WorksheetsPagsusulit-Aralin 3c
Total questions: 16
Worksheet time: 20mins
Analogi. Panuto: Tukuyin ang tamang sagot na tumutugon sa pahayag at i-click ang iyong sagot.
1. paggamit ng malikhaing guniguni : nobela ; direktor : ________
nobela
maikling kwento
dula
dagli
2. kinagaganapan ng mga pangyayari : tanghalan ; kaluluwa ng dula : _______________
manonood
direktor
iskrip
aktor
3. naglalaman ng mga tradisyong Pilipino : nobela ; may biglaang pagbabago sa huling pangungusap sa kwento : ____________
dula
dagli
nobela
maikling kwento
4. mahusay ang pagbalangkas ng mga pangyayari : nobelang makabanghay ; makatuwirang nanawagan sa damdamin ng mambabasa : _______
nobelang masining
nobelang layunin
nobelang maromansa
nobelang salig sa kasaysayan
5. nagtatapos na masaya sa mabuting tauhan : komedya ; mapupusok ang mga tauhan : ____________
trahedya
parsa
saynete
melodrama
II. Pagpapahalaga sa mga Akda. Panuto: Piliing mabuti ang pinakaangkop na sagot batay sa mga akdang binasa at sinuri sa klase.
6. Mahalagang bagay ito sa dagli na "Pisonet" na nagsisimbolo ng pag-asa upang makapagtapos ng pag-aaral.
gasgasing face shield
alkansiya
aparador
kulubot na kamay
7. Anong damdaming nangingibabaw sa tauhan sa pahayag na "Nakangiti ngunit bakas sa mata ang lungkot nang basagin ng mga kalansing ang katahimikan sa buong silid"?
labis na nalungkot
masaya
natatakot
naghihinayang
8. Ito ang sinasagisag ng pamagat ng dagli na "Silya"
ugali ng mga tao
balakid sa pangarap
kabiguan
motibasyon na bumangon
9. Ito ang nangingibabaw na kaisipan sa dagli na "Unang Araw ng Klase"
ang edukasyon ay mahalaga sa pagbuo ng pagkatao
kahirapan dulot ng pandemya
maraming PIlipino ang hindi nakapagtapos ng kolehiyo
mahirap mabuhay na mahirap sa Pilipinas
10. Ito ang pinakasanhi ng pagiging di matuwid ni Benigno.
nang tinanggap niya ang pera mula kay Dr. del Rey
nang pumayag siyang ilakad nang ilegal ang loan application ng doktor
nang maospital ang kanyang anak
nang ipinilit niyang ibalik ang pera sa doktor
11. Ito ang sinasagisag ng pamagat ng nobela na "Satanas sa Lupa"
ang pagkaawa ni Benigno kay Diana
ang pagsunod ni Benigno sa tukso ng kapangyarihan sa pulitika
Ang pagkagalit niya sa anak na si Ester na nagtanan kay Rosendo
ang pagtanaw niya ng utang na loob kay Don Ignacio
12. Ito ang damdaming nangingibabaw sa kay Benigno sa bahagi ng nobela na " Gumulo sa isip niya ang anak na si Conrado, hindi niya na kayang tanggapin, sumuko na ang puso niya sa sama ng loob."
matinding kalungkutan
matinding pagsisisi sa sarili
matinding panghihinayang
naghihina na ang katawan niya
13. Bakit pinaalis lahat ni Virgie ang mga tao sa burol ni Benigno?
dahil galit siya mga pulitiko
dahil labis ang kanyang kalungkutan
dahil hindi niya kayang sikmurain ang mga pagpapanggap ng mga ito
dahil gusto niya makapiling ang yumaong bana na si Benigno
14. Anong pag-uugaling nangingibabaw kay Celing sa lihim na pagpusta sa kalabang manok ni Teban?
sigurista na walang perang masayang
manloloko
masinop sa pera
malihim
15. Anong kamalayang Pilipino ang ninanais na pukawin ni Rodrigo sa pagsulat ng dulang "Sa Pula sa Puti"?
walang mabuting patutunguhan kung ang asawa ay naglilihim sa bana
hindi dapat iasa sa sugal ang pagnanais ng masaganang buhay
hindi dapat naniniwala sa mga panaginip
nagpapasama sa Pilipino ang labis-labis na pagsusugal
III. Pagpapaliwanag. Panuto: Alin sa limang akda ("Silya," "Unang Araw ng Klase," "Pisonet," "Satanas sa Lupa," at "Sa Pula sa Puti" ang pumukaw sa iyong damdamin at bakit? Ang sagot mo ay dapat sa loob ng 5 pangungusap at higit pa. Sundin din ang tamang gramatika at mekaniks sa Filipino. 5 puntos
