpapaalala
nangangaral
nagpaparangal
nag-uutos
Ang mga PARABULA ay _____ na binibigyang pakahulugan at hindi literal.
metaporikal
sikolohikal
segmental
analitikal
Piliin ang simbolo sa parabulang "Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan" na may tamang pakahulugan.
May-ari (Diyos)
Ubasan (Kaharian ng Diyos)
Salaping pilak (Kaligtasan)
Manggagawa (Trabahador)
Bilang isang anak, bakit kailangang sumunod sa pangaral at payo ng magulang?
mapabubuti ang buhay mo
magiging sikat ka sa pamayanan
mabibigyan ka ng medalya ng pagkilala
mailalayo ka sa kapahamakan
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa katangian ng isang parabula?
nagbibigay-aral tungo sa marangal na pamumuhay
hinango sa mga banal na kasulatan
ito ay pagsasadula sa buhay ni Hesus
gumagamit ng mga simbolo at matatalinghagang pahayag
makatotohanan at makabuluhan buhay
Kaugnay ng akdang “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan,” alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng pagkakapantay-pantay?
pagbibigay ng tulong sa lahat
pare-parehong bilang ng salapi
pare-parehong bilang ng oras ng pagtatrabaho
pagbibigay ng tulong ayon sa pangangailangan
Ang (a) ay isang akdang hinango sa mga Banal na Kasulatan na kapupulutan ng aral at maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay. Gumagamit ito ng mga simbolo at matatalinghagang pahayag na inuunawa sa metaporikal na pagpapakahulugan.
Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
Habang may buhay, magpakasaya ka.
Umiwas sa mga tukso sa paligid.
Laging para sa ikabubuti ng anak ang mga pangaral ng magulang.
Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
Piliin ang hindi dapat kasama sa sumusunod na lista ng akda.
Parabula ng Banga
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Ang Mabuting Samaritano
Ang Nawala at Natagpuang Tupa
Ang Pabulang Hatol ng Kuneho
Matapos magkasundo sa isang salaping pilak bilang upa sa maghapong pagtatrabaho ay sinabihan sila ng May-ari na magtungo sa ubasan. Ano ang ibig ipahiwatig ng nakasalungguhit na salita?
Pera
Salapi
Renta
Kaukulang-bayad
Matapos magkasundo sa isang salaping pilak bilang upa sa maghapong pagtatrabaho ay sinabihan sila ng May-ari na magtungo sa ubasan. Ano ang metaporikal na kahulugan ng nakasalungguhit na salita?
pera
kaukulang bayad
kayamanan dito sa lupa
kaligtasan o buhay na walang hanggan
Nang magkasundo na ang mga manggagawa at ang may-ari sa kaukulang bayad ay nagsimula na silang magtrabaho sa ubasan. Ano ang metaporikal na kahulugan ng nakasalungguhit na salita?
Palasyo ng hari
Taniman ng ubas
Kaharian ng Diyos
Pagawaan ng alak mula sa ubas
Piliin ang mga katangiang totoo tungkol sa PARABULA.
Hindi literal ang pagpapakahulugan
Hango o halaw sa Banal na Kasulatan
Nagtataglay ng mga elemento ng maikling kuwento
Gumagamit ng mga simbolo at matatalinhagang pahayag
Makatotohanan at magagamit ang mga aral tungo sa marangal na pamumuhay
